MAXINEPag dating ko sa lugar kung saan ko nakitang pumunta si maam ay agad kong ginala ang paningin ko. Wala akong makitang kahit na isang tao kaya naman pinag patuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa gym.
Maliwanag kasi ang buong school para makita kung may mga studyante bang gumagawa ng kalokohan lalo at gabi na. Tinanggal ko na rin ang mascara na suot ko dahil hindi na ako komportable na suot ito.Kinuha ko ang phone ko na nag vibrate.
Nag text si megan at nag tatanong kung asan ako.
Muli kong binalik ang cellphone ko sa bag.Babalik na sana ako pero agad akong natigil dahil sa familiar na boses na nag salita sa di kalayuan. Pader lang ang pagitan namin. Nasa labas ako at nasa loob siya ng gym.
Papasok na sana ako pero muli itong nag salita at parang galet ito kaya natigil ako Narinig ko kasi na parang hindi lang sya mag isa.
"I still love you axi and i know na mahal mo pa rin ako hanggang ngayon." Naiiyak na paliwanag ng kausap nya at kung hindi ako nag kakamali sa pag kakakilala sa boses na yun ay si maam marucci ang babaeng kausap nya.
"Ayusin natin to please lov-""Ano pa ba ang gusto mong mangyari candace? Tapos na tayo matagal na pwede ba umalis ka na? Kung gusto mo umalis ka ulit at bumalik ng states." Galet na singhal ni maam axia. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili na makagawa ng ingay.
"Total doon ka naman magaling ang mang iwan ng walang pasabi!!.""Believed me, hindi ko gustong iwan ka but i have to, para sayo, para saating dalawa."
"Para lang sayo." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pag crack ng boses ni maam axia. Umiiyak sya.
"Para sayo lang.""Love, alam mo naman na ayaw saatin ng parents ko, ginawa kong umalis dahil yung ang sinabi nila saakin." Huminto sya sandali
"na t-tapusin ko muna ang p-pag aaral ko at
h-hahayaan na nila ako sa g-gusto kong gawin
k-kasama ka. K-kaya pumayag ako kasi akala ko pag dating ko dun m-magkakaroon pa rin tayo ng
c-communication, but they lie. K-kasi pag dating ko dun k-kinuha nila ang lahat ng b-bagay na mag kokonekta saating dalawa." Garalgal na paliwanag ni maam marucci.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil para itong binibiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pag patak ng isang butil ng luha sa pisngi ko.
"I-im s-sorry, kung n-nasaktan kita axi. P-pero biktima rin ako ng k-kasakiman ng magulang ko, wala pa akong kakayahan nung p-panahon na y-un kaya wala a-akong magawa."
Pag katapos nyang sabihin yun napuno ng iyak ang loob ng gym."P-pero alam m-mo na k-kaya k-kitang ipaglaban, right?" Garalgal na tanong ni maam axia.
"I know, p-pero ayaw na kitang idamay dahil alam ko na kayang kayang s-sirain ng p-pamilya ko ang pamilya mo. Ayaw kong m-madamay ka pa."
Pinunas ko ang luhang sunod sunod na bumagsak sa pisngi ko.
"I love you axi. Please give me one more chance, Promise babawi ako."
Wala na akong ibang narinig pa kundi ang mga iyak nila. Maya maya sinilip ko kung ano ang ginagawa nila sa loob at napanganga ako ng makita ko na nag hahalikan silang dalawa. Nakatalikod saakin si maam axia nakapikit naman ang mga mata ni maam marucci.Parang sinaksak ng paulit ulit ang dibdib ko dahil sa nakita kong scenerio sa pagitan nilang dalawa.
Bago pa bumagsak ang nanghihina kong tuhod at bago pa nila ako makita agad na akong umatras at tumakbo palayo.Kahit wala na akong makita dahil sa luhang bumabalot sa mga mata ko ay patuloy pa rin akong tumatakbo palayo. Hindi na ako dumaan pa sa event hall dahil baka may makakita pa saakin.
Tumigil muna ako sa isang tabi, sa may madilim na party ng skwelahan. Umupo ako sa bench na nakita ko.
Bumalik sa utak ko lahat ng narinig ko na naging usapan nila. Naging sila, mahal na mahal nila ang isat-isa. At nag kalayo lang sila dahil sa magulang ni maam marucci na tutol sa naging relasyon nilang dalawa.
Nasasaktan ako sa nangyari sakanilang dalawa, pero mas nasasaktan ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako dahil minahal ko ang isang taong hindi ko naman dapat minahal. Nasasaktan ako dahil hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Nasasaktan ako dahil sa dinami dami ng pwede kong mahalin bakit sya pa? Sya pa na taong hindi pa tapos mag mahal ng iba.
Kasalan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.
Pero para saan? Para saan ang mga ginagawa nya saakin? Yung kanina? Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nya nung niyakap namin ang isat isa.
Natawa ako ng pagak dahil nakalimutan ko na ganun nga pala sya. Mahilig sya mag laro, mahilig syang mag experement na lahat ng ginagawa nya ay pure lust lang.
Ganun ko sya nakilala kaya dapat na ganun ko lang titignan ang mga bagay na ginagawa nya saakin.Isa lang ako sa mga babae na kinakama nya. At isa lang akong gamit sa paningin nya kaya hindi dapat ako mag expect sa mga bagay na pinapakita nya saakin. Hindi na ako hihigit pa sa mga babaeng ginagamit nya, pare pareho lang kami.
Pinunas ko ang luha ko, bago tumayo para umuwi na.
Wala na akong balak tapusin pa ang party dahil sira na rin naman na ang make up ko at wala na ako sa wisyo para ipag patuloy pa.
Hindi ko kayang peke-in na masaya ako sa harap nila."Maam maaga pa ho." Sabi saakin ng guard pero hindi ko na sya pinansin at parang zombie na nag lakad lang ako palabas ng skwelahan.
Ang sakit ng mga mata ko dahil namamaga ito dahil sa pag iyak ko kanina.
May humintong jeep sa harapan ko kaya agad na akong sumakay.
Pinag titinginan ako ng mga pasahero ng jeep. Wala akong ibang makita sa mga mata nila kung hindi, pag tataka at awa.
Nag tataka dahil sa suot ko at awa dahil sa aura ko na galing sa iyak.Nadaanan namin ang park sa may malapit sa bahay at maraming tao kaya naisipan kong bumaba. Gusto kong mapag isa. At mag pa hupa dahil baka mag taka si tita kung bakit ang aga ko lalo at umiyak pa ako, baka mag usisa lang sya kaya minabuti ko munang tumambay.
Kagaya sa jeep kanina ay may pagtataka rin akong tinitignan ng mga nadadaanan ko dito sa park. Maraming tao. May mga couple na nag de-date, mga bata, may nag jojogging, mga matatanda, meron ring mga mag kakapamilya at lahat sila masaya. Ako lang ata ang broken na napadpad dito.
Lumapit muna ako sa matandang nag titinda ng dirty ice cream para bumili saka ako nag hanap ng mauupuan. Napili kong maupo sa wings. Dinuduyan ko ang sarili ko habang kinakain ang ice cream na binili ko. Tumingin din ako sa mga tao at lahat sila may kanya kanyang ginagawa pero may ilan ding napapatingin saakin.
Pinilit ko ring iwaksi sa isipan ko ang mga nakita at nalaman ko kanina para hindi na ako muling umiyak. Nandito ako para mag pahupa hindi para mag mukmok. Plus nakakahiyang umiyak dito dahil baka pag tinginan lang ako.
Makalipas ng halos isang oras ay tumayo na ako para umuwi. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pero
at least nabawasan na ito kahit kaonte lang.Sumakay ulit ako ng jeep pauwi saamin at kagaya kanina muli nanaman akong pinag titinginan pero hindi ko na lang sila pinansin.
Bumaba ako sa kanto at nilakad ko na lang papuntang bahay. Mabuti na lang walang mga tambay pero close ko naman lahat ng tao dito kaya wala naman akong kinakatakot.
Malayo pa lang ako, tanaw ko na ang familiar na sasakyan na naka park sa labas ng bahay namin.
Anong ginagawa nya dito?
Nakakunot ang noo na tinignan ko ang orasan. Its already 11pm for sure na tapos na ang event.Pero ano naman ang ginagawa nya dito? Anong kailangan nya? Anong rason bakit sya nandito?
Kung nagkabalikan na sila ni maam marucci hindi na dapat sya pumupunta dito dahil wala ng rason pa. Hindi ko na rin sya boss kaya wala na akong nasisilip na dahilan para mapadpad sya dito.Or baka naman iniwanan na lang nya ang ex or girlfriend nya doon.
•••
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅