20: Sevirino Elliot Dimagiba

390 22 9
                                    

" seryoso "

" Uy...ang sakit ng mga tinginan natin ah. Parang may papatayin lang."

Nagulat ako nang marinig si Bridgette. 

Nasa veranda ako ng villa ni auntie. Mula sa ilang araw na pag-ulan, ngayon lang muli nagpakita yung araw. Kaya naman medyo eneenjoy ko muna ang katahimikan ng umaga.

Pero hindi sinasadyang mahagip ng mga paningin ko si Harriet..kasama si Pabby.

Maraming mga campers na ang umuwi kahapon dahil medyo tumila na nga ang ulan. Ngayon nga yung mga naiwan kahapon ay nagsisimula na 'ring gumanyak paalis ng resort.

Hindi ko akalain na makikita si Harriet sa camping ground, dala ang maleta niya.

Napahinga ako ng malalim. Desidido na talaga siyang umuwi na hindi ako kasama.

Much worst..lumapit pa talaga sa kanya si Pabby.

Nag-uusap silang dalawa ngayon. Nakikita ko 'rin na parang may masaya silang pinagkukwentuhan.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit abot langit ang ngiti ng Pablitong ito?

" Mukhang uuwi na 'yung asawa mo ah." 

Aburido akong napasandal sa upuan saka napahalukipkip.

" At mukhang may hindi masaya 'rito. Hmm.. akala ko ba matutuwa ka na dahil uuwi na 'yung asungot mong asawa? Bakit parang namatayan ka 'riyan?"

Hindi ko sinagot si Bridgette. Nanatili lang masama ang mga titig ko kina Harriet at Pabby.

They're still laughing so hard.

Tsk. Para silang mga temang diyan.

Hindi ko talaga maintindihan si Harriet. 

Umamin na nga ako. Gusto ko na ngang gawin 'yung gusto niya tapos magiging ganito naman siya.

Ganun na ba talaga siya ka desidido na tapusin na 'to?

Ayaw na ba talaga niya akong mahalin?

I don't know why it sound so frustrating to realize that.

" Huy Sevi... nakikinig ka ba? "

Napatingin ako kay Bridgette.

" Bakit? " Nagkibit siya ng balikat.

" Wala..by the way kumusta na pala yang sugat mo? "

Napahawak naman ako ng di oras sa hindi pa gumagaling kong sugat.

" Mahapdi pa'rin pero malayo naman to sa bituka."

Napatango siya saka sumandal sa sementong barandilya ng kanilang veranda.

She's staring them also.

Hindi ko alam kung bakit tila natigilan siya nang mapatingin sa mga 'to.

" Hmm..I understand now. Masakit nga sa mata tingnan ang dalawang yan na parang naghaharutan."

Napakunot ang noo ko.

Harutan?

Napatingin ako ng maigi sa dalawa.

Napadilat ako nang makita na naghahampasan na sila ngayon ng kanilang mga kamay sa braso ng bawat isa. May pa-apir-apir pa silang nalalaman.

Napatayo ako at tiningnan sila ng masama.

" Sila na ba?"

Mabilis akong napalingon kay Bridgette.

" Ha?!"

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon