MAXINEPagkabukas ko ng pinto agad kong nakita sila tita at ang babaeng inaasahan ko na na makikita ko. Nag tama ang mga mata namin pero nanatili lang akong seryoso na nakatingin sakanya. Nag iwas rin agad ako at binalingan si tita na bakas ang pag aalala sa mukha.
"Maxine." Tawag nya saakin. "Saan ka galing? Ang sabi ni axia kanina ka pa daw umalis sa party." Inaasahan ko na ito. Sinarado ko na ang pinto at nag lakad papunta sa malayong upuan para ipatong ang dala kong purse.
"Nag pahangin lang ako tita, tyaka ano.. ang bored na po kasi sa party." Palusot ko. Narinig ko ang mahinang pag buntong hininga nya kaya napabuga rin ako ng hangin dahil mukhang kinagat na nya ang rason ko.
"Mabuti naman at okey ka lang. Akala namin kung napano ka na e." Sabi nya
"Sige na, Mag palit ka na at asikasohin mo si axia dahil pumunta pa sya dito para hanapin ka dahil mag aalala sayo dahil bigla ka daw nawala sa party." Natawa ako sa isip ko.Nag aalala?
That was a big jokes ever.Kahit kailan hindi yan mag aalala saakin dahil isa lang akong gamit sa paningin nya. Siguro nag papanggap lang sya ngayon para mag stay ako sa tabi nya at magamit nya ako tuwing gusto nya.
"Pauwiin nyo na lang po sya. Pagod po ako tita at gusto ko ng mag pahinga." Seryosong sabi ko. Nanatili pa rin akong nakatalikod sakanila.
Kinuha ko ang purse ko saka nag lakad papasok sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pag tawag saakin ni tita pero umarte na lang ako na wala akong narinig.Bastos na kung bastos, pero tama na. ang sakit sakit na kasi. Baka kapag humarap pa ako sakanila ay tuluyan na akong mag breakdown.
Pagkasara ko ng pinto agad na nag si unahan ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib at tahimik na umiyak.
Tama na please. Ayaw ko ng umiyak.
Natigil ako sa pag iyak ng makarinig ako ng pag sara ng pinto kaya tumayo at para sumilip sa bintana.
Nakita ko si tita at maam axia sa labas ng bahay hinatid nya hanggang gate si maam axia.Agad kong sinara ang kurtina ng makita ko na tumingin pa sya dito sa kwarto ko bago sya sumakay sa sasakyan nya.
Narinig ko ang pag alis ng sasakyan nya kaya bumalik na ako sa kama ko at humiga. Nakatitig lang ako sa kesame at bago pa ako lamunin ng lungkot ay tumayo na ako para maligo at mag bihis.
•
Pag dating ng lunes, tama nga ang hinala ko na usap usapan ang about kay maam marucci at kay maam axia. Alam na rin ng lahat ang about sa naging relasyon ng dalawa. Dahil bukod pala saakin ay may iba pang nakakita sakanilang dalawa nung gabing yun.
Maraming nag natuwa dahil sa kilig na malaman na magkarelasyon ang dalawang hot na professor pero marami ring nasaktan at meron ring nandidiri.
Pag ring ng bell agad akong nakaramdam ng kaba dahil si maam axia na ang next subject namin.
Nakatungo lang ako habang naghihintay sakanya ayaw ko kasing salubungin ang mga tingin nya, dahil natatakot ako na baka pag tumingin ako sa mga mata ay mawala na lang lahat ng inis na nararamdaman ko.Simula pala nung masquerade ball ay hindi pa kami nakakapag usap, Kahit na ilang beses syang pumunta sa bahay kinabukasan at nung sumunod na araw. Dinadahilan ko na marami akong home work na ginagawa.
Napansin ko na simula nung masquerade ball ay hindi na sya namimilit pa na gawin ang gusto nya. Dati kasi sobrang teretorial nya sa lahat ng bagay, pinipilit nyang mangyari ang gusto nya.
Nabalik ako sa wisyo ng mga salita ang mga classmates ko.
"Good morning, maam archeles. welcome back po."
Sabay sabay na bati sakanya ng mga classmates ko except saakin na hanggang ngayon nakatungo pa rin.
Hindi nya pinansin ang mga classmates ko na bumati sakanya at dere- deretso lang syang nag lakad papunta sa unahan.
Inangat ko ang ulo ko pero agad rin akong umiwas ng makita ko na nakatingin sya saakin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na wag tumingin sakanya.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅