" kunwari"
4 years after. . .
" Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Hindi maaari!!! Hindi pwede!!!
Noooooo!!!!!!!!!
" Sevi anak.. bakit ba ang ingay mo 'riyan sa banyo?"
Umiiyak akong napalingon kay inay na kakapasok lang.
Parang batang nagpapanic akong lumapit sa kanya.
" Naaaayy. Tulungan mo ako. Ilayo mo ako 'rito nay. Parang awa mo na!!!"
Napahagulhol akong lumuhod at yumakap sa kanyang bewang.
" Sevirino!! Ano ba! Tumayo ka nga 'riyan!! Male-late na tayo niyan sa simbahan eh!!"
Parang gusto kong magwala nang marinig ko 'yun sa kanya.
" Nay...ayoko!! Ayoko talaga!! Baliw na ang babaeng 'yun!!! Hindi totoong buntis siya at ako ang ama!! Naaayy..hindi ko kayang pumatos ng babae!!! Noon pa man..ikaw mismo alam na hindi ko magagawa 'yun!!"
Pero imbes na maniwala sa'kin ay sobrang lakas niya lang kinalas ang mga braso kong nakapulupot sa kanyang bewang.
" Wala na tayong magagawa Sevi. Ano? Kakalabanin mo talaga ang mga Santibañez?"
Napailing ako. Hindi pa'rin makapaniwala na nangyayari 'to sa'kin.
" Kung buntis man ang babaeng 'yun! I'm sure hindi ako ang ama! As in..never ko talagang naremember na may nangyari sa'min!! Like over my dead and sexy body!! Ano siya? Heler?!"
Inis lang akong tinayo ni inay pero hindi ko ginawa. Ayoko talaga. Patayin nalang nila ako. Hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yun!!!
Bruha siya!! Sumpa talaga sa buhay ko ang Harriet Santibañez na 'yan!!
Di porke't papa niya ang pinakamakapangyarihan sa bayang ito ay may karapatan na siyang gawin ito sa'kin?!
Grabe talaga ang mundo!!! Sobrang mapang-api!!!
" Sevi..ke ikaw man ang ama o hindi ng dinadala niya. Hindi ba, hindi na 'yun ang importante? Isipin mo nalang na malaking opurtunidad 'to ng tatay mong makapasok sa partido ng mga Santibañez. Ayaw mo bang maging mayor siya balang araw ng bayang ito?
Mas lalo lang yata ako naiyak sa sinabi niya.
Alam ko naman kahit noong una palang kung bakit wala lang silang ginawa sa gustong mangyari ng pamilya ng bruhang babaeng 'yun.
Pabor ang mangyayari sa'kin para sa kanila!
Like..ano ba nila ako? Hindi ba nila ako anak? Bakit mas iisipin pa nila 'yun kesa ang kapakanan ko sa piling ng babaeng 'yun!?
" Tumayo ka na diyan Sevirino. Wag mong ipapahiya ang itay mo!! Alam mo namang sa ganitong paraan ka lang makakabawi sa kanya."
Bago siya umalis ng banyo ay binalaan pa niya akong huwag tatangkaing tumakas kung ayaw ko 'raw matakwil at atakihin sa puso si itay.
Huwag ko 'raw sila ipahiya.
Sa huli wala akong choice kundi ang pumunta sa simbahan at magpakasal sa bruhang 'yun.
Habang naghihintay sa kanya sa altar ay hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin ng masama sa mga taong andirito.
Ang mga kabarkada ko ay parang mga temang lang na sobrang supportive sa nangyayari.
Inirapan ko sila lalo na si Tiburcio.
Walang hiya kayo. Imbes na tulungan akong makatakas kagabi pero ang ending..kinulong niyo ako sa kwarto ng hotel na 'yun!!
Di porke't kapatid ni Daki ang babaeng 'yun ay siya na ang kakampihan nila!
Napaka-traydor nila talaga!
Grabe..parang pinagsakluban ako ng buong mundo.
It's me against the world talaga ang peg ng buhay ko ngayon.
Sa hinaba-haba man ng paghihintay ko ay dumating din siya.
Grabe..sarap burahin ng babaeng ito sa mundo. Sa nakakainis na mga ngiti niya palang parang tatangkain ko na siyang sakalin ngayon!
Pero syempre..it's me against the world nga di ba?
Kaya ayun..tagumpay kaming naikasal.
Tulala lamang ako buong seremonya. Parang robot na panay tango at pekeng ngumiti lang sa lahat.
Para akong patay na buhay sa reception.
Kung ano-anong masamang ideya ang pumasok sa isip ko buong program.
" Sevi.. I'm so happy that finally..you are mine."
Walang emosyon akong napalingon sa kanya.
Tsk. Talaga lang ha?
Eh kung gilitan kaya kita sa leeg nitong cake knife? Masabi mo pa kaya 'yan?
Inirapan ko siya.
" Sevi.. aren't you happy that finally we're married and soon magkakaanak na—
" Tigilan mo ako, Harriet. Hindi ka buntis at papatunayan ko 'yun sa mga magulang natin. Kung buntis ka man, I'm sure hindi ako ang ama. Baliw ka na. Paano mo nakakayang sikmurain 'to, ha? Kaya mo talagang sirain buhay ko para lang diyan sa kahibangan mo!"
Napalingon siya sa paligid. Mabuti at walang nakapansin sa'min. Abala kasi ang lahat sa pakikipag-usap. May ibang tapos ng kumain at nagsasayawan na sa dancefloor.
Sobrang engrande ng kasal. Tsk. Syempre pamilya niya gumastos eh.
Hindi ko talaga magets trip ng pamilyang 'yan. Tama si Daki..walang kasing sama ang mga Santibañez, lalong lalo na ang Don Lucio na 'yan!!
Noon pa man, sobrang off na talaga ng pakiramdam ko sa pamilyang 'yan.
Knowing what happen to Nika and Daki. Tsk.
Nakita kong parang naluluha lang 'tong bruhang katabi ko.
Inis naman akong napasulyap sa kanya.
" Don't cry here. Baka sabihing pinaiyak pa kita. Hoy babae..kahit nakuha mo na ngayon ang gusto..pero kailanman hinding hindi mangyayaring mamahalin kita. Bakla ako. Anong pumasok diyan sa kukute mo, ha? Na magbabago pa ako? Tsk. In your dreams."
Napakagat siya sa labi. And of course in her usual pa-victim face. .kunwari bait-baitan pero bruha pala! Kunwari mahinhin pero napakalandi ng hinayupak!! Kunwari..hayst!! Lahat ng mga kunwari!! Yun siya!!
Dahil siya ay isang babaeng mapagkunwari!!!
Hindi ko talaga akalain na magagawa niya sa'kin 'to!
Pero siguro huli na ang lahat para magsisi ako. Akala ko hanggang paghabol at pangungulit lang ang kaya niyang gawin sa'kin. Pero hindi ko akalain na aabot siya sa ganitong punto.
Sobrang desperada niya talaga.
" Ngayong kasal at magkakaanak na tayo..hindi mo ba talaga kayang mahalin ako?" Haynako..nagpaawa effect na naman ang bruha.
Kung inaakala niyang madadala niya ako 'riyan! Pwes! Mali siya!
Hinding hindi ako mabibiktima!
Noon pa man alam kong ang sama talaga ng ugali niya!!
" Over my dead and sexy body,.never!!!"
Umirap ako at inis na tumayo.
Iniwan ko siya sa reception.
Bahala siya. Total tapos na naman ang kasal. Nakuha na nilang lahat ang gusto.
Siguro hindi naman ganun ka dehado kung magdesisyon akong iwan siya mismo 'rito.
Bahala siya. Umuwi siyang mag-isa niya!!!
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomansHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...