Part 41

4.3K 119 1
                                    

⚠️: RAPE

READING DISCRETION IS ADVISED


AXIA

Pagkapasok ko sa condo ang nakakairitang boses agad ni candace ang bumungad saakin. Natatawa na lang talaga ako sa babaeng to. Pilit nyang pinagsisiksikan ang sarili nya saakin kahit paulit ulit ko ng sinasabi sakanyang hinding hindi ko sya mamahalin kagaya ng dati.

"Nakita ko kayong dalawa." Seryosong sabi nya. Seryosong tinignan ko lang rin sya bago ko sya nilampasan. Pinatong ko ang gamit ko sa sofa bago ako pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.
"Malalaman to ni tita." Agad na nag panting ang tenga ko sa sinabi nya. Mabilis ko syang hinarap.

"Sana sabihin mo rin sakanya na nakita ko kayong magkasama ni jacobo kanina." Inis na sabi ko sakanya. Nakita ko ang dumaang gulat sa mga mata nya kaya napangisi ako.
"Akala mo ba wala akong alam?" Tanong ko sakanya.
"But anyway, wala naman akong pakialam kahit ilang beses ko pa kayong makita na may ginagawang milagro." Pinagpatuloy ko na ang pag salin sa baso saka ako uminom.

"Alam ba nya na nagsasama na tayo sa iisang bahay?" Muling tanong nya na ikinatigil ko sa pag inom.
Hindi ko pa nasasabi sakanya dahil natatakot ako pero sana hindi sya magalet oras na sinabi ko na sakanya. Alam ko na maiintindihan nya ako.

Nilagay ko na ang baso sa sink saka ako naglakad. Nilampasan ko sya. Ayaw ko na syang kausap.

"So hindi pa?" Tumingin ako sakanya.
"Ano kayang magiging reaction nya pag nalaman nya?"

"Tanga ka ba? Pinaintindi ko na sakanya ang lahat at naintindihan nya ako. Sa tingin mo may epekto pa sakanya pag nalaman nya yan mula sayo?" Hinawi ko ang buhok ko.
"Tyaka pwede ba candace? Tigilan mo na to. Dahil kahit kailan hinding hindi na tayo mababalik sa dati. Mas lalo mo lang ako binibigyan ng dahilan para kamuhian ka." Kinuha ko na ang mga gamit ko sa sofa.
"Grow up." Pagkasabi ko nun iniwanan ko na sya at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko ng muli syang magsalita.

"Ilang linggo na lang, ikakasal na tayo."

"At hindi ko hahayaang mangyari yan." Sagot ko sakanya.
"Hindi ko hahayaang matali ako sayo." Dugtong ko pa.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at pabalang ko pang sinara ang pinto.

Im sorry mommy. kung ang makasama sya sa isang bahay ay kaya kitang pagbigyan, sa kasal, hindi.
Hindi ko hahayaang matali ako sa kagaya ni candace dahil alam ko na mahihirapan na akong makaalis sakanya oras na mangyari yun.



Nagising ako dahil sa pag lundo ng kama ko. Pag mulat ko ng mata ko agad na bumungad saakin si candace. Agad akong bumangon.

"C-candace anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Naaamoy ko na amoy alak sya. Nakabihis rin sya at mukhang kakauwi pa lang.
Mapupungay ang mga mata nya at halatang lasing sya.

Agad akong nakaramdam ng kaba ng makita ko na gumagapang sya palapit saakin.

"Ano bang meron sya na wala ako?" Natitinigan ko ng kalungkutan ang boses nya.
Ano bang nangyayari sakanya?
"Bakit.. bakit hindi mo ako magawang mahalin ulit axia?" Dugtong nya. Agad kong tinapik ang kamay nya ng akmang hahawakan nya ako sa pisngi. Kita ko ang pagbago ng aura nya dahil sa ginawa kong iyan.

Agad akong napahiyaw ng hawakan nya ako ng sobrang higpit sa braso. Feeling ko mababali ang buto ko sa sobrang lakas nya.

"Candace, nasasaktan ako."
Naiiyak na sabi ko sakanya habang pilit na binabawi ang mga braso ko mula sakanya. Pero para itong posas na sa tuwing gumagalaw ako ay mas lalo lang humihigpit.
"Awww candace." Daing ko ng mas lalo nyang higpitan ang pagkakahawak saakin. Sinubukan kong lumaban kaso malakas talaga sya.

"Akin ka lang axia." Seryosong sabi nya na mas lalong nakapagpadagdag sa takot ko.
"Kung hindi ka magiging akin mas mabuting hindi ka na lang rin mapunta sa iba. Lalong lalo na sa babaeng iyon." Pagkatapos nya yung sabihin agad nya akong hinalikan sa labi na agad kong iniwasan kaya sa pisngi ko tumama ang labi nya.
"Wag ka na lumaban. Sisiguraduhin kong makukuha kita ngayong gabi." Nakaramdam ako ng takot ng makita ko na may kinuha syang panyo sa bulsa nya. Bago pa nya mahawakan ang kamay ko agad ko na syang tinabig hanggang sa mapahiga sya sa kama.
Tarantang bumaba ako sa kama at tumakbo palabas.
Kahit nanghihina pinilit kong makalabas ng kwartong iyon. Pero hindi pa ako nakakalampas sa pinto may humila na sa braso ko at agad akong binalibag sa may kama.

Agad akong nakaramdam ng pananakit ng katawan nang tumama ako sa edge ng kama. Hinawakan ko ang braso ko dahil feeling ko nabali buto ko.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig at sumandal sa kama. Naluha na rin ako dahil sa hapdi ng braso ko.
Muli kong nilingon si candace na parang demonyo na nakangisi sa harapan ko ngayon.

Lumuhod sya sa harapan ko at pilit na hinila ang kamay ko para talian ng hawak hawak nyang panyo.

"C-candace ano ba ang nangyayari sayo?"
Umiiyak na tanong ko sakanya.
Ngumisi sya saakin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito axia." Sabi nya
"Kung noon pa lang sana ginawa mo na akong mahalin hindi na sana tayo aabot sa ganito."
Galet na sabi nya.

"A-ano bang hindi mo maintindihan? Hindi na kita mahal candace. Paalisin mo na lang ako at kakalimutan ko ang lahat ng ito." Umiiyak na sabi ko sakanya.

"Nah, i wont do that."
Pagkasabi nya nun, sinimulan nya na akong galawin. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Dahil bukod sa nanghihina na ang katawan ko masakit pa ang kaliwang braso ko dahil sa pagkakatama sa kahoy.

Feeling ko nabali talaga ang buto ko.

••

"Madaling araw nambubulabo- Ohh my god axia"
Agad na bungad saakin ni arcilla pagkabukas nya ng pinto. Gulat na nakatingin sya saakin. Pinag masdan nya ako ng maigi.
"Oh my god. Who did this to you?" Naiiyak na tanong nya saakin, Habang sinisipat ang mukha ko. May sugat ako sa labi dahil kinagat iyon ni candace nung nagalet sya dahil hindi ko tinutugon ang halik nya.
Agad na nag unahan ang luha ko. Mahigpit akong yumakap kay arcilla.
"Sinong gumawa neto sayo?" Galet na tanong nya pero wala syang nakuhang sagot saakin kaya niyakap nya na lang rin ako ng mahigpit.
Umiiyak lang ako nang umiiyak sa dibdib nya at wala sya ibang ginawa kundi ang haluin ako.

"She r-rape me, arc" muli na naman akong napahagulgol ng iyak ng maalala ko ang ginawa saakin ni candace.
"A-ayaw ko na syang m-makita" pinunas ko ang luha ko gamit ang damit nya.

"Si candace ba?" Paulit ulit akong tumango habang umiiyak.
"Ohh my god." Hindi makapaniwalang usal nya.
"She did it again. Pag nakita ko lang talaga sya."
Galet na ang tono nya ngayon.
"Sinasabi ko na nga ba, simula talaga nung bumalik ang babaeng yan wala na akong tiwala sakanya."
Hinaplos haplos nya ang buhok ko.
"Dont let your mommy, control you, axia." Mahinang sabi nya saakin.
"You sacrifice your happiness for her happiness, but you are the one who gets hurt. You are the one who is struggling because you followed her wants."
Patuloy lang akong umiiyak.
"Nalaman nya naman noon na muntikan ka ng pagsamantalahan ni candace pero pinilit nya pa rin sayo yung babaeng yun? Anong klaseng ina sya?"
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sakanya.
"Hindi na sya makakabuti pa sayo axia. Please stay away from your mother." Sunod sunod akong tumango sakanya.

Gusto ko man mag labas ng sama ng loob sakanya tungkol kay mommy pero wala na akong lakas ng loob para mag salita pa. Im so tired. Gusto ko na lang magpahinga.

"P-pwede bang wag mo na lang s-sabihin kay maxine?" Umiiyak na pakiusap ko sakanya. Kumalas na rin ako saka nag punas ng luha.

"Are you two okey?" Tumango ako sakanya.
"I cant promise that axia, Im sorry. She deserved to know the truth." Hindi na lang ako umimik.
"Maligo ka na. Ready ko lang ang mga gagamitin mo."
Inalalayan nya ako papasok sa guest room.

Habang naliligo wala na akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Nagagalit ako. Nagagalit ako kay mom, nagagalit ako kay candace. pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil wala man lang ako magawa para ipagtanggol ang sarili ko kay candace, kahit ginawa ko naman ang lahat para lumaban sakanya.

Kung hindi sya nakatulog hindi ako makakaalis, Dahil kahit nakainom sya hindi pa rin nababawasan ang lakas nya.

•••

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon