MAXINE
Tenext ko sila megan at ken na hindi na ako kakakasunod. Pinahanap ko rin sakanila si jacobo sa canteen para sabihing hindi na ako makakasabay pang kumain sakanila. Nag sinungaling ako na may pinapagawa saakin si maam kaya hindi ako makakakain kasama sila.
Pagkabalik ko ng cellphone sa bag humarap na ako kay maam na ngayon ay nag hihintay saakin sa mesa.
"Come here, lets eat." Sabi nya. Nag lakad na ako palapit sa kaharap na upuan.
"Kaya ko na po." Pigil ko ng akmang nyang lalagyan ang pinggan ko ng pagkain. Walang nagawang binigay nya saakin ang sandok.
Tahimik lang kaming kumain. Ang tanging maririnig lang ay tanging kalansing ng mga pinggan naming dalawa.
"Paano kayo nag kakilala ni mister clemente?" Tumingin ako sakanya. Nakatingin sya saakin gamit ang seryoso nyang expression. Nag iwas ako ng tingin bago sumagot.
"Nung ball lang. Yun lang ang panahon na nagkaroon kami interaction." Tumango sya saka uminom ng tubig. Ang hinhin ng galaw nya.
"Stay away from him, If you dont want to be part of his girls collection." Napaangat ang kilay ko sa sinabi nya. Kilala nya ba si jacobo para mag salita sya ng ganyan?
Sa tagal kong nag aaral dito wala pa ako nabalitaan na masamang balita kay jacobo about girls. At hindi sila tatagal nung dating gf nya kung manloloko sya.
"Wala syang bad reputation dito."
Pag tatanggol ko kay jacobo mula sakanya.
Napa ismid sya kaya mas lalong napakunot ang noo ko."I knew him from the start. Hes a family friend and business partner, I mean, yung family nya." Pagtataka nya.
"Magaling lang syang mag paikot at mag tago kaya walang masamang balitang lumalabas sakanya dito.""Parang ikaw?" Sarcastic na tanong ko sakanya na ikinakunot ng noo nya.
"Parehas ba kayo?" Tanong ko ulit pero tinignan nya lang ako ng masama pero hindi ako nag patalo."What are you talking about?" Tanong nya.
"We're talking about clemente here maxine. Im just giving you a piece of advice.""Totoo naman ang sinasabi ko maam."
Madiing sabi ko.
"Kaya alam mo ang mga ganoong galawan nya kasi gawain mo din.""Oh come on maxine. Magkaiba kami ni clemente."
Medyo iritang sabi nya. "And please do not compare me to that guy, were too far different.""Okey?" Sabi ko saka sinubo ang natitirang pagkain sa kutsara ko.
"Makinig ka naman kasi saakin. Lumayo ka sakanya dahil paglalaruan ka lang nya."
Sabi nya na muli kong ikinalingot sakanya. Uminom muna ako ng tubig bago ko sya tinignan ulit.
"O baka naman gusto mo rin kasing makipag laro sakanya."
Agad na napatiim bagang ako sa sa sinabi nya."Alam ko kung ano ang ginagawa ko."
Seryosong sabi ko.
"And please lang wala akong balak pumasok sa buhay nya. At kung meron man, ano naman sayo?"
Hindi sya nakaimik sa sinabi ko kaya natawa ako ng pagak.
"See?"
Tanong ko sakanya.
"Hindi ka makaimik kasi ganun rin naman ang tingin mo saakin. Laruan lang din ako sa paningin mo."
Parang tinusok ang dibdib ko ng hindi sya umimik. Ibig sabihin lang nun, Totoo ang sinasabi ko. Laruan lang talaga ako sa buhay nya.Bago pa ako maiyak ay tumayo na ako para umalis.
Pag labas ko ng pinto natigil ako sandali ng makita ko si maam marucci papalapit. Nakatingin ito sa dinadaanan nya kaya hindi pa nya ako napapansin.
Pinaseryoso ko ang mukha ko ng umangat ito ng tingin at agad na napakunot ang noo pagkakita saakin.
Tumingin ito sa pinto na nilabasan ko at agad na rumehestro ang kakaibang aura nya ng makita nya kung saan ako galing.
