" Broken Vow "
Napapahid ako sa bibig mula sa matinding pagsusuka. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko.
Maybe from all the stress that I've been through these past weeks.
Napatingin ako sa sarili mula sa repleksyon ng salamin.
Napahawak ako sa mukha.
Gosh.. I look so haggard na.
Ang laki na ng eyebags ko. Halata mula sa ilang linggo na walang matinong tulog.
Damn.. kung bakit ba kasi dumaan pa ako sa main door namin. Sana nakipaglambitin nalang din ako kasama ni Sevi 'run sa bintana. Di sana wala ako sa sitwasyong ito.
Haysst.
This is draining me already. Each day pass that I never get to see Sevi, seems like a slow torture to me.
Ilang ulit na ako nagmakaawa sa papa na pakawalan na ako pero ang tigas talaga ng ulo niya! Pinush pa talaga yung engagement!
Hindi ba niya nakikita na kasal na ako?! Siya yung nagpakasal sa'kin kay Sevi tapos ano 'to ngayon? Di porke't wala ng pera yung pamilya ni Sevi at wala ng pakinabang ito sa career niya ay magiging ganito na agad yung desisyon niya.
Siya ba may hawak ng buhay ko? Dahil siya nalang palagi yung nagdedesisyon kung sino ang pakakasalan ko!
Aburido akong lumabas ng banyo.
Mukhang memorize ko na bawat sulok ng kwartong 'to. Hindi ako makalabas. Maging yung keypad na CP na pinakatago-tago ko para makontak si Sevi..nahuli pa ng papa kaya ayun kinumpeska.
I asked mom for help, pero katulad ng papa ay nahawa na'rin siya sa desisyon nito.
She also believe that Sevi is not good for me.
Lalo sa sitwasyon ni Sevi ngayon na may nakaambang kaso, hirap makahanap ng matinong trabaho tapos sobrang baon pa sa mga utang.. talagang imposeble raw na kayanin ko ang magiging buhay sa kanya.
We will be as dead poor if we continue this impossible relationship.
Magpakapraktikal na raw ako. Kahit gaano pa raw namin kamahal ang isa't isa, gigisingin pa'rin daw kami ng realidad.
Ang hirap maging mahirap sa sitwasyon namin ngayon.
Pero kaya ko. Kakayanin ko. Wala akong pakialam kung maghirap kaming dalawa. Basta't magkasama lang kami. Kakayanin ko talaga.
Mahal na mahal ko siya. Sobrang mahal na kapag hindi ko pa siya nakita ngayon, tingin ko mamamatay yata ako sa sobrang lungkot.
Medyo nahilo ako kaya mabilis akong lumapit dun sa medicine kit.
Anemic na naman yata ako. Kaya ayun nag take ako ng vitamins with iron.
Ang putla-putla ko na.
Marami na'rin akong mga pantal sa katawan na parang pasa.
Napahinga ako ng malalim saka nahiga muli sa kama. Dahil nakakulong sa kwarto at hinahatdan lang ng pagkain, hindi ko na tuloy alam kung umaga na ba o gabi. Pati yung mga bintana kasi ay nakalock. Hindi ko mabuksan o masilip man lang ang labas.
It was sealed so good nang sa ganun kapag may magkakamaling umakyat para pumasok sa kwartong ito ay hindi talaga makakapasok. Nakaabang na'rin sa baba yung mga tauhan ng papa in case Sevi will attempt again to climb here.
That is why I firmly warned him to never be stupid on going here.
Malungkot akong napatingin sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
Любовные романыHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...