part 17

4.5K 130 9
                                    


MAXINE

Pag dating namin sa classroom nag taka kaming lahat na nasa labas kung bakit sobrang tahimik ng mga kaklase namin na nauna na sa loob. tapos hindi rin gumagalaw sila jayvon na naka harang sa pinto at parang ayaw pumasok kaya hindi kami makadaan.

"anong meron?" kinakabahang tanong ng nasa likod namin.

"nasilip ko may bagong teacher." mahinang bulong ng nasa harap namin. napakunot ang noo ko. bago?

"what? hindi si mrs baramida?" tanong din ng isang studyante.

"hindi e. ang ganda at bata pa." sagot ulit ng nasa harap.

"don't ya'll have plan to go in yet? what are you waiting for?" lahat kaming nasa labas napasinghap sa boses na iyon.
"mr. nevarez, please stand up and close the door." tawag nya sa president namin. agad rin naman itong sumunod. habang papalapit saamin senenyasan nya kami na pumasok na, kaya naman tinulak na namin si jayvan na nakaharang pa rin sa pinto at parang walang balak na pumasok, tulala kasi sya sa harapan. halata rin ang kaba nya. ano bang problema nya? idadamay nya pa kami.

"good morning maam." sabay sabay naming bati sakanya pero tinaasan lang nya kami ng kilay.
napalunok ako dahil sa paraan nya sa pag titig saaming lahat.
mas nakakatakot sya kesa kay maam axia.
napayuko ako ng tumingin sya saakin dahil hindi ko gusto ang paraan ng pag titig nya saakin. feeling ko hinuhusgahan nya ang buong pagkatao ko.

"ang tagal nyong pumasok." muli kong inangat ang ulo ko at nakita ko sya na iniikot ang mga tingin nya sa mga kasamahan ko.
"go to your seats." agad kaming nag lakad papunta sa upuan namin. ang iba natataranta pa papunta sa upuan nila.
bago ako umupo muli akong tumingin sa bago naming professor pero tinaasan nya lang ako ng kilay kaya muli akong nag iwas.
napabuga ako ng hangin para tanggalin ang kaba na nararamdaman ko.
tumalikod na sya at nag sulat sa board.

'CANDACE EVE MARUCCI'

"kasing ganda ng pangalan nya ang mukha nya dude." lahat kami napatingin kay nathan dahil sa binulong nya.

"oh shut up mr. rumualdez. i dont need your compliment." mataray na sabi nya kaya muli kaming napatingin sa harapan. ang sungit talaga, sya na nga itong kinocomplement ayaw nya pa.
"by the way, my name is candace eve marucci." tumigil ito sa pag sasalita at muling nilibot ang paningin sa buong klase.
"I am your new science teacher. and don't ask questions about mrs baramida, because I won't tell you either. It's not my job to tell other people's lives."
kinuha nya ang isang index card sa table nya at inangat ito para ipakita saamin.
"get 1/4 index card and write your name."
hindi mag kanda ugaga ang mga classmate ko sa pag kuha ng index card. sinulat ko na ang pangalan ko sa index card.

"dude pahingi akong index card, wala kasi akong index card" rinig kong bulong sa bandang lirukan na halatang narinig naman ni maam marucci.

"mister who ever you are, get out of my class." galet na sabi nya na ikinalake ng mga mata ng mga classmate namin. kahit ako hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa galet na aura nya.
"anong klaseng studyante ka at kahit simpleng index card wala ka?" dugtong pa nya.

"s-sorry maam. hindi po kasi kami m-masyadong gumagamit ng index card kaya hindi po ako nag
d-dadala." utal na sagot ni jaron.

"It's not because you don't use it much, it doesn't mean you won't bring it anymore. how is it now? Can you be a responsible student? i won't tolerate your irresponsible behavior. now LEAVE." parang na pipe ang buong klase dahil halos walang gustong gumawa ng ingay.
nanatiling nakatungo kaming lahat. kahit ang mga siraulong kaklase ko na walang takot sa mga teacher namin ay hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.
kakaiba ang guro na ito.
narinig namin ang pag bukas at sara ng pinto. lumabas na si jaron.
"I won't repeat what I said, so whoever doesn't have an index card, get out of my class" muli nyang inikot ang paningin nya at nang masigurado nya na okey na ang lahat, tumikhim sya at tumingin kay pres.
"mr nevarez, collect all the index card."
tumayo na si pres at kinuha isa isa ang index card saamin. binigay nya ito kay maam.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon