MAXINELumipas na ang halos isang linggo at hanggang ngayon usap usapan pa rin ang mga nangyari sa party ni maam axia. Lalong lalo na ang tungkol sakanila ni maam marucci. Madalas ko na ring makita sila na magkasama dito sa loob ng campus.
Masakit, oo. Pero onte onte ko ng sinasanay ang sarili ko sa mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ko na rin masyadong pinapansin ang dalawang professor kahit minsan halatang halata na nananadya si maam marucci na asarin ako.
Si davin naman nadadalas ang pag punta nya dito sa department namin. Madalas nya rin akong ayain kumain sa ice cream shop niya sa labas ng campus pero nag babayad ako ayaw ko na nililibre nya ako lalo at business nya iyon. Ayaw ko naman isipin ng iba na sinasamantala ko ang kabaitan nya. Sapat na saakin na naandyan sya sa tabi ko at pinapanatili ang friendship naming dalawa.
"Mamaya manuod ka ng practice namin max." Nakangiting sabi ni davin saakin.
Naandito sya sa department namin sumabay sya sa lunch namin ng mga kaibigan ko."Anong oras ba? Pag wala akong klase pupunta ako." Nakangiti ring sabi ko sakanya.
Nilunok muna nya ang kinakain nya bago sya ulit humarap saakin"3-5pm ang practice namin max."
Wala naman na akong klase ng 3:30 kaya makakahabol pa ako. Minsan lang naman sya mag request saakin. Ano ba naman yung mapagbigyan ko sya ngayon."3:30 pa end ng klase ko pero susunod ako."
"Then lets have dinner together."
Tumango na lang ako sakanya.
"Thanks." Pinag patuloy ko na ang pagkain ko.
"Bibili lang ako ng water." Tumayo na sya at nag lakad papunta sa counter. Sakto naman na nalaglag ang tinidor ko kaya tumayo ako para humingi ng bagong tinidor. Sumunod ako sa pila ni davin.
"Need something?" Tanong nya saakin ng mapansin nya ako."Nalaglag yung fork ko." Sabi ko sakanya. Nagulat ako ng hinila nya ako sa tabi nya at hinawakan ako sa bewang
"Ako na hihiram." Nakangiting sabi nya.
"Anong gusto mong pagkain babe?" Naagaw ang attention ko ng boses na yun. Kung hindi ako nagkakamali alam kong sila maam marucci at maam axia ang nasa likod namin ni davin.
Pinilit kong hindi ako lumingon sakanila dahil alam ko na sa oras na gawin ko yun baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na wag manghina o worst baka umiyak pa ako sa harapan nila."Kahit ano" rinig ko sa seryosong sagot ni maam axia.
Hindi naman sya ganyan dati bakit ngayon ang seryoso nya na? Hindi ba sya masaya na kasama nya ang girlfriend nya?"Miss apat na tubig pero pakibigyan muna ako ng isa. Tapos pahiram ako ng isang fork" Nalipat ang attention ko kay davin na ngayo'y nasa harapan na ng counter.
Inabot sakanya ang isang water nagulat ako ng binuksan nya ito at inabot saakin.
"Here. Drink first." Nakangiting sabi nya. Dahil kailangan ko rin ng tubig agad ko yung kinuha at uminom. dahil feeling ko namunuyo na ang lalamunan ko dahil sa presensya ng dalawang tao sa likod ko. After kong uminom kinuha nya saakin ang bottle at nagulat ako ng uminom rin sya doon. Napalunok ako ng ngumiti sya saakin.
"Nakakauhaw."
Feeling ko namula ang buong mukha ko sa ginawa nya. "Okey ka lang ba? Namumula ka?" Punong puno ng pag aalala na tanong nya saakin. Napaatras ako ng sinalat nya ang noo ko para kasing may kung ano akong kuryente na naramdaman dahil sa ginawa nya.
Pero wrong move ata ang ginawa kong pag atras dahil mukhang naapakan ko ang paa ng nasa likod ko."What the hell perez." Inis na sigaw ni maam marucci kaya mabilis akong humarap sakanila para humingi ng pasensya.
"Sorry po."
Inirapan nya ako bago sya tumingin kay maam axia na seryoso lang na nakatingin saakin."Okey ka lang ba? Masakit ba ang paa mo?" Nag aalalang tanong ni maam marucci sakanya. So sya pala ang naapakan ko?
Muling tumingin saakin si maam marucci nang hindi sya sagutin ni maam axia, Dinuro nya ako.
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅