MAXINE"Andyan si jacob girl." Bulong saakin ni ken. Walang gana na nilingon ko ang itinuro nya at doon ko nakita si jacob na papalapit sa pwesto namin. Kumakaway rin sya sa ibang mga studyante na bumabati sakanya.
Naandito kami sa canteen ngayon para mag lunch. Muli kong binalik ang tingin ko sa pagkain ko na kaonte pa lang ang nababawas.
"Hey ladies." Bati nya saakin pag kaupo nya sa tabi ko. Napipilitang tumango lang ako sakanya. Samantalang itong dalawa sa harap namin ay kulang na lang halikan si jacobo dahil sa kilig nila.
"Can i invite you for a dinne-"
Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sa malakas na bulong bulongan ng mga studyante."First time nyang kumain dito'
'Ang sexy talaga ni maam axia dude.'
'I know right bro'
Mabilis na lumingon ako sa entrance dahil sa narinig kung bulong bulongan ng mga studyante.
At doon ko nakita si maam na nag lalakad palapit saamin.'Napapansin ko na close sila ni maxine.'
'Balita ko ay sa company nila maam axia sya nag papart time job'
'Really? No wonder.'
Simula nung masquerade ball marami ng nauungkat saakin. Lalo na itong pag dikit dikit saakin ni jacobo. Sya talaga ang rason kung bakit marami na nangingimasok sa pagkatao ko.
Not a good idea talaga na hinayaan ko syang mapalapit saakin. Al though mabait naman sya kaya hinahayaan ko na lang din.
Nagulat ako ng may tray na ipinatong sa tabi ko at maya maya ay umupo na rin sya sa tabi ko. Napapagitnaan ako nila ni jacobo.
Nilingon ko sya at kitang kita ko kung paano sila mag palitan ng masasamang tingin ni jacobo.
"What are you doing here mister?"
Seryosong tanong ni maam axia kay jacobo na tumawa lang. Nagulat ako ng may ipatong syang dessert sa harapan ko.
"Here." Sabi nya saakin."Its jacobo or clemente maam. Ganyan tawag mo saakin kapag may business gathering."
"Wala tayo sa business gathering. And were not talking about any business here. Now? what are doing here?" Seryoso pang tanong nya na ikinatawa lang ni jacobo.
Bakit ba nagagalet sya? E ano naman kung nandito si jacobo? Hindi naman siguro bawal na napapadpad sa department namin ang ibang course diba?
"Calm down maam. But anyway wala naman pong nagsasabi na bawal kaming mapadpad dito sa department nyo. We are free to explore naman sa campus. And besides binabayaran naman namin ang tuition namin." Medyo sarcastic na sagot ni jacobo.
Napansin ko na sobrang tahimik na ng buong canteen. Pati ang dalawa kong kaibigan ay hindi na rin makaimik.
"But to answer your question, Im here for maxine. I just want to invite her for dinner."
Tinignan ako ni maam kaya agad akong napalunok.
"Max, can we?" Tanong nya ulit.Nag iwas ako ng tingin kay maam axia na merong kakaibang tingin saakin, na para bang pinaparating nya na wag akong papayag.
Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa kamay ko. Pinisil pisil nya yun ng mahihina.
"Ha.." muli akong lumunok bago tuluyang sumagot. Tinanggal ko ang kamay ni maam kaya agad na gumuhit ang sakit sa mga mata nya.
"Ahh.. sure." Ngumiti si jacobo saakin. Habang si maam naman ay mas sumeryoso ang mukha.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging sagot ko pero naandito na."Thank you max sa pag payag. Lets watch movie after." Sabi nya. Tumingin sya kay maam
"I think my business here is done maam archeles." Ngumiti ito kay maam axia pero hindi na sya tinapunan ng tingin ng isa.
"I'll pick you up ma-"

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅