Part 43

3.9K 111 3
                                    



MAXINE:

"Axia" tinapik tapik ko ang pisngi ni axia dahil kailangan ko na syang gisingin. Nandito na kami sa harapan ng condo ni arcilla.

"Ahm." Ungot nito bago nag mulat ng mata. Ngumiti ako sakanya. Hindi pa ganun ka mulat ang mata nya lumapit ako sakanya para halikan sya sa noo.

"Okey ka lang?" Tanong ko sakanya dahil parang hindi maganda ang pakiramdam nya.
Ngumiti ito ng tipid bago tumango. Tuluyan nya ng minulat ang mga mata nya at umupo na rin sya ng tuwid.

Napangiti ako ng bigla itong yumakap saakin.

Ang sweet naman na axia ko.

"Hey love birds." Tumingin kami pareho kay arc na nakadungaw sa nakababang bintana.
"Mamaya na yan. Akyat na tayo nagugutom na ako."
Nakasimangot na sabi nya bago tumalikod at nag lakad papasok sa building.

"Tara na." Yaya ko sakanya. Ngumiti ito bago tumango. Ako na nag dala ng mga gamit nya at sabay na kaming bumaba.

Hawak kamay kami habang papasok sa condo. Ramdam ko ang mga mata ng mga tao sa lobby na pinag titinginan kami. Hindi na lang namin sila pinansin bagkos dumeretso na kami sa elevator.

Hindi na namin nadatnan si arcilla. Langya hindi man lang kami hinintay. Ganun na ba sya ka gutom at hindi na talaga nakapag hintay?

Nilingon ko si axia sa salamin na nasa harapan namin. Nakayakap na naman ito saakin. Kanina pa sya yakap nang yakap. Anyway im not complaining. Miss na miss ko rin yung ganitong side nya.

Masaya ako na natapos na lahat ng gulo sa pamilya nya. Wala na magiging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.

Hinawakan ko sya sa pisngi.

"I love you." Sabi ko sakanya. Tumingala ito saakin at ngumiti

"I love you too, maxine." Muli ko itong hinalikan sa noo. Isa pa sa napapansin ko ay ang katahimikan nya hindi kagaya dati na puro kabastusan ang lumalabas sa bunganga nya.

Siguro wala lang sya sa mood na mag salita nang mag salita lalo at galing sya sa pangyayari na hindi naman dapat nangyayari pa.
Buti na lang at natanggap na ni maam candace na hindi na talaga sya mamahalin pa ni axia.
Sana lang magpakalayo layo na sya at wag na muna syang magpapakita pa kay axia.

Alam ko na natrauma si axia sakanila kaya ito nagkakaganito ngayon na halos ayaw na umimik.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami ni axia. Dumeretso na kami sa condo ni arcilla. Kumatok na lang ako dahil wala akong susi. Maya maya pa bumukas na ang pinto at niluwa si arcilla na may subo subong burger. Nag piece sign ito pagkakita nya saamin. Kinuha nya ang ibang gamit na dala ko saka sya nag lakad papunta sa sofa.

"Kumain na muna kayo. Niready ko na ang pagkain sa mesa." Sabi ni arcilla.

"Kain na tayo?" Tanong ko kay axia na pinapatong ang bag nya sa mesa. Tumingin ito saakin.

"Maliligo muna ako." Sabi nya bago nag lakad papasok sa kwarto. Napabuga ako ng hangin bago tumingin kay arcilla.

"Kailan pa sya ganyan?" Tanong ko sakanya.
Nilunok muna sya ang tinapay na nasa bibig nya bago nya ako sinagot.

"Simula nung tumira sya dito. Nung pinag samantalahan sya." Napansin ko ang pag kuyom ng mga kamao nya.
"Nabubwesit talaga ako kay candace." Bakas na bakas ang pagkabanas nya. "Alam mo? Kung ako lang baka noong araw pa lang na pinag samantahan nya si axia baka naigante ko na si axia. Pinigilan kasi ako ni axia e." Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot ng marinig ko ulit ang mga katagang iyon.
Tinatagan ko ang emosyon ko para wag maiyak dahil ayaw kong makita ni axia na apektado ako, dahil baka mas lalo rin syang maapaktuhan pag naalala nya pa ang pangyayaring iyon.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon