part 19

6.2K 182 2
                                        

MAXINE

"Excuse me." Paalam ko sakanilang lahat. Naramdaman ko na sinundan ako ng tingin ni maam axia pero hindi ko na lang sya pinansin dahil gustong gusto ko na makalayo sakanya kahit konting minuto lang.

Kanina pa kasi sya nakatitig saakin. Pati sila Megan at ken napapansin na sya dahil binubulongan na nila ako para mag tanong kung bakit.

Nacoconcious ako sa mga tingin na binibigay nya saakin at hindi ko makayanan yun kaya umalis muna ako.

Ano ba kasing problema ng babaeng yun at titig nang titig saakin? Nakakainis na nakakakilig. Sobra sobra ang pag pigil ko sa kilig ko dahil sa mga taong kasama namin. And kahit ano pang mangyari hindi ko ipapakita sakanya na kinikilig ako no. Asa sya.

Pag pasok ko sa cr at makita na walang kahit na isang tao napahinga ako ng maluwag. Napahawak rin ako sa bandang dibdib ko dahil ang lakas ng kabog neto.

"Ano bang ginagawa mo saakin? Ginugulo mo ang nananahimik kong buhay." Mahinang bulong ko sa hangin.

Nang omo-okey na ang pakiramdam ko pumasok na ako sa isang cubicle para mag cr.

May isa pang gumugulo sa isip ko, at yun ay ang mga nakita ko kanina. Close si maam marucci kay tito alfred. Sa nakita ko kanina mukhang may malaking ugnayan ang propesora sa mga archeles at kung ano man yun ay hindi ko alam.

Curious din ako sa sinasabi nyang dahilan kung bakit nya piniling mag turo sa school na pag aari nila tito.
Sino ka ba sa buhay ng mga archeles maam marucci?

Hinilot ko ang noo ko bago ako lumabas ng cubicle pero nagulat rin ako dahil sa taong nadatnan ko sa labas.

Nagkatitigan kaming dalawa at hindi ko alam kung ilang minuto rin kaming nakatitig sa isat isa, bago ko binaba ang mga mata ko sa suot nyang gown. Hindi na nya suot ang mascara nya at hawak hawak nya ito sa kaliwang kamay.

Bagay na bagay sakanya ang suot nyang gown. Feet na feet ito sa katawan nya tapos yung slit sa kaliwang legs nya na dahilan para makita ang buong binti nya ay mas lalong dumagdag sa kasiksihan nya ngayong gabi.

Walang ibang salita ang mag dediscribe sakanya kung hindi ang salitang 'perfection'
Bagay sakanya ang title na yan dahil hindi talaga sya nagpapakabog araw araw. Sobrang ganda nya.

"Enjoying the view?" Nabalik ako sa wisyo dahil sa pag salita nya. Tinignan ko sya at sobra sobra ang ngiti na nakikita ko sa mga mukha nya.
Pinaseryoso ko ang mukha ko bago ko sya tinignan ulit.

"In your dreams." Medyo tinarayan ko ang boses at expression ko para maitago ang kaba ko. Nag lakad ako palapit sakanya para sana kunin ang masc ko sa likod nya pero nakaharang sya kaya muli ko syang hinarap.
"Excuse me." Pag papatabi ko sakanya dahil nakaharang sya pero parang wala man lang syang narinig dahil patuloy lang nya akong tinitignan na para bang sinusuri ang buong mukha ko.

"Bukod saakin, may nag sabi na ba sayo na ang ganda mo ngayong gabi?" Tanong nya saakin.
"You're so beautiful maxine."
Hindi ko maitago ang agarang pamumula ng pisngi ko dahilan ng muling pag ngiti nya.
"You're blushing." Iniwas ko ang mukha ko sakanya para itago ang namumula kong mukha, pero para akong napaso dahil sa kamay nya na humawak sa kabilang pisngi ko, hinarap nya ang mukha ko sakanya naramdaman ko rin ang mahihina nyang pag haplos sa pisngi ko na feeling ko mas lalong nagpapa boost sa kilig na nararamdaman ko.

Yumuko ako dahil hindi ko na makayanang salubongin pa ang mga mata nya pero muli rin nya akong hinawakan sa chin para muling iangat ang mukha ko, kaya ngayon kitang kita ko nanaman ang kagandahan nya.

Napalunok ako ng mapatingin ako sa mapupula nyang labi. Ang labi nya na ilang beses ko ng naangkin pero agad rin akong nalungkot sa isiping kung sino sino ang humahalik sa labi nya.
Selfish na kung selfish pero gusto ko angkinin ang labi nya, na gusto ko akin lang ang mapupulang labi nya na ito. Pero alam ko na hindi iyon mangyayari.

"I give you permission to kiss me."
Nagulat ako sa salitang lumabas sa bibig nya.
"kiss me maxine." May pag susumamo sa boses nya, nakikiusap. Kusang umangat ang kamay ko at hinaplos ang mapupula nyang labi.

Dati naman sya na ang kusang humahalik saakin. Ngayon ibang iba. Hindi nya ako mahalikan. O baka naman sinusunod nya lang ang napag usapan namin dati sa sasakyan nya na sinabi ko sakanya na wag nya ng gawin ang mga bagay na yun saakin. Sa isipin na yun ay nakaramdam ako ng saya. Para na rin kasi nyang nirerespeto ang sinabi ko.

Wala na akong sinayang pang oras. Agad kong sinakop ang masasarap at mapupula nyang mga labi.
Pinikit ko ang mga mata ko hindi ko muna ginalaw ang mga labi ko at pinakiramdaman muna sya.
Sya na rin ang unang gumalaw sa magkadikit naming labi.
Onte onte ko na ring sinabayan ang maiingat nyang pag halik saakin. Ramdam na ramdam ko kung paano ka passionate ang paraan ng paghalik nya saakin at ganoon rin naman ako sakanya.

Maya maya sya na ang kusang humiwalay sa halikan naming dalawa. Napapikit pa ako na maramdaman ko ang labi nya sa noo ko. Hinalikan nya pa ako ng peck sa labi bago ako niyakap.
Kusa ko na ring pinulupot ang mga kamay ko sa bewang nya at sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

I want this. Sana ganito na lang kami palagi.

Ako na ang kusang humiwalay sa yakap naming dalawa. Umatras rin ako ng kaonte para tignan sya ngumiti sya saakin, yung ngiti na nakakatunaw.

Ano ba?

Sya na ang kusang kumuha ng masc ko sa likod nya saka sya lumapit saakin. Kukunin ko na sana ang mascara ko pero agad nya itong iniwas at sya na ang nag suot nun saakin.

Isang patak ng halik ang binigay nya saakin bago sya umatras. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng cr.

Agad na nanghina ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa sink na nasa harapan ko. Napahawak rin ako sa bandang dibdib ko at pinakiramdaman ang bawat pag kabog neto.

Mahal ko na ata talaga sya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nang masigurado na ayos naman ang lahat ay nag lakad na rin ako para lumabas. Nakita ko na nag uumpisa ng mag sayawan ang mga studyante. By partner sila sa gitna habang nag pe-play ang kantang 'YOU' by Jim Brickman.

Malayo pa lang ako kitang kita ko na si maam axia na masayang nakikipag usap kay arcilla na nasa tabi nya.
Habang ang isang professor ay salubong ang kilay. Si megan at ken naman ay halatang nagiging comportable na rin sa presensya ng tatlo.

"Girl ang tagal mo." Agad na bungad saakin ni ken.
Ngumiti lang ako sakanila bago binalingan ng tingin si maam axia na nakatingin na rin saakin. May
mumunting ngiti ito sa labi. Kaya nahihiyang umiwas ako ng tingin sakanya at naupo na rin.

Agad na nag tama ang mata namin ni maam marucci na sobrang seryosong nakatingin saakin.

Okey?

Andyan nanaman po ang mga tingin nya na hindi ko maintindihan.

••

A/N: wala akong mental block kaya Ang sipag ko mag update ngayon.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon