Part 46

4K 104 6
                                    

Triggered Warning⚠️: this chapter contains scene that may be alarming, disturbing, and traumatic. Please be advised.

MAXINE:

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ko sakanya. Tumingin ako sa mga kamay nya na gumalaw. Hawak ko kasi ang mga kamay nya kaya naramdaman ko na gumalaw ang isang daliri nito.

Nakikita ko na gustong gusto nyang magsalita pero hindi nya magawa dahil hindi pa sya magaling. Meron pa rin syang tube. At sabi ng doctor hindi pa iyong pwedeng tanggalin dahil hindi pa magaling si axia.
Hindi pa normal ang takbo ng katawan nya.

Critical pa rin daw ang condition nya kahit nag mulat na sya ng mata wala pa rin kasiguraduhan kung magiging okey talaga sya.
Nakakapang hina ng loob pero may tiwala ako na lalaban si axia.

Lalaban sya para sa sarili nya at para saaming dalawa.
Dinikit ko ang noo ko sa noo nya at pinakiramdam sya.

"Lalaban ka naman diba?" Pilit akong ngumiti.
"Lumaban ka axia, please." Pakiusap ko sakanya.
"Kahit yun na lang ang regalo mo sa birthday ko."
Wala na akong ibang hihilingin pa kun'di ang tuluyang pag galing nya. Hindi ko kayang mawala saakin si axia. Hindi ko kakayanin.
Ngayon pa nga lang na nakikita ko syang ganito para ng dinudurog ang puso ko yung mawala pa kaya sya.

"Maxine, kailangan na nating bumalik sa kwarto mo. Kailangan mo ng matignan ng doctor."
Tumingin ako kay tita na kakapasok pa lang.

"Paano si axia?"

"Ang tito mo na muna mag babantay kay axia." Sabi nya. Maya kaya pa pumasok na rin si tito
Nilingon ko si axia at hinalikan ko sya sa noo
"Alis muna ako." Sabi ko sakanya. Ilang minuto ko syang tinitigan muli ko syang hinalikan sa noo bago ako bumalik sa wheel chair ko.
Tinulak na ako ni tita palabas. bago nya isara ang pinto nilingon ko muna si axia. Hindi ko alam pero parang ang bigat sa pakiramdam ang pag labas ko sa kwarto nya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pinilig ko na lang ang ulo ko.

"Medyo umookey na ang kalagayan mo hija." Sabi ng doctor saakin. Sana si axia din. Walang silbi ang pag galing ko kung si axia nahihirapan pa rin hanggang ngayon. tapos wala man lang akong magawa to make her feel better.
"Balik ulit ako mamaya." Sabi nya bago sya lumabas.
Nilingon ko si tita.

"Punta tayo kay axia tita." Sabi ko sakanya. Tumango sya saakin bago ulit ako tinulungan umupo sa wheel chair.

Pag dating namin sa kwarto ni axia kinabahan ako dahil may doctor kaming nadatnan sa loob.

"Anong nangyari?" Tanong ni tita kay tito.

"Pumikit kasi ulit si axia, kaya pinatignan ko." May pag aalala na sabi nya.

"Call doctor sebrano." Napatingin ako sa doctor na nag aasist kay axia. Nagkakagulo na sila. Tinignan ko si axia. halos maging blurred na ang paningin ko dahil sa luha na mabilis namuo sa mga mata ko. Gumagalaw ang katawan nya na parang nanginginig. Mabilis na tumakbo ang isang nurse palabas at isang nurse naman lumapit saamin.

"Doc what happen to my daughter?" Kinakabahang tanong ni tito alfred sa doctor.

"She had a seizures. her heart's stop beating." Mabilis na sagot ng doctor. At dahil doon mabilis na lumapit si tito kay axia pero agad syang hinarang ng nurse.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong nanghina sa narinig kong sinabi ng doctor kay tito. Sunod sunod na umagos ang luha ko habang nakatingin kay axia.

"Sir kailangan nyo po munang lumabas, asap."
Malakas na sabi ng nurse na humarang sakanya.

May tatlo pang nurse ang dumating at pilit kaming pinalabas ng ICU. Halos namamanhid na ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyayari.

Tumingin ako kay axia, na wala paring tigil sa panginginig nya.

Lumaban ka axia. Alam ko na lalaban ka.

"Oh my god." Mahinang nausal ko pagkalabas namin.

"D-doc iligtas nyo po ang anak ko, P-parang awa nyo na." Pakiusap ni tito sa isa pang doctor na nagmamadaling naglalakad papasok sa kwarto.

"We will do everything sir."
Yun lang ang nasabi ng doctor bago sya tuluyang pumasok ng kwarto.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at mag dasal na sana maging okey si axia. Halos natawag ko na lahat ng santo.

Parang namamanhid na ang buong katawan ko dahil sa iba ibang emosyon na nararamdaman ko sa araw araw, simula nung magising ako.

Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari. pero bakit ito ang nangyayari saamin ni axia? Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kami ni axia pero bakit ganito.

Hindi ganito please.

Akala ko magiging okey na ang lahat simula nung makalaya sya sa mama nya at kay candace, pero hindi, dahil mas lalong humirap pa ang kalagayan nya.

Bakit ang hirap maging masaya?

Pinunas ko ang luha ko bago tumingin sa doctor na kakalabas lang ng room. Halos mag iisang oras sila sa loob.

Tinulak ni tita ang wheel chair ko palapit sa doctor.

"Doc, kamusta ang anak ko?" Naiiyak at nanghihina na tanong ni tito.

"Tatapatin ko na kayo mister." Tinignan nya muna kami isat isa bago nya binalik ang tingin nya kay tito. "She's c-clinically brain dead."

Tuluyan ng nanghina ang katawan ko dahil sa narinig kong sinabi ng doctor. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Napakuyom rin ako para pigilan ang emosyon ko.

Wala akong ibang marinig kung hindi ang buong katahimikan. Kahit sila tita at tito walang masabi sa masamang balita ng doctor.

Parang gusto kong dakutin ang puso ko para tuluyan ng mawala ang pamamanhid at masamang pakiramdam ko. Feeling ko anytime cocolapse ang katawan ko.

"She's on an artificial life support machine. Yun na lang ang nagpapatakbo ng buhay nya." Dugtong ng doctor na mas lalo pa atang nakadagdag sa sakit na nararamdaman ng buong katawan ko.
"Generally 30% na lang ang chance na makakasurvive pa sya. Sa lagay ni miss archeles ngayon, napakaliit na lang ng chance nya to survive." Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ng doctor dahil sa pamamanhid ng buong katawan ko. Pati utak at puso ko namamanhid na rin.
"Excuse me." Pagkaalis ng doctor doon ko na narinig ang hagulgol ni tito. Pati ako doon ko na rin nalabas ng tuluyan ang emosyon ko. Yung pamamanhid ng katawan ko kanina bigla na lang napalitan ng matinding emosyon.

Mula sa hindi kalayuan, nakita ko si candace, mommy ni axia, at si arcilla na tulala rin at mukhang narinig rin nila ang sinabi ng doctor saamin.

Ang sakit sakit. Pagod na pagod na ako.

Parang gusto kong tumayo at tumakbo at mag sisisigaw. Alam ng diyos kung gaano ko kagustong isigaw ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman ko. Kahit gaano ko kagustong utoin ang sarili ko na kakayanin ni axia at mabubuhay sya pero kinukontra naman ito ng isip ko.

Sa narinig ko mula sa bibig ng doctor nawawalan na ako ng pag asa.


•••••

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon