Part 39

5.6K 170 18
                                        


MAXINE

"Table 8 please." Mabilis na kinuha ko ang nilapag ni jam na tray ng ice cream sa counter.
Wala pang 30 minutes simula nung nag start ako pero feeling ko bagot na bagot na ang katawan ko sa pag served sa mga customer na sunod sunod na dumarating. halos mapuno na rin ang shop dahil weekends ngayon kaya maraming pumupunta dito.
Dalawang linggo na rin simula ng mag simula ako mag trabaho dito.
So far, masaya naman ang trabaho ko, dahil ibat ibang uri ng tao ang nakakasalamuha ko sa araw araw. Meron rin ako mga nagiging kaibigan na customer na usually mga taga ibang school pa galing.

"Heres your order maam, sir." Hindi nakatingin na sabi ko habang nilalapag ko ang dalawang ice cream at dalawang slice ng cake sa table. After ko malapag ang order nakangiting humarap ako sakanila para magpasalamat. Kaso natigil ako dahil sa taong nasa harapan ko ngayon.

Ngayon ko na lang ulit sya nakita simula nung nagkausap kami sa loob ng opisina nya, dalawang linggo na ang nakakalipas. Hindi na rin sya pumapasok sa school simula nung araw na yun.

Ngumiti sya ng tipid saakin. Napansin ko na nag iba ang kulay ng buhok nya. Yung dating itim naging blonde na ngayon na mas lalong bumagay sa ganda nya. Hanggang balikat na rin ang haba ng buhok nya.
Mas lalo syang gumanda ngayon. Kaya siguro hindi ko sya nakilala dahil sa bagong ayos nya.
Ngumiti ako sakanya bago ko pinasadahan ng tingin ang kabuohan ng mukha nya.

Nag iwas na ako ng tingin sakanya bago pa ako malunod sa pagkakatitig sakanya. Kinuha ko na ang
Number sa table nila bago ako yumuko at nag paalam.
Habang naglalakad ako pabalik sa counter napabuga ako ng hangin bago ako lumingon ulit sa pwesto nya at nakita ko na nakatingin pa rin sya saakin.
Patay malisyang nag iwas ako ng tingin bago ko kinuha ang isang tray na nasa counter para e served sa ibang table.

"Heres your order maam." Nakangiting sabi ko sa isang student na nakapang med na uniform. Sa tingin ko nag aaral sya dahil may mga libro at laptop na nakalatag sa table.

"Bago ka ba dito?" Tanong nya habang nakatingala saakin. "Ngayon lang kita nakita." Nakangiting sabi nya. Ngumiti ako sakanya.

"Dalawang linggo na po ako dito." Nakangiting sagot ko sa tanong nya. Tumango tango naman sya.

"I see. Hindi na rin kasi ako nadadalas dito at ngayon na lang ulit." Sabi nya. Napansin ko ang pagbaba ng tingin nya sa id ko.
"Nice to meet you maxine." Sabi nya saakin.
"Ashley." Nilapag nya ang kamay nya saakin pinunas ko ang kamay ko sa apron bago ko kinuha ang kamay nya.

"Nice to meet you too maam ashley." Magalang na sabi ko.

"Ashley is enough. Call me ashley." Sabi nya. Ngumiti ako sakanya saka ako nag paalam.

"Sige ashley. Alis na ako." Nakangiting paalam ko sakanya na agad naman nyang ikinatango.
"Enjoy."

"Thank you, max."
Tumalikod na ako sakanya at habang papunta ako sa counter napansin ko si davin na nakatayo at nakatingin saakin. Mukhang bagong dating lang sya dahil may bitbit pa syang bag.
Lumapit ako sakanya.

"Hi davin." Nakangiting bati ko sakanya. Ngumiti sya saakin.

"Mukhang mali ata na nilagay kita dito." Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi na ba sya masaya na nandito ako? Hindi ba maayos ang trabaho ko?

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Mukha kasing marami na akong magiging karibal sayo." Napabuga ako ng hangin bago ko sya pinalo sa balikat na ikinatawa nya.
"Biro lang." Hinawakan nya ako sa siko.
"Okey ka naman ba dito?" Tanong nya saakin habang inaakay ako papasok sa opisina nya

"May trabaho pa ako davin." Sabi ko sakanya.
Tumigil sya at humarap saakin.
Luminga linga ako sa labas at doon ko nakita si axia na nakatingin saamin. Agad akong nag iwas bago ko binalingan si davin.
"Taposin ko lang trabaho ko, baka sabihin ng mga empleyado mo may favoritism ka." Pagbibiro ko sakanya. Natawa sya bago inangat ang mga kamay nya na para bang sumusuko.

"Okey okey, sige." Sumusukong sabi nya.
"Basta after ng working hour mo. Pumunta ka dito sa office ko, may sasabihin lang ako." Sabi nya.
Tumango ako sakanya.

"Sige, pupunta ako bago ako mag out."

"Okey."
Kumaway ako sakanya bago ako bumalik sa counter.

"Table 11, max." Nakangiting kinuha ko ang tray para eserved. Pabalik na sana ako sa counter ng makita ko na tumayo si maam at parang papunta sya sa cr.
Hindi ko alam kung anong sumanib saakin dahil nag madali akong bumalik sa counter para ibalik ang tray bago ako naglalakad papunta sa cr.

Pag pasok ko nakita ko si axia na nakatingin sa sarili nya sa salamin agad ko rin namang naagaw ang attention nya. Humarap sya saakin at ngumiti

"Max." Tawag nya saakin.
Gusto ko syang kamustahin pero ayaw makisama ng bibig ko. Hindi ako umiimik dahilan para lumapit sya saakin.
"You okey?" Tanong nya saakin. Hinawakan nya ako sa braso. Mabilis ko syang hinila at niyakap ng sobrang higpit. Agad ko rin namang naramdaman ang pag yapos nya sa bewang ko.
Namiss ko to. Namiss ko sya ng sobra sobra.
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng mga puso naming dalawa, Lalong lalo na yung kanya.

Ilang minuto kami nanantili sa ganong posisyon, buti na lang walang pumapasok. Onte onte na akong humiwalay sa pagkakayakap ko sakanya saka ko sya tinignan.

"Antagal mong nawala." Sabi ko "kamusta ka?" Tanong ko sakanya. Sinuklay nya ang buhok nya gamit ang daliri nya.

"Nabusy lang ako sa company. May mga kailangan lang asikasohin bago ako umalis sa company. tyaka okey lang ako." Sabi nya. Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi nya.

Aalis sya? Saan sya pupunta? Agad akong nakaramdam ng lungkot sa isipin na baka tuluyan ko na syang hindi makita pa.

"A-aalis ka?" Ngumiti sya saka tumango.
Aalis sya pero mukhang masaya pa sya? Nakakainis talaga sya. Dapat malungkot sya kasi malalayo na sya saakin, pero ito mukhang masaya pa sya. Nakakainis talaga.

Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko kaya agad akong yumuko para itago sakanya ang mga luha ko.

"Goodluck sayo kung saan ka man p-pupunta." Pilit kong pinatatag ang boses ko pero nag crack pa rin kaya narinig ko ang mahihina nyang hagikhik.

Anong nakakatawa? Sarap nyang tirisin.

"Ipapasa na kasi saakin ni dad ang pamamahala sa school kaya aalis na ako sa company." Agad kong inangat ang ulo ko para tignan sya.
Nakangiti sya. inangat nya ang mga kamay nya para punasan ang luha ko.
"Hintayin kita sa labas mamaya pag out mo. lets have some dinner." Napapikit ako ng lumapat
ang labi nya sa noo ko. Maya maya lumayo na ito saka lumabas ng cr.

••

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon