Part 30

6.6K 182 13
                                        


MAXINE

"Bakit tatanggalin mo sya?" Tanong ko sakanya. Hindi ko gusto ang idea na bigla bigla na lang nyang tatanggalin ang secretary nya para saakin.
Iba sa pakiramdam ang papalitan ng walang dahilan.
Kahit pa naiinis ako sa babaeng yun noon.
Pero hindi ko naman pwedeng isisi sakanya yun dahil alam ko na si axia ang may gusto nun, sumasabay lang sya.

"Gusto ko na bumalik ka na saakin. Dont worry ililipat ko lang sya sa ibang department sa company."
Mas humigpit ang pagkakayakap nya saakin. Naandito kami sa kwarto ko nakahiga at mag kayakap. Take note wala pong nangyari saamin.
Gusto lang daw nyang mag pahinga kasi pagod sya at medyo sumasakit na naman ang ulo nya.

"paano si luxx?" Tanong ko. Kawawa naman sya kung iiwanan ko sya.

"Pinaalam na kita sakanya, and please stay away from him. Pinag iisipan ka nya na baka daw totoo naman yung sinasabi ni gio." Grabe naman? Pero tulad nga ng sabi ko, mas kilala nya ang gio na yun kaya diko rin sya masisisi na mas paniwalaan nya ang manyak na yun.

"Okey. Sayo na ako mag wowork." Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Anong oras umuuwi si tita?" Tanong nya saakin.
Tinignan ko sya pero nginitian nya lang ako.

"Mamayang 11pm pa yun." Bumangon ako para mag luto ng pagkain nya para makainom sya ng gamot mag 8pm na kasi kaya kailangan nya ng kumain.
At tyaka alam ko na kasi ang balak ng babaeng to.

"Ang daya naman e." Nag mamaktol na sabi nya sumisipa sipa pa talaga sya sa kama.
Para talagang bata

"Tumigil ka nga dyan. Kailangan mong mag pahinga at uminom ng gamot, kaya mag luluto ako."
Lumabas na ako ng kwarto narinig ko pa syang sumigaw bago ko isara ang pinto.

Bahala sya dyan. Napaka manyak talaga, Kababaeng tao.

Nag luto ako ng adobong manok saka gulay para mas ganahan sya kumain.
Pagkatapos ko hinanda ko na ito sa mesa saka ako bumalik sa kwarto para tawagin sana sya, pero nadatnan ko syang tulog habang yakap yakap ang unan ko.

Napangiti ako saka dahan dahang lumapit at umupo sa kama. Tinanggal ko ang buhok na humaharang sa maamo nyang mukha.
Sinuklay ko ang buhok nya gamit ang mga daliri ko

Hanggang ngayon hindi pa rin ako kakapaniwala na kami ng dalawa, na meron na akong karapatan sakanya.

Sobrang saya ko kanina nung sinabi nya saakin yung mga ginawa nya. Lalo na yung sinabi nya na sa parents nya ang about saaming dalawa. Walang pag lagyan ang saya ko.

Dahil sa ginawa nyang yun, napatunayan ko na seryoso talaga sya saakin. Pinatunayan nya talaga na seryoso sya saakin, na hindi ito isang laro lang para sakanya.

Naagaw ang attention ko ng cellphone nyang tumutunog pero hindi ko yun pinansin hanggang sa namatay na lang. Pero muli na naman itong tumunog kaya nilapitan ko na ito para tignan ang tumatawag.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan ni maam marucci sa screen ng phone.

Tinignan ko muna si maam na himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog bago ko sinagot ang tawag. Hindi ako umimik at hinintay kong mag salita sya.

"Hello po maam?" Boses iyon ng isang lalake. Rinig na rinig ko rin ang maingay at malakas na tugtog mula sa kabilang linya. "Si maam axia po ba ito? Pasensya na po kung tinawagan ko po kayo. Lasing na lasing po kasi ang may ari ng cellphone at kayo po ang palaging bukang bibig nya kaya kayo po ang tinawagan ko. Pwede nyo po ba syang sunduin maam? Nandito po sya sa poblacio diceo bar. Baka po kasi mapahamak ito may nakaaway pa naman po sya."

Mabilis kong pinatay ang tawag ng makita kong gumalaw si maam pero bumaling lang ito sa kabilang side at muling natulog.
denelete ko sa recent ang call bago ko binalik ang phone nya sa bag.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon