Part 47

4.4K 102 12
                                    

Triggered Warning⚠️: this chapter contains scene that may be alarming, disturbing, and traumatic. Please be advised.

MAXINE:

Dalawa't kalahating buwan na ang nakakalipas simula ng ma declare saamin ng doctor na clinically brain dead si axia. Sa halos tatlong buwan na yun andito ako at lugmok na lugmok pa rin habang umaasa na gagaling pa sya. Pero kahit isang sign na gagaling sya ay wala man lang pang nakikita sa katawan nya. Simula din nung araw na yun. Ilang beses pa syang nag seizures na mas lalong nagpapalala ng sitwasyon nya.

Natatakot ako. dahil habang mas tumatagal mas lalong nawawalan ako ng chance. Sabi ng doctor isang buwan lang dapat ay makikita na kung may pagbabago pero walang nangyayari.

Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang salamin na nasa harapan ko ngayon. Nakikita ko si axia sa loob. Hindi ako pwedeng pumasok dahil may oras lang ang dalaw sakanya.
Alam ko na hirap na hirap na sya sa kalagayan nya ngayon pero pinipilit nya paring lumaban.
Lumalaban pa ang puso nya pero ang utak nya machine na lang ang nagpapatakbo.

"A-axia." Pinunas ko ang basang basa kong pisngi kaso agad rin tumulo ang luha ko.
"Alam ko na hindi mo ako naririnig, Pero gusto ko pa ring sabihin sayo kung gaano kita kamahal."muli kong pinunas ang luha ko saka pilit na ngumiti.
"Mahal na mahal kita axia." Dinikit ko ang noo ko sa salamin habang nakatingin sakanya.
"Lumaban ka please." Pakiusap ko sakanya. Tuluyan na akong napahagulgol
"Pero hindi rin kita masisisi kung tuluyan ka ng susuko, axia ko." Napahawak ako sa dibdib ko para pigilan ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pag iyak.
"Ang sakit sakit lang, dahil wala akong magawa para sayo. Ang magagawa ko lang ay ang ipag dasal ka para gumaling ka. Pero ang hirap pala." Suminghot ako at napabuga ng hangin. "Ang hirap kumapit." Nilamukos ko ang parte ng dibdib ko.
Muli kong pinunas ang luha ko.
"Gusto kong malaman mo na, kahit saan man humantong to, mananatiling sayo pa rin ang puso ko hinding hindi kita iiwanan, axia." Ngumiti ako kahit pilit. "I love you, axia." Huling bigkas ko bago ako tumalikod.

Pag labas ko sila tita at tito agad ang sumalubong saakin. Kumpleto sila kahit mga kamag anak ni axia ay naandito rin. May mga pinag usapan sila.

"Pwede ba kitang makausap?" Malungkot na tanong nya saakin. Tumango ako sakanya. Tumingin muna sya sa mga kasama nya at kay tita bago sya nag lakad paalis.

Sumunod na ako sakanya. Dinala nya ako sa mini church.

"Kamusta ka?" Tanong nya saakin. "I mean ang pakiramdam mo?
Muling nagbagsakan ang luha ko sa naging tanong nya.

"Walang nagbabago tito." Tumingin ako sa altar.
"A-ang sakit s-sakit pa rin." Tuluyan na akong napahagulgol. Naramdaman ko ang pag haplos ni tito sa likod ko.
"H-how i wish, na ako ang nasa k-kalagayan nya ngayon, at sya ang sa k-kinatatayuan ko ngayon."

"Wag kang magsalita ng ganyan, maxine." Pag saway nya saakin. "Dahil hindi yan magugustuhan ni axia. Kung ikaw ang nasa kalagayan nya ngayon, malamang nahihirapan rin sya dahil nakikita ka nyang nahihirapan. Parehas mahirap ang sitwasyon nyong dalawa." Tama si tito. Kung si axia ang buhay baka nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko at hindi biro itong nararamdaman ko.

Tumango ako sakanya.

"Bakit nyo po pala ako tinawag?" Pinunas ko ang luha ko bago humarap sakanya. Nag iwas sya ng tingin. Maya maya pa ay nag simula na rin syang umiyak.

"Nag usap na kami ng mommy nya." Panimula nya. "Nag usap usap na kaming lahat na tanggalin na ang life support ni axia, dahil nahihirapan na sya."
Mabilis akong napatingin kay tito.
Tama ba ang narinig ko?

"Hindi po ba importante ang desisyon ko?" Naiiyak na tanong ko sakanya. "H-hindi nyo man lang ako sinali sa usapan nyo."

"Kaya kita kinausap ngayon dahil gusto kong humingi ng permiso mo. Gusto kong ikaw ang huling mag desisyon, max. Dahil kung ako ang papipiliin." Tumigil ito at tumingin sa altar. "Gusto ko na syang pahingahin, dahil ramdam ko na nahihirapan na ang anak ko."

"A-ayaw ko tito." Humahagulgol na sabi ko sakanya. Umiling ako. "Hindi ko pa kaya." Umiiling na sabi ko sakanya. "N-naniniwala ako na lumalaban pa si axia."

"Ilang beses na sinabi ng doctor na wala ng pag asa si axia, max. Hinihintay na lang nila ang desisyon natin para tuluyan na nilang tanggalin ang machine ni axia." Sabi nya. "Alam ko na mahirap tanggapin pero kailangan mong tanggapin, max. Mas mahihirapan ka lang pag patuloy ka pang umasa."
Sabi nya na muli kong ikinahagulgol.
Lumapit sya saakin at niyakap ako.
"Pag isipan mong mabuti, max. Isipin mo na lang na para ito sa katahimikan ni axia." Hinalikan ako nito sa ulo. "Kailangan nya ng magpahinga" umiling ako.

Ang sakit sakit.

"I- want to marry her." Sabi ko sakanya.
Tumingin sya saakin.

"Sigurado ka ba dyan?"
Tanong nya saakin.
"Sinabi ko na sayo na wal-"

"I understand tito." Umiiyak na sabi ko sakanya.
"Yun na lang ang huling hiling ko sainyo. Gusto kong
p-pakasalan si axia." Walang nagawang tumango ito.

"Sabihin mo lang saakin kung kaila-" sabi nya.

"On my birthday." Sabi ko sakanya.
Tumango sya. Tinapik nya muna ako sa braso bago nya ako iniwanan.

Pag labas nya sakto namang pumasok ang mga kaibigan ko. Pagkakita ko sa mga kaibigan ko mababakas ang lungkot sa mga mukha nila.

Si megan, ken, at davin. Kasama rin nila si arcilla at candace.

Agad na lumapit saakin si davin at niyakap ako ng sobrang higpit. Hindi ko na naman napigilang huwag maiyak. Feeling ko ngayon lang ako nagkaroon ng karamay sa lahat ng sakit na pinag daanan ko.
Hanggang sa lahat na sila nakiyakap na rin. Naririnig ko rin ang mga iyak nila.

"Nagkausap na ba kayo ni tito?" Tanong saakin ni arcilla pagkaupo naming lahat sa upuan ng mini church.

Tumango ako sakanya.

"Alam ko na mahirap max, dahil kahit kami hirap na hirap ring tanggapin ang naging desisyon namin. Pero kailangan na e." Suminghot ito.
"Simula noong maconfine sya ramdam na natin ang hirap nya." Nag punas ito ng luha.
"Alam ko na pati sya naghihintay na lang sa magiging desisyon natin." Sabi nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko.
"Kakayanin nating lahat ito para sa ikakatahimik ni axia." Sabi nya.
Tumango ako sakanya.
Baka tama nga sila. Kailangan ko na ring pakawalan si axia. Kailangan ko ng pakawalan ang katawan nya pero hindi ang puso nya.

Masyado ng nahihirapan si axia.

•••

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon