ARCILLA POV:"Everyone, its time for dinner." Tawag saamin ni tito alfred dito sa rooftop ng mausoleom kung saan nakalibing si axia at maxine.
Nauna na ang iba kung kasama sa pagbaba. Kanina pa kasi sila nag rereklamo na gutom na sila kaya nauna na sila. Naiwan na lang dito na kasama ko ay si candace.
Today is their 2nd death anniversary. At nandito kami ngayong lahat para mag tipon tipon sa ikalawang anniversaryo nilang dalawa.
Miss na miss ko na sila. Pero alam ko na masaya na silang dalawa sa taas. Hindi man natuloy ang lovestory nila dito sa baba natuloy naman nila ito sa itaas.
Grabe yung nangyari 2 years ago. Hindi namin inaasahan na mauuwi kami sa ganoong sitwasyon. Akala namin kay axia lang kami mag luluksa pero kay maxine rin pala.
Sobrang trauma dahil kami pa nila davin at candace ang nakasaksi sa naging kalagayan ni maxine.
Kitang kita namin kung paano sya mabangga ng malaking truck at kung paano sya pumailalim dito.She was declare as dead on the spot, pero sinubukan pa rin syang e revive pero wala na talaga dahil dead on the spot na ang nangyari sakanya.
Hindi na namin alam kung paano na namin tatanggapin ang nangyari nung mga panahon na yun dahil dalawang tao ang nawala saamin sa parehong araw at minuto lang ang pagitan.
Lahat ng tao na nakakakilala sa dalawa nag luksa sa pagkawala ng dalawa. Kahit sa school nila axia palaging may pa mass every 5 of the month para sa dalawa.
Tumingala ako sa langit.
Agad akong napangiti ng makita ko ang dalawang makinang na star. Magkatabi ito at patuloy na kumikinang."I think its them." Napatingin ako kay candace.
Nakatingala rin sya sa langit.
Ngumiti ako at muling tumingala sa langit.Sa tingin ko nga sila iyan.
Im so happy for the both of them.
They made it.
Masaya ako na kahit sa kabilang mundo napagpatuloy nila ang sinumpaan nilang pagiibigan sa harapan ng pare at diyos.
"Axia, max. Miss na miss na namin kayo." Ngumiti ako "sana nandito kayo, kasama namin. Pero alam ko na masaya na kayong dalawa, dahil sa wakas nakuha nyo na yung katahimikan."
Pinunas ko ang luha ko.
"Dalawang taon na ang lumipas pero yung sakit at yung alaala ng nakaraan nandito pa rin."
Ngumiti ako.
"Pero okey na kami. Lahat kami naka move forward na sa mga nangyari. Tanggap na naming lahat na wala na kayo." Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang pag yakap saakin ni candace."Tara na." Yaya nya saakin. Ngumiti ako sakanya bago ako tumayo. Magkahawak kamay kaming naglakad ni candace papasok.
•••
![](https://img.wattpad.com/cover/350566445-288-k306336.jpg)
BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅