pa vote po every chapter para nakakagana po mag UD. salamat pow❤️
MAXINE
"maxine hija, uuwi ka na ba?" tawag saakin ni tito alfred. naandito ako sa harap ng alfonso comp, nag aabang ng masasakyan pauwi.
gabi na rin kanina pa ako nag aabang ng masasakyan. ginabi na ako ngayon dahil nag overtime time ako.
andami dami kong hinabol na trabaho sa opisina dahil hindi ako nakakapasok nitong mga nakaraan dahil puro aral ang inatupag ko.
nag exam na kami kahapon kaya 2 weeks from now bakasyon na. confident naman ako na papasa ako dahil nag aral akong mabuti."yes tito alfred."
sabi ko sakanya."hali ka na, sumabay ka na saakin. pupuntahan ko rin ang tita mo."
tumingin tingin ako sa paligid dahil baka makita kami ni maam. baka mamaya nandyan lang yun sa tabi tabi para mag bantay."hindi na po."
"come on hija. baka mamaya ka pa makasakay. pupuntahan ko rin ang tita mo. kung iniisip mo si axia wala sya ngayon may inuutos sakanya ang mommy nya"
sabi nya. isa pang sulyap ang ginawa ko sa paligid bago sumakay sa passenger.
"pag pasensyahan mo na ang anak ko. palagi ko naman pinag sasabihan pero masyado na syang kinain ng galet nya kaya hindi na sya naniniwala.""okey lang po tito. hindi ko naman po pinapansin si maam, dahil hindi naman po totoo " ngumiti ako sakanya.
"hindi ka naman ba pinapahirapan ni axia sa school?" tanong nya saakin.
nako, kung alam nyo lang tito ang pinaggagawa saakin ng anak nyo.
"hindi naman po." pag sisinungaling ko.
"good to hear."
hindi na sya umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. nakita ko si tita na nakaabang sa labas ng gate namin. nag mano ako sakanya pag labas ko saka sabay sabay na kami pumasok sa loob ng mumunti naming bahay.
simula 13 years old nasa tita ko na ako nakatira. patay na si mama at si papa naman may iba ng pamilya. gusto nya sana ako kunin pero hindi ako binigay ni tita, ayaw ko rin naman sumama dahil mas napamahal na ako sa tita ko.
"tito, tita pasok na po ako sa kwarto." paalam ko sakanila. para makapag usap sila ng maayos.
si tita ang ka relasyon ni tito alfred mag dadalawang taon na sila. gusto ko sana mag tanong pero feeling ko labas na ako doon. malalake na sila.••
galet na galet at nakakuyom ang mga palad na kumakatok ako ngayon dito sa opisina ni maam archeles.
hindi ko matanggap ang ginawa nya saakin.hindi ko alam kung bakit ko nabagsak ang subject nya, samantalang lahat naman binigay ko. palagi akong perfect sa quizes at recitation.
tapos ngayon malalaman ko na bagsak ako sa subject nya?"oh perez?" nakangising bungad saakin ni maam pag bukas nya ng pinto. "sabi ko na nga ba, pupuntahan mo ako. namiss mo ba ang maganda mong guro?" tumalikod ito at nag lakad pabalik sa upuan nya.
sumunod ako sakanya at galet na pinatong ko sa table nya ang envelope kung saan nag lalaman ang school card ko."maam bakit naman ho ganun?" nag titimpi na tanong ko sakanya.
"sa pagkakaalam ko naman napasa ko naman ang subject ko sainyo. pero bakit bagsak ho ako?" dugtong ko pa.
tumayo ito at tinukod ang mga kamay nya sa mesa bago nilapit saakin ang mukha nya kaya napaatras ako ng onte.ito yung masyado kong inaalala as in bagsak talaga ako sa subject nya buti nalang hindi ito naka apekto sa average grade ko para matanggal ang scholarship ko. nakakaiyak kasi pinag hirapan ko yun tapos ganito lang ang gagawin nya saakin.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅