" pangarap "
I don't have any real friends in real life. Lahat ng mga taong nakikipag-close sa'kin o kahit na 'yung mga kilalang barkada ng pamilya ko, hindi ko talaga mga totoong kaibigan.
Alam ko naman ang dahilan bakit sila lumalapit at maganda ang pakikitungo sa'kin.
It's my money that they want.
Hindi ko alam na buong buhay ko..inakala ko na okay lang 'yun.
Na lahat kayang tapatan ng pera.
Mga kaibigan..materyal na bagay at higit sa lahat..minamahal.
Pero mali ako. Kahit gaano ka raming pera mayroon ako, hindi ko pa'rin pala makukuha ang isang taong pinakagusto kong maging akin sa buhay na ito.
I made that as my comfort zone, the fact that I was used on people being with me because I know my money could afford to have them.
Pero simula nang makilala ko si Sevi.. I never been so desperate in my life.
There was this thirst before that I only recognize once I saw him.
Gusto kong mahalin ng taong gusto kong mahalin ako ng totoo. I want that to be him.
Siya 'yung taong gusto ko talagang mapasa'akin kahit ano pa ang mangyari.
Pero bakit ba kay ilap ng pagkakataong 'yun?
Growing up, I was really shy on people. Mukha lang akong may confidence dahil sa pera ko.
Pero kung wala 'yun..walang Harriet Santibañez na kilala bilang perfect na babae na nakukuha agad ang mga gusto sa buhay.
Ngayong isinuong ko ang sarili sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung tama ba, hindi ko na alam ngayon ang gagawin.
" Harriet.. malungkot ka yata?" Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang mapalingon sa dumating.
Nakita ko si kuya Pabby na masayang lumapit sa'kin. Pero nang makita niya ang reaksyon ko ay bigla nalang 'yun napawi.
Nagtaka siya at nabahala nang makita akong malungkot dito.
For sure halata 'rin niya na galing ako sa mahabang pag-iyak dahil sa pamumugto ng mga mata.
" Bakit? May nangyari na naman ba? Inaway ka na naman ba ni Sevi?" Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap.
" Na'san si Sevi?"
Hindi ako sumagot. Basta ilang araw ko ng napapansin na palagi siyang wala sa bahay. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Kung umalis siya hindi naman nagpapaalam sa'kin. At kapag dumating naman hindi niya ako kinakausap.
" H-hindi ko alam." Napayuko ako.
Namalayan kong tumabi siya sa'kin.
" Here.." Napalingon ako sa kanya. May inabot siya sa'king isang supot.
" Ano 'to?" Nang buksan ko 'to ay nanlaki bigla sa tuwa ang mga mata ko.
" Shiopao..paborito mo 'yan, di ba?"
Napawi nalang bigla 'yung lungkot ko nang makita ang dala niyang shiopao.
Kuya Pabby is always like this to me.
He always protects and cares for me.
Kumpara kay kuya Dakila, mas mukha pa siyang kuya kung ituring ako.
" Maraming salamat kuya!!" Sa tuwa ay hindi ko napigilan ang sarili na mapayakap sa kanya.
Pero ilang sandali pa ay pareho kaming nagulat nang biglang humagalpak ang pintuan sa sala.
Mabilis kaming napaghiwalay nang sa hindi inaasahan, nakita namin si Sevi. Busangot ang mukha.
" Anong ginagawa mo 'rito Pablito?"
Napangiti si kuya Pabby kay Sevi.
" Hey..galit ka pa'rin sa'min Sevi?" Umirap si Sevi sa kanya at inis akong sinulyapan.
" Hoy babae..di ba sabi ko sa'yo maglaba ka ng mga damit! Bakit andyan ka lang sa sala, nakatunganga?!"
Nagulat kami ni kuya Pabby nang marinig 'yun kay Sevi.
Nahihiya akong hindi makatingin kay kuya Pabby. Baka akalain niyang inaalila ako ni Sevi 'rito.
Which is partially true naman.
" Hoy Sevirino..anong ginagawa mo sa asawa mo? Maayos mo ba siyang pinakakikitunguhan, ha?"
Inis lang na lumapit si Sevi sa'min saka marahas akong hinablot sa kamay.
" Wala ka na 'run!! Saka pwede bang umalis ka na!!! Alam mo..simula 'nung traydurin niyo ako..parang nakalimutan ko na 'ring may mga kaibigan pa ako!"
Nagulat kami ni kuya Pabby sa narinig sa kanya.
Hindi ko na nakita pa ang reaksyon ni kuya Pabby dahil kinaladkad na ako ni Sevi papuntang laundry area nila.
Pagkarating ay malakas niya akong tinulak doon sa nakatambak niyang labahin.
" Ano ba!! Di ba sabi ko sa'yo labhan mo 'yang mga damit ko? Bakit hindi mo pa sinisimulan hanggang ngayon?"
Napayuko ako.
" H-hindi ako marunong." Nahihiya akong sumulyap sa kanya.
Frustrated siyang huminga ng malalim.
" Oo nga pala..senyorita ka pala sa inyo. Nakalimutan ko."
Sa huli ay siya nalang ang naglaba ng mga damit niya at pinatulong nalang ako sa pagbanlaw.
Simula nang tumira ako sa kanila, sobrang dami na ng mga gawaing bahay 'yung pinagawa niya sa'kin. May ibang kaya ko namang gawin, pero halos karamihan din ay hindi ko kaya.
Matiyaga naman niya akong tinuturuan. Gustuhin ko sanang e-appreciate 'yun kaya lang..
" Ayan..dapat matuto ka ng mga gawaing bahay. Since gusto mo talagang maging bahagi ng buhay ko..magtiis ka. Sorry..katulong lang 'yung kailangan ko sa buhay eh. Hindi asawa."
Napamaang lang ako nang marinig 'yun sa kanya.
Pero alam ko naman kung bakit niya ginagawa ito.
Gusto niyang ako ang kusang sumuko sa kahibangan kong ito.
Pinapahirapan niya ako dahil umaasa siyang magbabago pa ang isip ko.
Pero nagkakamali siya.
Wala ng atrasan sa pinili kong desisyon.
Nakakahiya mang aminin..pero pangarap ko 'to.
Pangarap kong makasama siya..sa hirap man at ginhawa.
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomanceHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...