MAXINE
Dalawang araw na. Dalawang araw na simula nung makausap ko ng maayos si axia. Napapansin ko kasi na palagi syang tulala. Dati naman hindi sya ganito.
Nararamdaman ko na may nangyaring hindi maganda sakanya dahil ngayon lang sya nagkaganito.
Madalas ko sya mahuling umiiyak sa opisina nya. Minsan naman wala sya sa sarili habang nag kaklase.
"Tito may alam po ba kayo kung ano nangyayari kay axia?" Tanong ko sakanya.
"Ilang beses ko na syang tinanong hija, pero wala akong nakukuhang sagot mula sakanya. Iwan ko ba anong nangyayari sa batang iyan at bigla na lang nagkaganyan." Bumagsak ang mga balikat ko sa naging sagot nya.
Parehas kaming napatingin sa pinto na pabalang na bumukas at bumungad saamin si arcilla na hinahabol ang hininga dahil sa pag pagod.
Parehas kaming napatayo ni tito."T-tito.. si axia po."
Agad akong nakaramdam ng kaba pagkarinig ko sa pangalan na binanggit ni arcilla."Si axia? Anong nangyari?" Agad na tanong ko kay arcilla.
"P-pumunta sila tita sa condo ko at pilit na kinuha si axia." Nagtaka ako sa sinabi nya. Ang alam ko nakatira si axia sa mommy nya pero bakit ngayon pilit syang kinukuha?
"Nasa aakin na po kasi nakatira si axia." Ramdam ko ang pag aalangan sakanya pero agad rin syang nag patuloy.
"P-pinagsamantalahan po kasi ni candace si axia nung nakaraan." Agad na namuo ang luha at galet saakin. Napakuyom ako ng kamao sa sobrang galet.
Yun ba ang dahilan kung bakit nagkakaganito si axia?"ANO...." Galet na sigaw ni tito.
"Bakit hindi nyo kaagad sinabi saakin?" Galet na tanong ni tito kay arcilla.
Yumuko si arcilla"Im sorry tito. Nakiusap po kasi si axia na wag kong sasabihin sainyo." Umiiyak na rin si arcilla ngayon.
"P-pero dapat pala sinabi ko po sainyo. N-nagkamali po ako, Im sorry po."
Pinunas ko ang luha ko."Bullshit." Nanggigigil na sabi ni tito bago sya pumunta sa upuan nya para kunin ang bag nya saka nag madaling lumabas ng opisina.
Nagkatinginan kami ni arcilla bago kami nag madaling sumunod kay tito palabas.
"Bat dimo sinabi saakin arcilla?"
Inis na tanong ko sakanya habang nasa elevator kami.
Hindi na namin naabutan si tito kaya kaming dalawa lang ang nasa elevator ngayon."Dapat sasabihin ko na sayo, kaso muli akong kinausap ni axia na wag, kaya nananahimik na lang ako." Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.
Napabuga ako ng hangin bago nagmadaling lumabas ng elevator, umaasa na madadatnan ko pa si tito kaso mukhang nakaalis na ito dahil wala na ang sasakyan nya sa parking.
"Sundan na lang natin."
Sabi nya.Habang nasa sasakyan hindi ko pa rin maitago ang galet ko kay candace at sa mommy ni axia.
Hindi ako makapaniwala na nagagawa nya ito sa sarili nyang anak. Anong klaseng ina sya at ganito na lang nya itrato si axia?Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang pag trato nya kay axia. Hindi gawain ng isang ina na pahirapan ang sarili nyang anak.
Pinunas ko ang luha ko na namumuo na naman sa mga mata ko. Nakakainis wala man lang akong nagawa para maipagtanggol si axia. Sana naging matapang na lang ako nung nagkausap kami tungkol sa totoong nararamdaman nya.
Sana pinaglaban ko na sya, hindi na sana nangyari pa to sakanya."Eveything will be okey." Naramdaman ko ang pag haplos ni arcilla sa braso ko kaya lumingon ako sakanya.
"Im sure may gagawin si tito alfred this time para makuha si axia sa mommy nya."
Pagpapagaan nya sa loob ko. Tumango ako sakanya bago ako huminga ng malalim. Walang mangyayari kung iiyak lang ako dito. Ilang minuto pa ang lumipas at nandito na nga kami sa parking ng bahay ng mommy ni axia.

BINABASA MO ANG
REJECT the REJECTION
RomanceProfessorxstudent ✅ Filipino✅ Angst ✅ Complete chapter✅