part 15

6.8K 191 2
                                        


AXIA

"miss archeles, here's your coffee." naagaw ang attention ko ng secretarya ko. nilapag nya ang kape sa ibabaw ng table ko. napakunot ang noo ko ng mapansin ko na nakabukas ang dalawang botones neto.

hindi naman ganyan yan kanina nung inutusan ko sya para kumuha ng kape. napapansin ko rin ang pasimpleng pang aakit nya saakin, na halatang sinasadyang yumuko sa harapan ko para makita ko ang pinagpala nyang dibdib.

"you want?" malanding tanong neto na hindi ko alam kung bakit ko ikinairita.

"pwede ba lumabas ka na? ilapag mo na lang yan dyan and you may now leave." bad mood na sabi ko sakanya at mukhang natakot rin naman sya dahil nag madali syang lumabas.

tumayo ako dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. its been 3 weeks simula nung nag kausap kami nung hinatid ko sya sa bahay nila after nyang makipag date kay luxx.
hanggang ngayon hindi man lang nasundan na ang usap na yun. mas lalo na ngayon na nagsisimula na ang school year. 1 week na rin simula nung hindi na sya pumapasok sa company. sabi ni dad saakin
nag pahinga daw muna si perez sa pag tatrabaho dahil kailangan nyang mag focus sa mga unang linggo ng school year.

hindi ko alam kung bakit inis na inis ako na hindi ko sya nakakausap at nakikita.
tapos dumagdag pa itong si luxx, ayaw ibigay saakin si perez. gusto ko kasi na mag palit kami ng secretary pero ayaw nyang pumayag. kinausap ko rin si dad, pero kahit si dad ayaw pumayag.

Pag dating ko sa parking ng school agad akong bumaba. at nag lakad papasok ng hallway.

"babalik na ba sa pagtuturo si maam archeles?"
rinig kong bulongan ng mga studyante na nakakakita saakin.

"baka. akala ko nga hahawakan na nya ng tuluyan ang company nila."

"ang hot talaga ni maam dude."

"sinabi mo pa bro. kung hindi nga lang bawal ang professor student relationship, liligawan ko yan si maam."

wala silang alam na suspended ako kaya ganyan na lang ang mga reactions nila ngayon.
but anyway, im not here for them. nandito ako kasi may gusto akong makita.

sabi ko nga kailangan kong ilapit ang sarili ko sakanya para sa bet namin ni arc, at hindi ko yun magagawa kung mananatili kaming ganito sa isat isa.
ako yung may kailangan sakanya kaya dapat na ako rin ang maglalapit sa sarili ko sakanya.

pag dating ko sa building nila tinawag ko ang isang studyante na nakasalubong ko sa hallway.

"y-yes po maam archeles?" kabado na tanong nya saakin. muli kong nilingon ang classroom nila perez bago ako tumingin sa lalakeng kaharap ko.

"papuntahin mo si perez sa office ko, ito ang classroom nya." turo ko sa classroom nila perez. mabilis syang tumango saka nag lakad paalis para puntahan ang classroom nila perez.
nag lakad na rin ako papunta sa office ko

Pag dating ko sa office agad akong umupo sa sofa. tinignan ko muna ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumawag kanina saakin.

ohh its dad.

may ilang missed call sya at isang text.

"where are you? pumunta ako sa office mo at sabi ng secretary mo, umalis ka. asan ka? anyway i just want to remind you about your meeting with mrs. gorostiza."

tinignan ko ang orasan ko, meron pa akong tatlong oras before the meeting. ang excited naman ni dad.
nag tipa ako para replyan sya.

"i wont forget dad."

pabagsak na nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at pinatong ang mga paa sa center table, sinandal ko rin ang ulo ko sa sofa at pumikit. muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na ito pinansin dahil sure ako na reply lang iyon ni dad.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon