MAXINE"Nandito na tayo." Sabi ni davin. Tumingin ako sa labas at ngayon ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng bahay namin.
Ganun na ba kalalim ang isip ko para hindi ko mapansin na nasa bahay na kami?
Masyadong ginugulo ni axia ang isip ko."salamat davin." Nakangiti kong sabi sakanya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.
Napapansin ko rin na kanina pa sya seryoso at parang may malalim na iniisip.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita sya.
Muli ko syang nilingon.Halata ang kaba na naka rehestro sa mga mata nya.
Feeling ko may gusto syang sabihin saakin kaso hindi nya masabi sabi dahil kinakabahan sya. Lumipas ang isa, lima, hanggang sampong minuto hindi pa rin sya nagsasalita. Kaya naman kinuha ko ang kamay nya at pinisil ito."Sabihin mo na." Nakangiti kong sabi sakanya. Bumuga sya ng hangin bago sya tuluyang humarap saakin.
"Ah max?." Napansin ko ang pag lunok nya.
"Isang linggo pa lang ang lumipas simula ng magkakilala tayo pero feeling ko isang taon na ang lumipas." Nag iwas sya ng tingin
"A-alam ko na baka isipin mo na sobrang dali ng pangyayari pero hindi ko na t-talaga mapigilan pa itong n-nararamdaman ko." Utal utal na sabi nya. Lumunok sya bago muling humarap saakin. Inangat nya ang kamay nya para kuhanin ang dalawang kamay ko. "I l-like you, max." Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may part saakin na masaya dahil sa wakas ay umamin na sya pero may part rin saakin na malungkot at natatakot, natatakot na baka hindi ko masuklian ang nararamdaman nya.Mabait si davin at natatakot ako na baka masaktan ko lang sya pag hindi ko naibigay ang pagmamahal na kagaya ng pagmamahal na binibigay nya saakin.
"Can i court you max?" Hindi ako nakaimik sa naging tanong nya saakin.
"Gusto ko lang malaman mo na kahit hayaan mo ako na ligawan ka. Walang problema saakin kahit hindi mo maibigay ang gusto ko, tatanggapin ko ang magiging desisyon mo max. Pero sana hayaan mo ako na patunayan ko ang sarili ko sayo. Kung hindi man mag work at least i try.. we try." Pagpapagaan nya sa loob ko kaya napangiti ako.
Sana nga ikaw na lang davin. Sana kayang turuan ang puso sa kung sinong mamahalin natin, dahil kung pwede lang mamili, ikaw ang pipiliin ko.Bakit ba kasi hindi na lang ginawa na yung nagmamahal saatin yun na lang din ang mamahalin natin, para hindi na tayo nahihirapan pa. Edi sana lahat ng tao masaya.
Hindi yung ganito na maraming nasasaktan dahil mas mahal natin yung taong hindi naman tayo ang gusto."Ikaw bahala davin." Pagpayag ko sa gusto nya.
Napansin ko ang pagliwanag ng aura nya. Ang lake na ng mga ngiti nya.
"Pero paalala lang, Guard your heart.""No problem max, Wala tayo magiging problema."
Sabi nya " sana kung ano man ang maging kalabasan nito, sana maging okey pa rin tayo. I want to keep you max, kahit friendship lang if ever hindi mag work ito." Lumapit ako sakanya para yakapin sya."Oo naman."
•
Pagkatapos ng klase ko nag pumilit si davin na ihatid ako kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Gusto pa nga sana nyang kumain kami kaso kailangan kong pumunta sa company nila tito. Nasabi ko rin sakanya na mag reresign na ako kaya agad nya akong inofferan ng trabaho sa ice cream shop nya.
Kakaiba talaga ang babaeng yun. Akalain mo na ang unang offer saakin ay maging manager ng shop nya na hindi ko naman tinanggap dahil mas deserved iyon ng ibang trabahador nya na matagal ng nag wowork sakanya at deserved ng mapromote.
Sabi ko sakanya kahit server or counter na lang ako okey lang, dahil trabaho lang naman kailangan ko at syempre sahod para pambuhay sa sarili ko. Ayaw ko rin naman kasi na umasa kay tita lalo at kaya ko namang mag trabaho.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅