22: Sevirino Elliot Dimagiba

437 18 6
                                    

" fishing "

Pasalampak kong binaba ang mga dalang kakailanganin namin sa camping tonight.

Nasa kabilang parte kami ng bundok na 'to. Yung lugar kung saan kami naligaw ni Harriet.

Nakausap ni Bridgette may-ari nito at nagpaalam na mangingisda kami sa kanilang ilog.

Since birthday niya at ayaw naman niyang magardong e-celebrate ito as what auntie wanted it to happen. Mas gusto niyang mangisda nalang sa ilog at mag-camping kasama kami.

Ako, yung asawa ko at ang tatlo kong barkada.

Okay naman kay auntie na hindi siya makakasama. Masyado na 'raw siyang matanda para sa ganitong activity. Natuwa lang ito dahil at least may makakasama si Bridgette sa kanyang kaarawan na mga kaedad niya.

Akala ko ganun ka aloof na tao 'tong si Bridgette at wala na talagang mga kaibigan. Pero medyo close pala sila nung may-ari nitong lupa na isang bachelor. May resthouse ito sa pinakadulo. Natitirhan lamang ito kapag minsan nagbabakasyon yung may-ari.

Dating farm ang kinalalagakan ng kanyang rest house. That explains the burn barn house that Harriet and I stayed last time.

Hindi ko alam kung bakit hindi natuloy ang farm na 'yun. Siguro hindi pa talaga magawang asikasuhin ng may-ari yung lupa niya kaya kahit may potential itong gawin para sa isang magandang negosyo, ngunit hindi na natutukan.

Baka in the future may plano na ang may-ari na e-pursue yung farming. Knowing what auntie's resort now is earning. I'm sure the owner of this land will also venture for some businesses in the future.

Natigilan ako sa pinag-iisip.

Masyado akong invested sa lupang ito at hindi na inalintana ang nangyayari ngayon.

Busangot ang mukha kong napatingin kina Harriet at Pabby.

Kasalukuyan silang nagtatayo ng tent. Gusto ko sana tumulong kay Harriet pero ewan ko ba sa kanya, ayaw niya akong patulungin. Kami namang dalawa diyan ang matutulog mamaya.

Pero kanina as I tried to help her, wala talaga akong silbi.

Muntik pa ngang masira yung tent dahil ewan ko ba, mukhang ang dali lang nito itayo sa manual pero nang ginagawa ko na. Ang hirap pala.

Kaya tinulungan ko nalang sina Thirdy at Tibs sa pagbubuhat ng mga gamit galing sa 4x4 naming sasakyan.

Mabuti pa sa lupaing ito kayang makapasok ng mga malalaking sasakyan. Di tulad dun sa resort na motor lang talaga ang paraan para makababa ka sa bayan.

Nagpapatugtog si Thirdy habang sumasayaw na sinimulan na'ring itayo ang tent nilang dalawa ni Tibs.

Nakita ko si Bridgette na abala sa pag-set up ng mga gamit sa pangingisda.

Lumapit ako sa kanya. Tinulungan ko siya dahil kung hindi, wala kami uulamin mamaya.

Hindi siya nagbaon ng ibang mga pagkain. She wanted us to just eat fish. Dahil birthday niya, pinagbigyan nalang namin.

Pero nakita ko si Tibs kanina na nagbaon ng kung ano galing sa kitchen ng resort. I'm hoping sana may liempo siyang napuslit sa freezer.

Hindi ko alam bakit ang weird ng paraan ng pacecelebrate ni Bridgette sa birthday niya ngayon.

" Siguraduhin mo lang may mahuli tayong isda rito babae ka. Nako..ang haba ng binyahe natin, ayokong magutom lang dito."

Ngumiti lang si Bridgette at printeng umupo sa kanyang camping chair.

Inayos niya ng konti ang suot na bucket hat na kulay biege. She's wearing a very comfortable white shirt in a black cardigan pants paired with a mountain boats.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon