Finale

9.7K 214 150
                                        

                
MAXINE:

Bago ako pumunta sa hospital para sa kasal namin ni axia, dumaan muna ako sa simbahan. Its already 11:30 in the evening kaya wala ng katao tao.
Saktong pag pasok ng araw ng birthday ko ang kasal namin.

Pagkakita ko pa lang sa altar agad na nag bagsakan ang luha ko. Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko hanggang sa makarating ako sa harapan ng altar.
Hinawakan ko ang krus saka ako lumuhod.

"A-alam mo ba na simula nung nagising ako ay wala na akong ibang ginawa kundi humiling na pagalingin mo si axia? Mahirap bang ibigay yun?" Tanong ko sakanya. Pinunas ko ang luha ko.
Dinakot ko ang dibdib ko saka ako pumikit at yumuko.

"P-pero sino nga ba naman ako diba? Wala akong kaparatan na maging masaya." Umiiyak na sabi ko.

"I-ilang oras na lang birthday ko na. Pero imbis na maging masaya nandito ako lugmok na lugmok dahil yung taong dahilan ng kasiyahan ko ay bumibigay na."

Ang sakit sakit. Hindi ko maisip na darating ako sa sitwasyon na ganito ka lugmok
"A-ayaw ko man syang pakawalan pero anong magagawa ko? W-wala akong control sakanya. wala rin akong control sainyo." Tumingala ako.
"A-ang sakit sakit" mahinang usal ko.
"Mahal na mahal ko si axia. wala na akong ibang hiniling kung hindi ang maging masaya kasama sya pero tila ayaw makisama saamin ng tadhana."
Marahas kong pinunas ang luha ko.
Yung araw na kapanganakan ko, ay ang araw na ikakasal ako at ang araw rin kung kailan ko napiling tuluyang pakawalan si axia.

What a cruel world.
Ang sama sama saakin ng panahon.

Hindi ito yung buhay na pinangarap ko pero ito ang ibinigay saakin ng panahon. Wala ba akong karapatan maging masaya? Bakit palagi na lang nawawala ang mga taong mga mahal ko sa buhay?

Ayaw ko man syang bitawan pero deserved naman nyang maging tahimik.

Tumingala ako.

Lumipas pa ang mahabang minuto bago ko naisipang tumayo mula sa pagkakaluhod ko sa aisle.
Para akong tanga na tahimik na umiiyak habang papalapit sa sasakyan ni arcilla. Sya kasi ang nag drive saakin ngayon.

Nagpapasalamat ako na hindi nya ako iniwan simula nung una pa.

Pag pasok ko sa passenger seat pinunas ko ang luha ko bago ako tumingin sa harapan.
Tinapik ako ni arcilla sa balikat kaya tumingin ako sakanya. Kahit sya halatang halata na galing sya sa iyak. Namumugto rin kasi ang mata nya.
Pilit akong ngumiti sakanya bago tumango.

Sinimulan na rin nyang paandarin ang sasakyan.

Pag dating namin sa harapan ng kwarto ni axia. Pinauna ko ng pumasok si arcilla dahil muli ko na namang naramdaman ang panghihina ng loob ko.

Akala ko ready na ako, pero hindi pa rin pala.

Sumandal ako sa dingding bago ako tumingala at bumuga ng hangin.

"Give me more strength please." Mahinang usal ko.
After ng ilang minuto nararamdaman ko na medyo umokey na ako kaya onte onte ko ng pinihit ang siradura.

Bumungad saakin ang mga taong malalapit saamin ni axia. Lahat sila mugto ang mata at katulad ko pinipilit lang na maging matatag.

Lumapit saakin sila tita at tito at niyakap ako ng napakahigpit.

"Tatagan mo lang ang loob mo, max. Matatapos rin ang lahat ng ito." Sabi ni tito saakin. Pinunas nya ang luha ko. Ngumiti sya saakin bago ako tinapik sa braso.

"Kaya mo yan ha?" Sabi saakin ni tita.

Sana nga kayanin ko tita.
Pilit akong ngumiti sakanya at tumango. Hinalikan nya ako sa noo.

REJECT the REJECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon