16: Harriet Denise Santibañez

329 22 10
                                    

" Leaving "

Kinabukasan wala akong energy na magparticipate sa mga games.

Parang gusto ko na tuloy umuwi nalang at huwag ng hintayin si kuya Pabby. Next week kasi yung napagkasunduan namin na pag-uwi. Since magkasama kaming pumunta rito, dapat sabay din daw kaming umuwi.

Pero dahil sa nangyari kagabi, parang gusto ko nalang tapusin lahat ng pahirap na 'to.

Mas mabuting umalis nalang siguro ako ngayon para marealize ng Sevi na yun na mali siya sa pag-aakalang hindi ako seryoso sa gagawin.

Pero sa huli..nakita ko pa'rin ang sarili na pumunta sa camping ground.

Sa huling pagkakataon, I manage myself to wake up and be out in my bed even if how tough it is to get up.

I can't ditch my teammates. Baka sabihing wala akong isang salita.

Saka determinado akong ipakita kay Sevi sa huling pagkakataon na kaya kong manalo. Na mali siya sa pag-aakalang hindi ko kaya dahil wala si kuya Pabby.

I need to face him up. Baka akalain ng mokong na sobrang nalugmok na naman ako sa kalungkutan dahil kagabi.

Isisi pa niya sa'kin kung makokonsensya siya!

The nerve of that gay!

Hayst! Tama na Harriet! Ignore mo nalang siya!

First game is tag of war. Twice elimination so kung matalo kami rito may chance pa kami sa susunod.

Bwena mano..sila pa talaga 'yung kalaban namin.

" Miss ma'am, wag niyo naman po masyadong galingan! Ibalato niyo nalang 'to sa'ming mga guests niyo. Sege na..miss manager!" Hindi ko alam kung maiinis ako sa strategy ni Tibs.

Ano siya pagbibigyan talaga ni Bridgette?

Sa nakikita ko sa kanila ni Sevi parang determinado talaga silang talunin kami.

Hayst! Hindi to maaari! Naalala ko na naman 'yung panahong pinagtulungan nila ako!

Kaya no..mananalo kami 'rito!

Tiningnan ko si Laurio na kalma lang.

Malaki tiwala ko sa kanya. Sa katawan palang niya, alam ko kaya niya kaming dalhin sa game na 'to.

" Laurio! Ikaw na bahala sa'min ha. I'm yours! All yours! " Hindi ko alam pero parang temang talaga 'tong si Thirdy.

Napatingin ako sa mga kasamahan. Halos lahat naman sa kanila may malaking pangangatawan kaya medyo confident akong kami mananalo 'rito.

Pero what Harriet wants Harriet gets, nga di ba? So syempre para makasiguro..

" Guys..gawin natin lahat para matalo sila. Kapag nanalo tayo..dodoblehin ko premyo niyo."

Natuwa sila sa nalaman.

Napangiti naman ako. Pera-pera nalang ang labanan dito.

Napatingin ako kay kuya Pabby. Ngumiti lang siya sa'kin. Napangiti naman ako.

Kinausap ko na siya kanina. Hindi niya ibibigay full force niya para kami manalo. Importante mag-enjoy daw ako sa game.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon