Triggered Warning⚠️: this chapter contains scene that may be alarming, disturbing and traumatic. Please be advised.
MAXINE:
"Ang saya saya ko alfred"
"Sa wakas tuluyan ng nagising si maxine."
Onte onte kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong saakin ang puting kisame.
Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.Ano bang nangyari?
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
"Ahm." Ungot ko ng maramdaman kong sumakit at may parteng kamay ko.
Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si tita na tumatakbo palapit saakin."Tumawag ka ng doctor alfred."
Doctor?
Tinignan ko ang paligid at doon ko lang napansin ang mga aparatos na nakatusok saakin.
Rinig na rinig ko rin ang monitoring system.Anong nangyari?
Pilit kong inaalala ang nangyari. At doon lang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari.
Mabilis akong nakaramdam ng kaba ng maalala ko si axia at ang kundisyon nito bago ako mawalan ng malay nung gabing naaksidente kami.Tumingin ako kay tita.
"Nasaan si axia?" Naiiyak na tanong ko.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba at takot ng hindi ito umimik.
"Tita, nasaan si axia?" Muli kong tanong sakanya. Nag iwas ito ng tingin kaya hindi ko na napigilang mag hysterical.
"Nasaan si axia?" Umiiyak na tanong ko.
Lumapit sya saakin para patahanin ako. Kasabay rin noon ang pag pasok ni tito kasunod ang mga doctor."Anong nangyayari?" Tanong ni tito kay tita. Hindi ko sila pinansin dahil mas lalo lang akong nag wala.
"Hinahanap si axia." Rinig kong sabi ni tita kay tito.
Lumapit saakin si tito."Kumalma ka maxine, baka mas mapahamak ka pa." Si tito. Umiling ako habang umiiyak.
"G-gustong kong m-makita si axia t-tito." Umiiyak na sabi ko sakanya.
"Nasaan si axia?" Imbis na sagutin nya ako tinawag nya ang isang nurse at naramdaman ko ang pag tusok saakin ng karayom."Axia" bigkas ko sa pangalan nya bago ako lamunin ng antok.
••
"Gusto kong makita si axia." Naiiyak na sabi ko sakanilang dalawa. Kaming tatlo na lang ang nasa kwarto.
"Handa ka na bang makita sya?" Tanong ni tito saakin. Bakit feeling ko may hindi magandang nangyari kay axia?
No, hindi pwede. Hindi ko kakayanin pag may nangyari sakanya. Mas mabuting mamatay na lang rin ako kesa hindi ko na sya makita habang buhay.Tumango ako sakanila.
Tumayo sa pagkakaupo si tito saka lumapit saakin.
Si tita naman kinuha ang wheel chair sa isang tabi para dalhin saakin.Tinulungan ako ni tito paupo sa wheelchair saka ako tinulak palabas ng kwarto. Si tita naman bitbit ang iv fluid.
Tumapat kami sa isang kwarto. Hindi pa nga kami nakakapasok para ng tinatambol ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"Tatagan mo ang loob mo, max." Dahil sa sinabing yun ni tito mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na masama nga talaga ang lagay ni axia.
Hindi naman nila ito sasabihin saakin kung nasa maayos na kalagayan si axia e.Tumango ako kay tito kaya naman pinihit na ni tita ang pinto. Bago nya pa tuluyang mabuksan ang pinto pumikit muna ako at huminga ng malalim.
Pag mulat ko si arcilla ang bumungad saakin. Nakatayo ito sa may paanan ng kama.
Ngumiti ito saakin.
Nilipat ko ang paningin ko sa babaeng nakahiga sa kama at tulog na tulog pa rin.Agad na nanlambot ang puso ko sa nakita kong kalagayan nya.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko sana sya sinama pauwi hindi sana nangyari ang lahat ng ito sakanya.
Ako dapat ang nasa ganyang kalagayan nya. Sana sya na lang ako. Sana sya na lang yung nandito sa pwesto ko ngayon. Sana sya na lang yung naunang nagising.
Dinala ako ni tito sa tabi ni axia.
"Pwede nyo po ba kaming iwanan muna saglit?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan silang tatlo saka sabay sabay na tumango.
Sinundan ko sila ng tingin palabas.
Pagkasara nila ng pinto doon na nag unahan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang mga kamay nya."Axia?" Tawag ko sa pangalan nya kahit alam ko na hindi nya ako naririnig. "A-andito na ako." Pinunasan ko ang luha ko pero agad ring tumulo ang luha ko.
"P-pasensya ka na kung dahil saakin kaya ka
n-napahamak." Tumingala ako
Pinisil ko ang kamay nya.
"Please gumising ka na rin axia ko." Suminghot ako. "Dahil hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa buhay ko, axia." Umiiyak na sabi ko sakanya.
"I-ikaw ang buhay ko, axia. at kung mawawala ka sa buhay ko, p-parang nawalan na rin ako ng b-buhay. Kaya sana lumaban ka axia." Pinunas ko ang luha ko
Ramdam ko na rin ang panginginig ng kamay ko na nakahawak sa kamay nya.
"Mahal na mahal kita, axia."
Kahit hirap na hirap pinilit kong tumayo para makita ko ang mukha nya. Hinalikan ko sya sa noo at sa pisngi. "I love you, axia."Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na gumalaw ang talukap ng mga mata nya at maya maya pa ay nagmulat ito pero agad ring pumikit.
Mabilis kong pinindot ang emergency buzzer na nakadikit sa dingding.Tumingin ako sa pinto ng sunod sunod na pumasok sila tito, tita, at si arcilla. Maya maya pa pumasok na rin ang doctor.
"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni tito.
Tinuro ko si axia."Nagising ho si axia. Pero agad rin hong pumikit." Masayang sabi ko sakanila. Mabilis na lumapit saamin ang doctor. Plinashlightan nila ang mga mata ni axia.
"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Tanong ng doctor saakin.
"Opo. Siguradong sigurado ako."
"Well, magandang sign yan."
Lumapit si arcilla saakin para alalayan ako.
"I suggest na dalasan nyo ang pagkausap sakanya para kahit papaano ay gumagana ang utak nya."
Tumango kami sa doctor.
"Excuse me." Pagkalabas ng doctor napatingin silang tatlo saakin."Sure ka?" Sabay sabay nilang tanong saakin.
"Nakita ko talaga. Hinalikan ko kasi sya sa noo tapos ayun. nung una gumalaw ang talukap nya tapos nag mulat pero agad ring pumikit." Mahabang paliwanag ko sakanila.
"Jusko sana naman tuluyan ng gumising si axia." Si tita. "Mag iisang buwan na syang nakahiga at walang malay."
"Sabi ng doctor magandang pangyayari yun, kaya naniniwala ako na sa mga susunod na araw ay tuluyan ng magigising si axia." Rinig kong sabi ni arcilla.
Pinaupo nya muna ako sa wheelchair bago sya lumapit kay axia.
"Ang arte mo." Sabi nito na ikinatawa ni tito. "Nung ako kumakausap sayo hindi ka man lang gumalaw? Tapos nung si maxine nag mulat ka pa talaga?" Napatawa ako dahil sa mga pinag sasabi ni arcilla.
"OMG...." Malakas na sigaw ni arcilla habang nakatingin kay axia. Hindi ko nakikita si axia dahil natatakpan ito ni arcilla. Mabilis na tumayo si tito para lapitan si arcilla.
"Gising na si axia." Agad na kumabog ang puso ko pagkarinig ko sa sinabi ni arcilla.••••
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅