MAXINE
"ah sir, nandito na po yung pinakuha nyo." agaw pansin ko kay sir luxx. mula sa laptop inangat nya ang tingin nya saakin. ngumiti sya bago kinuha ang folder na inaabot ko sakanya.
"thank you max." pasasalamat neto saakin.
sinuot nya ulit ang salamin nya bago binuksan ang folder na kinuha ko kay tito alfred.
nag paalam na ako sakanya na babalik na ako sa trabaho pero agad ulit syang nag salita.
"ahhh.." napakamot ito sa kilay nya. may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi sabi
"ahm max, pwede ba kitang yayain for dinner mamaya?" nahihiyang tanong nya saakin. pangalawang beses na to na niyaya nya ako, nung una tinanggihan ko sya. kaya tuloy hindi ko na alam kung ano ang irarason ko ngayon ulit.
"siguro naman hindi mo na ako tatanggihan ngayon." ngumiti ako ng alanganin sakanya. pinangunahan nya na ako kaya ano pa ba ang magagawa ko?
hindi man sya umaamin pero nahahalata ko na may something sya saakin, halatang halata kasi sa actions nya."ah.. sige po si—."
"just call me, luxx." putol neto sa sasabihin ko sana. hindi kasi ako sanay na tawagin sya sa pangalan nya kaya kahit anong gawin ko may time na nakakalimutan ko talaga na tawagin sya sa pangalan nya. ahead rin sya saakin ng isang taon
"sige luxx." sagot ko "pero anong oras ba mamaya?"
"sabay nalang tayo after work. may pina reserved akong restaurant dyan sa may malapit."
hanep. hindi pa nga sya sure kung papayag ako pero nagpareserve na agad sya?
paano pala kung tumanggi ako?
sabagay sakanilang mayayaman hindi naman nila iniisip ang pera. barya lang para sakanya ang ganung halaga."sige luxx." ngumiti sya saakin bago binalik ang tingin sa laptop. "alis na ako."
paalam ko sakanya tumango naman sya kaya bumalik na ako sa trabaho ko.
nag check lang ako ng mga email para sa mga client ni luxx na nag papa set ng appointment.nang makaramdam ako ng hilo tinanggal ko muna ang mata ko sa screen ng laptop. kailangan ko na ata magpasukat ng salamin.
napapansin ko kasi nitong mga nakaraan palaging sumasakit ang mata ko pag matagal akong nakatingin sa screen ng laptop or sa cellphone.tumingin ako sa telepono na tumutunog sa tabi ko.
kinuha ko yun bumuga muna ako ng hangin bago ko dinikit sa tenga ko ang telepono."ah max, halika muna dito. may ipapadala lang ako sayo kay axia." pagkasabi nya nun binaba nya na ang telephone. muli akong napabuga ng hangin bago tumayo.
wala siguro talagang mangyayari sa pag iwas ko kay maam. teka, bakit ba ako nag eexpect na makakaiwas ako sakanya? e unang una nasa iisang kumpanya lang kami. kahit ano pang mangyari boss ko pa rin sya kahit na dito ako kay sir luxx nag wowork. natural na lagi talagang mag cocrossed ang landas namin.
gusto ko syang iwasan dahil nung last na nag kita kami 4 days ago e galet sya saakin. nalaman ko rin ang rason kung bakit ganun nalang ang galet nya saakin. na suspend pala ang license nya sa pagtuturo at si tito alfred ang may gawa pero ako daw ang dahilan.
hindi ko rin naman kasalanan yun bakit ako ang sinisisi nya? kung meron mang tao ang gumawa nun, ay sya yun.
tinuruan lang sya ng lection ni tito alfred dahil sa nakakabwesit na ugali nya.tumayo na ako at nag lakad papunta sa office ni luxx.
pag pasok ko katatapos lang nya mag pirma saka nya inabot saakin."max, ito na yun. pakisabi na lang kay axia napirmahan ko na at pirma na lang nya ang kulang. iwanan mo na rin sakanya, sya na ang bahala dyan."
bilin nya saakin. tumango ako sakanya bago ako nag lakad palabas ng office.habang nasa elevator hindi ko maiwasang isipin ang magiging reaction ni maam axia pag nakita nya ulit ako. bahala na, ang importante wala akong kasalanan.
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅