Part 40

4.9K 134 13
                                    

MAXINE

"Reservation for maam archeles po?" Tanong ng waiter na sumalubong saamin dito sa restaurant na pinag dalhan saakin ni axia.

"Yes."

"This way maam." Sumunod kami sa waiter. Lilinga linga ako sa paligid dahil feeling ko may mga matang nakatingin saakin, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si jacobo sa kabilang dulo ng restaurant. May kausap syang babae na hindi ko mamukhaan dahil nakatalikod sya sa pwesto namin ni axia.
Hindi na nakatingin saakin si jacobo dahil nakikipag usap na ito sa babaeng kausap nya, pansin ko rin ang pagiging taranta nya.
Nagulat ako ng may biglang humablot saakin at hinila ako.

"What are you doing?"

"Wala, nakita ko lang si jacobo."
Alangang sabi ko sakanya pag pasok namin sa VIP room. May naalala ako na sinabi ni maam saakin dati.
"Diba business partner nyo si jacobo? What if mag sumbong sya sa mommy mo?" Nag aalalang sabi ko sakanya. Baka kasi mas lalong magalet ang mommy nya sakanya pag nalaman neto na nag uusap pa rin kaming dalawa. Natatakot ako na baka mas lalo lang syang pilitin na gawin nya ang bagay na salungat sa kagustuhan ni axia.

"Okey na po maam." Agaw pansin saamin ng waiter. Humarap kami sakanya para mag pasalamat at pagkatapos lumabas na rin sya.
Pagkalabas nya muli akong humarap kay axia.
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko bago ako tinitigan.

"Dont worry, Business partner sila ni dad, not mom." Ngumiti sya saakin saka ako hinawakan sa pisngi.
"Wag ka na mag alala, okey?" Matipid akong ngumiti sakanya saka dahan dahang tumango.
"This is our night, we supposed to be happy." Napapikit ako ng halikan nya ako ng smack sa labi.
Maya maya nakangiti syang lumayo tyaka ako hinila papunta sa table namin.

"Thanks" pasasalamat ko sakanya dahil sa paghila nya ng bangko para saakin. Umupo na rin sya sa harapan ko nilagyan nya na rin ng pagkain ang pinggan ko.

"Lets eat."

Nagsimula na kaming kumain pero hindi ako makapag focus sa pagkain dahil hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa bagong ayos nya. Para syang ibang tao. Kung hindi lang sya sweet saakin ngayon gaya ng lagi nyang ginagawa noon ay aakalain kong ibang tao sya.

"Is she still courting you?" Nabigla ako sa naging tanong nya saakin. Tumingin ako sakanya at nakita ko na seryoso lang syang nakatingin sa kinakain nya.
Akala ko hindi na sya magsasalita hanggang sa matapos kami dahil hindi na nga sya nagsasalita pa simula nung nag umpisa kaming kumain.
Tumikhim ako bago tumingin sakanya.

"Nanliligaw pa rin sya." Nag aalalangan na sagot ko.
Sinubo nya muna ang steak na nasa tinidor nya bago sya tumingin saakin.

"Do you like her?" Tumikhim sya. "I mean, lagi kasi kitang nakikita and feeling ko affected ka sa presence nya. Thats why i assume na meron ka na ring nararamdaman sakanya." Uminom sya ng tubig.
"Sana mali ako." Dugtong nya pagkababa nya ng baso.

"Sa totoo lang, axia. Masyado pang maaga para magkagusto ako kay davin. Mabait sya oo. akala ko nga rin nung una, magugustuhan ko sya dahil mabuti syang tao." Mapait na ngumiti ako.
"Pero mali ako. Siguro dahil na rin sa pagmamahal ko sayo kaya hindi ko sya magawang magustuhan.
Hindi ko rin pinipilit ang sarili ko na magustuhan ko sya, dahil baka dumating yung araw na mas masaktan ko sya dahil lang sa pag pilit ko na mahalin sya."

"Bakit hinayaan mo sya na ligawan ka? Paano kung sa pag payag mo isipin nya na may pag asa sya?"

"Dahil yun ang gusto nya, Hayaan ko daw sya but we make a deal."

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon