MAXINE"Tito baka alam nyo naman po kung nasaan si axia ohh?" Pakiusap ko kay tito. Naandito ako sa opisina nya at ilang beses na ako nag papabalik balik dito tatlong linggo nakakalipas, para mag tanong kay tito pero kahit sya walang alam kung nasaan ang anak nya.
Malungkot lang nya akong tinignan saka dahan dahang umiling kaya napaiyak na naman ako.
Axia nasaan ka na ba?
Simula nung pag labas namin ng hospital nung muntikan syang gahasain ni maam marucci ay hindi na namin sya nakita. Dinala kasi namin sya sa hospital dahil bigla na lang may lumabas na dugo sa ilong nya nung oras na yun. Akala namin baka may ginawang kakaiba sakanya si maam marucci kaya nag kaganon sya pero ang sabi ng doctor wala naman at okey lang daw si axia.
Hindi rin sya pumasok nung kinaumagahan tapos nung pinuntahan ko sya sa condo nya after ng klase ko, wala sya dun pati ang iba nyang mga gamit wala.
At hindi namin alam kung saan sya pumunta.
Hindi rin macontact ang number nya
At ang masakit pa dun sabay silang nawala ni maam candace."Hayaan na muna natin sya hija." Tumingin ako kay tito. "Baka gusto lang muna nyang mapag isa. Baka hindi naging maganda ang epekto sakanya nung ginawa ni candace."
Malungkot na sabi nya."Kung ganun mas kailangan nya ako. Kung na trauma sya sa ginawa sakanya ni maam candace mas kailangan nya ako tito."
"Naiintidihan kita max. Pero kilala ko si axia. Kapag nagkakaroon sya ng problema mas gusto nyang sarilinin na lang ang problema nya. Matapang ang anak ko." Natahimik ako sa sinabi ni tito. Tama naman sya, pero kasi hindi ko maiwasang mag isip ng hindi maganda.
"Si maam candace po? Alam nyo po ba kung nasaan sya?"
"Hindi ko rin alam. Walang naka file na leave sa school. Sa tingin ko nahiya lang iyon na humarap pa saamin dahil sa ginawa nya kay axia."
Tumango tango ako sakanya.
"Mag pahinga ka na muna. Wag mo muna isipin masyado si axia, dahil baka ikaw naman ang mapahamak sa pag aalala mo sakanya."
Ngumiti sya saakin bago tumayo.
"Malakas ang anak ko, at alam ko na babalikan ka nya." Tinapik nya ako sa balikat.
"Alis muna ako. Baka nag hihintay na ang board.""Thank you tito."
Ngumiti ako sakanya bago sumunod sakanya
palabas. Bumaba sya sa 8 floor, samantalang ako dumeretso sa groud floor dahil kailangan ko ng umuwi.Feeling ko pagod na pagod na ako. Tatlong linggo ko na syang hindi nakikita at hindi ko alam kung saan ko sya hahagilapin. Pero pinanghahawakan ko ang mga sinabi saakin ni tito babalikan ako ni axia, babalikan nya ako dahil mahal nya ako.
Imbis na dumeretso ako sa bahay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harapan ng site ni arcilla. Umaasa na makikita ko sya dito at makausap tungkol kay axia. Bestfriend sya ni axia at alam ko na meron syang alam kung nasaan ang bestfriend nya.
"Nandyan po ba si arcilla?" Tanong ko sa babaeng kakalabas lang ng gusali.
"Ah oo nasa loob sya. Pasok ka na lang." Sabi nya saakin bago ako nilagpasan. Nag lakad na ako papasok, pinag titinginan ako ng mga tao for sure na natatandaan nila ako base sa mga tingin nila saakin.
"Ohh maxine, what are you doing here?"
Salubong saakin ni arcilla
Nahihiyang ngumiti ako sakanya."Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sakanya.
"Kahit sandali lang.""Sure." Sabi nya saka nya ako hinila palabas.
Sa may malaking puno nya ako dinala kung saan natatanaw ang mga trabahador na busy sa mga ginagawa nila. Tumingala ako sa condo na nilalagyan na ng mga salamin. Baka mga dalawang buwan na lang matapos na to at kung hindi ako nagkakamali mga nasa 30+ floor ang taas nito."So, anong kailangan mo? About ba ito kay axia?"
Tanong nya saakin kaya nalipat ang tingin ko sakanya. Tumango ako sakanya bago ko sya tuluyang hinarap."Alam mo ba kung nasaan sya?" Walang paligoy ligoy na tanong ko sakanya. Hindi sya umimik.
alam ko na alam nya kung nasaan si axia.
"Hindi kita pipilitin na sabihin mo saakin kung nasaan sya, ang gusto ko lang malaman kung maayos ba sya? Kung okey lang ba sya." Naiiyak na naman ako. Ayaw ko sana umiyak sa harapan nya pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko."Maayos ang l-lagay nya." Napansin ko ang pag iwas nya ng tingin saakin
"tyaka sabi nya saakin soon babalik na sya."
Hinawi nya ang buhok nya na nililipad ng hangin.
"Hintayin mo lang sya. At sana wag kang magalet sakanya once na bumalik na sya." Nakita ko ang pag landas ng lungkot sa mga mata nya pero agad nya rin iyong binawi.
"Alagaan mo sya ng mabuti max."
Bakit feeling ko may hindi magandang nangyayari?
Bakit ganito sya?
"Mahal na mahal ka ni axia.""Bakit feeling ko may hindi magandang nangyayari sakanya?" Naiiyak na tanong ko.
"Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ayaw nyong sabihin saakin?" Pinunas ko ang luha ko.
"May hindi ba ako alam sa lagay ni axia? Bakit bigla bigla na lang syang umaalis ng walang pasabi?
Ayaw nyong magalet ako sakanya pero ayaw nyo naman sabihin saakin kung anong nangyayari."
Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Simula nung na hospital si axia tatlong linggo nakakaraan, palagi ng mabigat ang nararamdaman ko. Gusto ko maintindihan ang lahat pero wala naman nag sasabi saakin ng rason para maintindihan ko.
Bakit tinatago nila saakin?"Okey lang sya max. Gusto lang nyang mag isip isip dahil masyadong magulo ang isip nya."
Sagot nya saakin na ikinailing ko."Sana nga, okey lang sya arcilla."
Hinawakan nya ako sa balikat para patahanin ako."Wag ka ngang umiyak dyan. Baka mamaya malaman ni axia to na pinapaiyak kita, malagot pa ako."
Natatawa na sabi nya kaya natawa na rin ako. Pinunas ko ang luha ko. Tinanggal na rin nya ang kamay nya sa balikat ko at nilagay ito sa magkabilaang bulsa nya.
"Shes okey. I can assure you that." Tumingin sya saakin at ngumiti."Good to know."
"Tatlong linggo pa lang syang nawawala sa paningin mo, miss na miss mo na agad?"
Medyo mataray na tanong nya.
"Ang cheesy nyong dalawa ni axia. Kahit sya gustong gusto na rin bumalik kasi namimiss ka na rin nya pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.""Ang tagal na ng tatlong linggo. At hindi lang naman pag kamiss itong nararamdaman ko, kasama na dito ang pag aalala sakanya." Sagot ko sakanya.
Pinag cross ko ang dalawang braso ko sa dibdib ko.
"Tyaka malapit na monthsarry namin." Muli na naman akong nakaramdam ng lungkot, sa isipin na hindi man lang kami makakapag celebrate ng first monthsarry namin dahil wala sya.
"Sana dumating sya sa araw na yun. Gusto ko sya makasama""Malay mo naman diba?" Tumingin ako sakanya.
"For sure na hindi yan palalampasin ni axia.""Maam arcilla, hinahanap po kayo ni engineer paralejo. May importanteng sasabihin daw po sainyo." Agaw pansin saamin ng babae na napag tanungan ko kanina.
Tumingin saakin si arcilla.
"Gusto mo sumama muna saakin?"
Tanong nya"Ah hindi na, Uuwi na rin ako. Dumaan lang talaga ako saglit para makausap ka."
Ngumiti sya saakin."Sana napagaan ko ang loob mo?" Tanong nya.
"Basta babalik yun. Hindi ka matitiis nun." Ngumiti ako sakanya."Sige na, baka hinahanap ka na nila. Pasensya na sa istorbo at maraming salamat."
"Walang anuman." Kumaway ito saakin bago nag lakad papasok sa loob.
Ako naman nag lakad na palabas ng site.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong nakausap ko si arcilla. Good to know na kahit sakanya nag sabi si axia.••

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅