MAXINE"Uwi mo na lang ako saamin" sabi ko sakanya. Mukhang hindi rin nya kasi alam kung saan ako dadalhin. Halos mag iisang oras na kaming paikot ikot dito sa kalsada.
Medyo humupa na rin ang sakit na nararamdaman ko dahil madaldal itong kasama ko pinapagaan nya ang loob ko sa mga kwento nya na nakakatawa.
Hindi ko akalain na ganito pala ang humor ng isang davin sguera"Uuwi na tayo agad? E hindi ka pa nga nagpapakilala saakin, samantalang ako na kwento ko na ang buong buhay ko sayo. Pati nga mga patay kong kamag anak na kwento ko na sayo e. Ang unfair talaga ng mundo." Madramang sabi nito umarte pa ito na naiiyak. Ang OA talaga. Muli na naman akong napatawa dahil sa kadramahan nya.
"Maxine perez. Yan ang pangalan ko." Nakangiti kong pagpapakilala sakanya. Agad namang lumiwanag ang aura nya at ngumiti saakin
"What a beautiful name, Kasing ganda ng may ari." Napaismid ako sa pangbobola nya.
Narinig ko ang mahihina nyang hagikhik"Ayaw mo bang tumambay muna?" Bigla syang nag seryoso. Malayong malayo sa pinapakita nya kanina saakin. "Wanna eat ice cream?" Tanong nya ulit.
"Mahilig ka ba sa ice cream?"
Tanong ko sakanya."Ahm. Ice cream is my therapy." Nakangiting sabi nya. Nakaka amased ang babaeng ito nakakahawa ang pagiging good vibes nya. Bakit ba ngayon ko lang ito nakilala? Mali. Kilala ko na pala sya.
Bakit ngayon lang kami nagkaroon ng time para makilala ang isat isa. Bakit hindi pa noon.
"Try mo lang, for sure pagkatapos neto, hahanap hanapin mo ang ice cream as your comfort food."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko sakanya."Sige."
"Ayun."
Masayang sabi nya kaya napangiti na naman ako. Ang kulit nya kasama. Makulit na masayang kasama.
"Saan ka nga pala nag aaral? I mean nag aaral ka pa ba? Or tapos na?""4rth year college. Actually school mate tayo. Fine art ka, business ad ako." Nanlalake ang mata nya sa gulat.
"Really? Schoolmate lang pala tayo? I love it."
Masayang sabi nya kaya napangiti na naman ako."Ahm. Anong kinukuha mo sa fine arts?" Tanong ko sakanya.
"Photography."
Tumango tango ako sa naging sagot nya.
Tumingin sya saakin. Nararamdaman ko na may gusto syang itanong pero nag aalangan sya.
"If you dont mind, can i ask why you crying kanina sa labas?" Natahimik ako sa naging tanong nya saakin.
"Sorry. Wag mo na lang sagutin if you're not comportable with my question."
Pagkasabi nya nun hindi na sya ulit umimik
Hanggang sa mag park sya sa isang tabi ng ice cream shop.
"Where here." Nauna syang bumaba
"Ako na mag bubukas sayo." Sabi nya mabilis syang umikot para pag buksan ako ng pinto."Kaya ko naman." Nahihiyang sabi ko sakanya.
"Nasa pangangalaga kita max, you deserved to be treated like a princess" ramdam ko ang pag init ng magkabilaang pisngi ko. Sino mag aakala na ganito pala ka sweet ang isang hinahangaan na volleyball player sa school namin. Bali balita na into girls sya kaya hindi na nakakapagtaka na ganito sya saakin.
"Che." Pagtataray ko sakanya.
"No joke, i mean it max." Natahimik ako sa sinabi nya.
"Tara na nga." Yaya ko sakanya para pag takpan ang pamumula ng pisngi ko habang hindi pa nya napapansin.
Ang bilis gumaan ng loob ko sakanya at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil mabait lang talaga sya.
"davin? Akala ko may pupuntahan kang party?"
Nagtatakang tanong sakanya ng isang babae sa counter. Tumawa si davin bago nya pinatong ang siko nya sa counter.
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅