Part 34

5.2K 160 16
                                        


MAXINE

6:30 pa lang nandito na kami sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni axia. Sinundo kami ni tito alfred sa bahay.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin si axia pero hindi ko sya makita at ang nahagip ng mata ko ay sila megan at kenji kasama ang iba naming classmates sa isang table.
Nagpaalam ako kila tita at tito na pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko pumayag naman sila bago sila pumunta sa upuan kung saan kasama nila ang ibang business partner ni tito.

"Ang ganda mo girl." Si megan muntik pa akong matawa dahil nakanganga talaga silang lahat.
Minsan lang kasi nila ako makita na nakaayos kaya siguro ganun.

"Sira."
Natatawang sabi ko sakanya bago umupo sa tabi nya.
"Nakita mo na ba si axia?" Mahinang tanong ko sakanya para hindi kami marinig ng iba.

"Kanina nandito na yun kinakausap ang mga big time na bisita tapos umalis din kaagad." Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay megan. Para kasing may hindi sya sinasabi

"Saan sya pumunta?" Yun na lang ang natanong ko sakanya. Ayaw ko na syang pilitin pa.

"Umakyat sa taas kasama ang mommy nya. Kung gusto mo puntahan mo. Nakita ko kanina bumaba ang mommy nya at hindi sya kasama kaya baka nasa taas pa sya."  Tumingin ako sa paligid bago ako tumayo. "Pero baka umakyat na ulit ang mommy nya baka di ko lang napansin." Tumango ako sakanya bago umakyat sa hagdan.

Pag dating ko sa taas andaming taong nag lalakad lakad na feeling ko ay mga business tycon din dahil sa mga kasuotan nila.
Ang iba sakanila mga kasing edaran lang ni axia at ang iba mga hindi na rin nalalayo pa sa edad nila. Baka mga kaibigan ito ni axia.
Naagaw ng pansin ko si luxx na nakikipag tawanan sa mga kasama nya.

"Excuse me miss." Tumingin ako sa taong tumawag saakin sa likod ko at doon ko nakita ang babaeng kasing edad ni axia.
"Friends ka ba ni axia?"tanong nya saakin. Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong nya.
"Para lang kasi itong second floor sa mga kaibigan nya. I think you are not allowed here." 
Girlfriend nya kasi ako. Gusto ko sanang sabihin yun sakanya pero mas pinili ko na lang manahimik.

"Ah hindi e. pero hinahanap ko kasi sya, studyante nya ako and may gusto lang akong sabihin sakanya. Sandali lang naman." Nakangiti kong sabi sakanya

"Ah yeah, I think nasa room sya" turo nya saakin sa may maliit na hallway. Ngumiti sya saakin bago nag lakad palayo.
Napahinga ako bago nag lakad sa tinuro nyang hallway.
May isang malaking pinto doon. Huminga muna ako bago kumatok.

"Come in." Rinig kong sabi sa loob. Agad kong pinihit ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pinto. 
Bumungad saakin ang mga tao sa loob. Limang babae at may tatlong lalake silang kasama.
Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang babaeng may masamang tingin saakin. Si maam marucci.

Kakasabi ko lang kanina na wag na wag ko lang talagang makita ang babaeng itong kasama nya, pero ito at nasa iisang kwarto na naman kasama sya.

Ano bang mahirap sa pakiusap ko sakanya? Bakit hindi nya ako mapag bigyan? Akala nya siguro hindi ko sila makikita dahil exlusive ang floor na ito para sakanilang magkakaibigan. Hindi nya sila inaasahan na pupuntahan ko sya dito kaya okey lang na magkasama sila.

"Hi dear." Bati saakin ng isang babae na may suot na kaparehas ng akin, pero kulay green ang dress na suot nya while saakin, red.
"Kaibigan ka ba ni axia?"
Tanong nya pag kalapit nya saakin. Napansin ko ang pag pasada nya ng tingin sa kabuuhan ko

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon