⛔️⚠️ R-18
AXIA
"tita?" napatingin ako kay luxx. tumingin sya kay perez na may pagtataka sa mukha. "whats happening here? are you okey?" sinamaan ko ng tingin si perez, dahil mukhang may balak talaga ito mag sabi kay luxx.
"ah.. wala luxx, may tinatanong lang si maam."
ngumiti ako ng matamis sakanya. masunurin ka naman pala.
naglakad ako palapit kay luxx."mamaya pakidala yung mga kailangan sa meeting." sabi ko sakanya. hinawakan ko sya sa balikat bago ako nag lakad palabas ng opisina nya. tinignan ko pa ng mapang akit si perez bago ko sinara ang pinto.
••
"anong masasabi mo axia?" inalis ko ang tingin ko kay perez, saka ako tumingin kay arc na nasa tabi ko ngayon. lumapit ito saakin at may binulong
"baka matunaw naman. easy ka lang."
nag kunwaring wala akong narinig. inayos ko ang pagkakaupo ko at nag focus sa meeting
narinig ko ang mahinang tawa ni arcilla pero hindi ko nalang iyon pinansin. kilala ko ang babaeng to, baka mas lalo lang syang mang asar.i cant help it. i cant stop myself to stare at her. iba kasi ang ayos nya ngayon kumpara kaninang pumunta ako sa opisina ni luxx. bumagay sakanya ang suot nya ngayon.
isang sulyap pa ang ginawa ko pero agad rin akong napaiwas ng makita ko na nakatingin din sya saakin.
kinuha ko ang tubig sa harap ko para uminom.ohh gosh.. she's so beautiful..
"ang ganda nya ngayon no?" bulong ni arcilla saakin. tumingin ako sakanya at inirapan sya. "aminin mo na axia. halatang halata ka na, kanina ka pa nakatingin."
"you shut up." nag kunwaring nag zipper ito ng bibig bago tumawa ng mahina.
Isang oras ang lumipas at sa wakas natapos rin ang meeting. nasarado na namin ang project namin kay arcilla at sisimulan na namin ito next month.
"tara kain muna tayo bago ako umuwi." yaya nya saakin. tinignan ko ang orasan ko. its already 6pm. kanina pa nag si uwian ang mga empleyado ng company. marami lang akong tinatapos kaya naandito pa ako. at tutal oras na ng dinner, pag bibigyan ko muna itong kaibigan ko. babalik nalang ako mamaya after ko kumain.
pinatay at binunot ko muna ang mga saksakan at ilaw bago kami lumabas ng opisina.may mangilan ngilan pang empleyado at nasa kanilang cubicle. mostly sakanila mga intern at mga nag oovertime.
sa malapit lang kaming restaurant kumain para hindi mahirap humanap.
"malapit na ang pasukan, ilang linggo nalang."
sabi ni arc bago pinatay ang makina ng sasakyan nya. tinanggal ko ang seatbelt ko.
bumaba na ako.
"matagal ka pang makakabalik sa pagtuturo. two months are so fucking long."
dugtong nya. sinabayan nya ako sa paglalakad papasok ng restaurant."i know. ito kasing si dad e."
umiiling na sagot ko sakanya.
"ano pa nga ba? hahawakan ko nalang muna itong company habang suspended pa ako.""owww..." nag tatakang tumingin ako kay arc. nakatingin ito sa kabilang bahagi ng restaurant.
"kaya naman pala ang ganda. may pinag hahandaan naman pala." dugtong pa nya. nakita ko si luxx at perez sa kabilang side ng restaurant kumakain sila.
naningkit ang mga mata ko sa nakita.
"no wonder" umupo na sya sa mesa habang ako hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalawa na masayang nag uusap "hindi talaga ako nagkakamali sa mga hinala ko. i know from the very start na may something sakanilang dalaw—""cr lang ako." paalam ko. hindi ko na sya hinintay pang mag salita agad na akong nag lakad papunta sa cr, kung saan ko nakitang pumasok si perez.
bago ako pumasok tumingin tingin pa ako sa paligid. at ng masigurado ko na okey naman tuluyan na akong pumasok sinara ko ang lock ng pinto.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅