Part 32

5.3K 147 12
                                        

MAXINE

Nagising ako dahil nararamdaman ko na may humahaplos sa buhok ko at tandang tanda ko ang amoy ng pabango na yun, kaya mabilis akong nag mulat ng mata.

Agad na nag unahan ang mga luha ko ng makita ko na sya nga ang kasama ko sa kwarto ko. Ngumiti sya saakin at mahigpit akong niyakap.

"I miss you." Rinig ko ang mahihinang hikbi nya kaya niyakap ko sya pabalik.
Ang saya saya ko na sa wakas e nandito na sya kasama ko.

"I miss you too." 
Pinunas ko ang mga luha sa pisngi ko.
Kumawala sya ng yakap saakin saka ako tinitigan. Hinawakan nya ako sa mukha.

Tinitigan ko rin sya at napansin ko na medyo pumayat sya, Parang Lumubog ang mga mata nya ngayon.

1 month lang syang nawala pero ganito na ang pinayat nya?

Ano ba talagang nangyari sakanya?

Muli akong nag talukbong ng kumot. Naiiyak ako.
Ayaw kong makita nya na umiiyak ako.
Naramdaman ko na humiga ito sa tabi ko at niyakap ako.

"Im really sorry max." Narinig ko rin ang mahihinang hikbi nya.

"S-saan ka pumunta?"  Tinanggal ko ang nakatakip na kumot sa mukha ko para matignan ko sya ng taimtim.
Pinunas nya ang luha nya bago ako nilingon.

"Tagaytay." Tipid na sagot nya "kasama ko si mommy, May business kaming inasikaso." Dugtong nya.
"You're not mad?" Tanong nya saakin.

Umiling ako kaya napangiti sya.
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong ko sakanya.
"May dapat ba akong ikagalet?" Natahimik sya sa naging tanong ko.

"K-kasama namin si c-candace" utal at parang kinakabahan na sabi neto. Natahimik ako sa sinabi nya at nag iwas ng tingin. Kaya pala sabay silang nawala
"Sinabi ko sayo dahil ayaw ko na magalet ka"
Bakit ngayon mo lang sinabi? Kung kailan tapos na.

Gaano ba kahirap para sakanya na layuan ang babaeng yun? Bago sila parehas na nawala, halos gusto syang saktan ng babaeng yun tapos hinayaan nya pang makasama?

Kahit sabihing dahil sa mommy nya kaya sila nag kasama ulit, pwede naman syang tumanggi. Sapat na rin siguro yung  pananakit sakanya ni maam candace para tumanggi sya diba? Pero bakit hindi nya pa rin magawa?

Almost 1 month syang nawala, alalang alala ako sakanya nung mga panahong nawala sya tapos mababalitaan ko na kasama pala nya yung babaeng pinag tangkaan ang kahinaan nya? Tapos babalik sya at sasabihin saaking gusto nyang sabihin kasi ayaw nya akong magalet? Hanep.

Napakuyom ang mga kamao ko sa kumot na hawak ko.

"Si arcilla, alam nya ba na magkasama kayong dalawa?" Tanong ko sakanya

"Alam nya." Pinag lololoko talaga nila akong magkaibigan. Sabi ni arcilla nung tinanong ko sya, Hindi nya alam kung nasaan si maam marucci at baka daw nahihiya na lang pumasok dahil sa ginawa nya tapos malalaman ko na lang na alam naman pala nya na magkasama ang dalawa sa tagaytay.

Tinanggal ko ang pagkakayapos nya saakin sa bewang at tumayo. Naiinis ako, nagagalit.
Nangako ako na hindi ako magagalit sakanya pero ito ako ngayon naiinis, nagagalit dahil sa mga nalaman ko na hindi ko iniexpect na maririnig ko mula sakanya.

"Max, please dont get mad at me." Pigil nya saakin bago pa ako makalabas ng kwarto.

"Bakit nilihim mo saakin?" Naiiyak na tanong ko sakanya. "Alam mo ba na sobra sobra akong nag alala sayo nung mga panahong wala ka? " napayuko sya.
"Akala ko kung napano ka ka, tapos malalaman ko ngayon na kasama mo pa ang babaeng yun."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Gaano ba kahirap axia? Gaano ba kahirap na iwasan ang babaeng yun?" Naiinis na tanong ko sakanya.
Hinawakan nya ako sa kamay

"Hindi ko alam na kasama sya ni mom-"

"That bullshit axia. Hindi mo na naman alam? Sige na sabihin na natin na hindi mo nga alam? Pero sana sa una pa lang na nalaman mo na kasama sya, sana man lang nag sabi ka man lang saakin. Girlfriend mo ako at alam mo na ayaw ko sa babaeng yun pero kahit yun man lang hindi mo nagawa. Tapos kahit isang paramdam man lang wala akong natanggap mula sayo." Galet na sabi ko sakanya. Hindi ko na mapigilan ang emotion ko.
"Pinipilit kong intindihin ka, axia. Pero nakakapagod na." Binawi ko ang kamay ko sakanya.
"Umuwi ka na"

"Max-"

"Umuwi ka na."seryoso na sabi ko sakanya bago ako lumabas ng kwarto.
Ayaw ko man syang tratuhin ng ganito pero hindi ko mapigilan na hindi magalet sa mga nalaman ko.

Akala ko nag papalamig lang sya at gusto nyang mapag isa nung nawala sya kaya naiintindihan ko na hindi nya ako kinakausap sa tuwing tinitext ko sya. Tapos ngayon may business pala syang inaasikaso with her ex tapos hindi pa nya sinasabi saakin.

Pagbaba ko dumeretso ako sa cr para mag hilamos at toothbrush.

"Tita uuwi na po ako."
Rinig ko na paalam nya kay tita amanda. Nasa kusina silang dalawa

"Hindi ka ba muna kakain?"

"Hindi na po. Nag mamadali rin po kasi ako tita."

"Okey hija. Pupunta ako bukas." Pupunta saan?

Narinig ko na ang mga yapak palabas nagkasalubong pa ang mga mata namin. Ramdam ko ang mga lungkot na dumadaloy sa mga mata nya, naaawa ako pero kung hindi ko ipapakita sakanya na nasasaktan ako sa mga secret nya ay walang mangyayari saaming dalawa.

Hindi pwedeng ako na lang lagi ang iintindi, kailangan nya ring marealised na dalawa kami sa relasyon naming ito kaya may karapatan rin ako na malaman ang totoo.

Tumalikod na ako at nag lakad papunta sa sala. Narinig ko na rin ang mga yapak nya palabas ng bahay.

Sinilip ko sya sa bintana pumasok na sya sa sasakyan nya hanggang sa umalis ito.
Pabagsak na umupo ako sa sofa at walang ganang binuksan ang tv.

Hindi ko alam kung ilang minutong lumilipad ang utak ko basta natauhan lang ako dahil sa pag litaw ni tita sa harapan ko.

"Nag away ba kayo ni axia?"
Tanong nya saakin. Nag iwas ako sakanya ng tingin kinuha ko ang remote at nilipat ang channel.

"Nakakainis lang po kasi sya tita. Antagal nyang nawala pero kahit isang beses hindi man lang sya nagpasabi man lang saakin. Sobra sobra akong nag alala." Sagot ko sakanya. Yes alam na ni tita ang about saamin, Nabanggit kasi sakanya ni tito alfred ang about saamin ni maam axia. At masaya ako na tanggap nya kami.
Umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Ang alitan kasama yan sa relasyon pero sana maayos nyo rin iyan kaagad maxine. Masama ang tampuhan kapag tumagal." Natahimik ako sa sinabi ni tita.
Tumayo na sya.
"Tyaka nga pala, mamaya aalis ako at baka hindi ako makauwi, Susunduin ako ni tito alfred mo." Tumango ako sakanya.

"Sige tita."

Ngumiti sya saakin bago sya lumabas ng sala.

Hala sorry po kung matagal na hindi nakapag update. Sobrang busy lang po kasi ako sa work nitong mga nakaraan.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon