part 16

6.7K 179 2
                                        

MAXINE

its already been 1 month simula nung huling pumasok ako sa company nila tito alfred. kahit gustong gusto kong pumasok pinipigilan ko pa rin ang sarili ko
dahil ayaw kong makita pa ang isang tao na nag papagulo ng buhay ko.

hindi naman talaga dahil sa pag focus sa pag aaral ang dahilan kung bakit ako huminto muna, yun ay dahil sa nadatnan ko sa opisina ni maam axia.

ang sakit sa pakiramdam na madatnan sila sa ganong sitwasyon. 1 week before ko sila makita sa ganun ay narealised ko na na may gusto ako kay maam axia. na yung kirot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila nung secretary nya ay hindi lang simple pakiramdam, na kaya pala kumikirot ang dibdib ko ay dahil may nararamdaman na ako sakanya.
kaya sobra sobra akong nasaktan nung huli ko silang nakita, to the point na nagawa kong iwanan ang trabaho ko para lang makalayo sakanya.

buti na lang talaga at may naipon na akong pera kahit papano. pero alam ko na sa mga susunod na araw ay baka babalik na rin ako, dahil konte na lang ang natitira sa ipon ko. gusto ko man mag hanap ng ibang trabaho ay nahihiya ako kay tito alfred.

simula din nung kinausap nya ako sa opisina nya dito sa school ay hindi ko na sya ulit pang nakita. nag sinungaling ako na hindi ko sya gusto. nakakahalata na sya pero kahit anong mangyari hindi ako aamin sakanya.

"okey class dismissed."
nalipat ang attention ko sa professor namin na nag liligpit na ng gamit nya.
napatingin ako sa mga classmate ko na kanya kanya ng nag si tayuan sa mga upuan nila.
inayos ko na rin ang gamit ko.

"ano kayang announcement?" rinig kong tanong ni megan kay kenjie. pupunta kasi kami sa gym para sa announcement ng dean.

"kaloka ka bakla.. hindi ko rin alam." sagot ni kenjie sakanya habang papalapit saakin.
"huy girl, tara na." yaya nila saakin kaya tumayo na ako para sumabay sakanila sa pag lakad.
"sana naman good news iyon mga bakla. something na mag eenjoy tayo, kasi wala pang dalawang buwan simula nung pasukan pero na sstress na ang kagandahan ko." mataray na sabi nya sabay hawi sa imaginary hair nya. naiiling na natatawa na lang kami ni megan sa kagagahan ni kenjie.

masaya ako na nag karoon na rin ako ng kaibigan. dati kasi sobrang busy ako sa trabaho kaya wala akong oras para isabay pa ang pakikipag kaibigan sa obligasyon ko. as in school, bahay, work, lang talaga ang everyday routine ko. hindi ko nagawang mag explore dahil sa mga obligasyon ko sa sarili ko.

"wala pang pasukan mukha ka naman ng stress HAHAHA" pang aasar ni megan kay ken na sinabayan pa ng malakas na tawa, kaya hindi ko rin mapigilang mapatawa.

"igaya mo naman ako sayo! mas maganda ako sayo no?"

"saan banda?"

"tumahimik na kayo. nandito na tayo."  awat ko sakanila bago pa sila mag ka initan. alam ko na pure jokes lang naman nila at kahit kailan hindi pa sila dumating sa part na nagkakasakitan sila dahil sa pag aasaran.

umupo kami sa ikatatlong line ng mga upuan. by year level and set up ng gym. at kami naandito sa harapan kung saan monoblock ang nilagay na upuan.

tumingin ako sa stage at nakita ko doon ang secretary ng SSC officer na may hawak ng mic. kasama nya ang president at vice pres ng student council at ang dean ng school.

"good morning everyone." bati saamin ng secretary nga ssc officer.
"mukhang nandito naman na ata ang mga nag gagwapohan at nag gagandahan nating mga studyante" dugtong pa nya.
"pinatawag namin kayo dahil meron kaming importanteng sasabihin sainyo, at alam naming magugustuhan nyo ito." napuno ng masayang bulong bulongan ang buong gym dahil sa huling sinabi ni miss athena ang secretary ng SSC.
"i think kompleto na rin naman na tayo no?" tanong nya saamin.
"lets call our school dean. mrs michelle trinidad."
napuno ng palakpakan ang buong gym dahil sa pag tawag kay mrs trinidad.

"okey everyone, good morning." masayang bati nya saaming lahat. "alam ko na meron pa kayo susunod na klase kaya hindi na namin ito patatagalin pa."
tumingin ako kay megan na nag salita sa tabi ko.

"mukhang exciting to ah."

"true." sagot rin ni kenjie sakanya. "feeling ko party yan." dugtong pa nya.

"feeling ko rin. party lang naman ang kasiyahan nating mga studyante e."
feeling ko rin. ganito rin kasi ang nangyari last year, kaya di rin ako mag tataka kung ball itong sasabihin nila.

"We just want to announce something that I know will make you all happy. i just wanted to say that we will have a masquerade ball held next week. I hope that you all can come for the event that we have prepared for you. you can choose a date if you want." kanya kanyang react ang mga tao sa naging pahayag ni mrs trinidad.
mababakas ang kasiyahan sa mga tinig ng mga nag bubulongan na studyante. pati itong dalawang katabi ko hindi na mapakali sa sobrang excited.
"and one more thing." muling tumahimik ang buong gym "no out sider allowed. hindi ito kagaya last year na pwedeng mag dala ng date from outside. its only limited for the student. so kung may date kayo dapat inside the campus lang. thats for today."
binalik na ni mrs trinidad ang mic kay athena at lumabas na ito ng backstage.

"so, narinig nyo naman ata si mrs. dean. bawal mag dala ng date galing sa labas. last year kasi na allow lang iyon dahil para sa 3rd year and 4rth year lang ang event, and kaya mag accomodate ng mas maraming tao. pero ngayon, para sa lahat ang ball. at kung magdadala pa kayo baka hindi na kayanin pa."
mahabang sabi ni miss athena saamin. marami kasing nag bubulongan na bakit ang unfair daw kasi last year meron.
"i think okey na rin naman na tayo kaya pwede na kayo bumalik sa mga next subject nyo. salamat sa pag punta."
kanya kanyang ng tayo ang mga studyante para lumabas ng gym. pinauna na namin ang mga ibang year level dahil masyado ng siksikan sa pinto.
nang kaonte na lang ang taong lumalabas tumayo na rin kaming mga fourth year.
hindi pa rin natatapos ang bulong bulongan.

"mamaya ah? mall tayo. kailangan ko na mag pasukat ng magandang gown for masquerade ball." rinig kong bulongan ng mga classmates ko.

"sige. pero anong kulay ba gusto nyo?"

"labas rin tayo mamaya max. mag pagawa na tayo habang maaga pa, at habang may oras pa tayo."
agaw sa attention ko ni megan.

"sige. kita kita na lang tayo sa mall mamaya." sagot ko sakanya.

"ano ba yan, lugi na naman ang kagandahan ko."
sabat ni ken saamin. nilingon namin sya at halos mag isang linya na ang kilay nya sa inis kaya di namin maiwasan ni megan ang matawa.
"bakit kasi hindi na lang ako naging babae? edi sana nakaka relate ako sainyo."

"bakit ba?"
tanong ko ng makalabas na kami ng gym at lumiko para pumunta sa classroom namin.

"e kasi nakakainis na naka suit ako no?"

"e ano naman?" si megan.

"paano ako makakakuha ng date nyan? kayo may mga date, ako wala?"

"sino ba kasi may sabi na may date kami? fyi bakla may boyfriend ako sa labas, so since hindi naman pwede mag dala kaya solo flight ako."

"mas lalo naman ako ken. kaya tayong tatlo na lang ang mag date."

"omg.. mga beshy ko talaga kayo. akala ko hahayaan nyo akong mag isa e."

"pwede ba naman yun? at kung magkataon man na may date kami, hindi ka pa rin namin e-leleft out no?"

"tama."
sabat ko naman.

"nakakatouch talaga kayo bakla." umarte pa ito na parang nag pupunas ng luha kaya natawa na naman kami ni megan.

"bilisan na nga natin. ang drama mo ken." natatawa pa ring sabi ko.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon