MAXINE
"Max." Tumatakbong tawag saakin ni davin.
Kaka out lang niya sa practice nila sa volleyball.
Hinintay kong makalapit sya saakin.
"Dapat hindi ka na pumunta dito. May sakit ka."
Nag aalalang sabi nya saakin.
Ngumiti ako sakanya para ipakita na okey lang ako.
Tyaka nangako ako sakanya na papanoorin ko ang practice nya."Okey lang ako, Maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya wag ka na mag alala." Napanatag ako ng makita ko na ngumiti na sya. Meaning kumbinsido na sya. Okey naman na talaga ako siguro dala na rin ng gamot na ininom ko kanina.
"You sure?" Tumango ako sakanya.
"Maliligo lang ako." Paalam nya bago nag madaling tumakbo paalis. Muli akong umupo sa bleachers. habang naghihintay ako sakanya, sya namang pag lapit saakin ng dalawang babae na ka team mates nya.
Si cheska na team captain at si atasha na lebero ng team."Maxine right?" Tanong saakin ni cheska Habang nag pupunas ng pawis. Habang si atasha naman umiinom ng tubig habang nag sstretching ng mga paa nya.
"Yes po." Marespetong sagot ko sakanila. Isa sila sa respetadong tao dito sa campus hindi naman siguro masama kung mag bigay galang ako. narinig ko silang tumawa ng mahina.
"Hindi mo naman kailangang mag 'po' Magkakaedad lang naman tayo at pare-parehong studyante dito."
Si atasha. Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Para lang silang si davin, mababait.
Umupo sya sa tabi ko at pinakatitigan ako. Agad tuloy akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa ginawa nyang pag titig saakin.
Nag iwas ako sakanya ng tingin napahigpit din ang pag hawak ko sa bag ko na nasa harapan ko.
"No wonder kung bakit ikaw na lang ang bukang bibig ni davin saamin palagi." Agad akong namula dahil sa sinabi nya.
"Ang ganda mo pala talaga kagaya ng sinasabi nya." Punong puno ng pag hanga na sabi nya saakin. "Masaya kami na nakilala ka na namin.""Mukhang patay na patay sayo ang kaibigan namin maxine." Singit ni cheska na ngayon umupo na rin sa kabilang side ko. Bali napapagitnaan ako nila. Ano ba to feeling ko tuloy nasa hot seat na ako.
"Sana lang hindi masaktan ang kaibigan namin sayo." Napakagat labi ako dahil sa sinabi nya.
Davin asan ka na ba? Hindi ko na alam kong anong isasagot ko dito sa mga kaibigan mo.
Hindi na rin naman na ako nagulat sa mga pinagsasabi nila dahil masyado namang showy si davin saakin. Masyado syang obvious."Hoy kayo? Anong pinagsasabi nyo sakanya ha?" Napahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nandito na si davin sa harapan namin. Natatawang tumayo ang dalawa sa tabi ko.
"Bakit namumula to?" Turo nya saakin.
"Kayo ah? Umayos kayo.""Wala naman kami ginawa dito kay maxine, dav." Natatawang sabi ni atasha sabay akbay saakin.
"Diba max?" Baling nya saakin. Walang nagawa na tumango ako sakanya. "See?" Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Tara na ches, ligo na tayo. Hayaan na natin ang kaibigan nating dumiskarte." Natatawang naglakad palayo saamin ang dalawa."Anong dumeskarte ang pinagsasabi nyo? Mga baliw."
Mas lalong natawa ang dalawa. Nang mawala ang dalawa sa paningin namin binalingan ako ni davin ng tingin.
"Pasensya ka na sa dalawang yun, mga siraulo lang sila.""Okey lang. Mababait sila." Nakangiting sabi ko sakanya kaya naman ngumiti na rin sya saakin.
"I see." Dinampot nya na ang bag nya sa bleacher saka ako inaya. "Tara na ihahatid na kita." Sumunod na ako sakanya sa paglalakad.
"Gusto ko ng ice cream." Natigil sya sa paglalakad para muli akong tignan.
"Sige. Gustong gusto mo na talaga ng ice cream?" Nakangiting sabi nya.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomantikProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅