31: Harriet Denise Santibañez

276 12 2
                                    

" kasalanan ko "

" Bakit hindi na sumasama si Sevi sa team Harriet? Saka..bakit hindi siya makontak? "

Yun ang mga huling tanong ni kuya Daki sa'kin na siyang nakapukaw talaga sa atensyon ko.

Lately labis na talaga akong nagtataka kay Sevi kung bakit parang umiiwas siya sa barkada.

May problema ba siya? Saka..may nakaaway ba siya na isa sa mga 'to?

Ilang raket na yung hindi namin nasamahan dahil sa palagi niyang rason na may importante siyang shoot.

Hindi ko naman gustong maniwala na may problema talaga pero nang sabihin niyang kailangan naming lumipat ng bahay..doon na ako nagduda.

May problema talaga pero hindi lang niya sinasabi sa'kin.

" Bakit?"

Nakatitig lamang siya sa'kin habang nakahiga pa'rin sa kama.

Binaba ko na ang hawak na serum saka lumapit sa kanya.

Tumabi ako sa kanya ng higa saka niyakap siya sa dibdib.

" Nag-order ako sa grab. Yung paborito mong palabok sa Mang inasal. " I expected him to be happy with what I said.

Pero tingin ko wala yata siya sa mood. He's not even smiling at me.

Napalayo ako sa kanya saka naupo na. Bumangon siya saka seryoso akong tiningnan.

" M-may problema ba Sevi? " Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Is it bad news?

Lately..ayoko na makarinig ng anumang masasamang balita. Nasanay na akong puro magagandang pangyayari na ang nangyayari sa buhay ko ngayon.

" Meron.. Harriet." Napalunok ako nang makita kung gaano talaga siya ka seryoso.

" I'm sorry Harriet..pero hindi ko na talaga kaya yung pagwawaldas mo. No matter how I try to still let you experience that life you have before..but I can't anymore.. Harriet. I'm sorry. Hindi ko pala kayang pantayan yung buhay na nakasanayan mo noon."

Napaawang ang labi ko sa gulat.

Napakurap ako at walang masabi.

Napayuko siya at halata talaga sa mukha niya ang labis na paghihirap ng kalooban.

" Akala ko kasi kapag pinilit kong pantayan yung buhay mo noon, hindi ka mawawala sa'kin. Pero Harriet.. ako yung unti-unting nawawala sa lahat ng pinaggagawa ko para lang matustusan yang luho mo." He's crying.

Napakurap ako at hindi napigilan ang sarili na mapaluha na'rin.

" I don't want to complain, but I'm tired Harriet. Kahit gaano ko kagustong hindi mapagod..pero pagod na pagod na ako. Tulungan mo naman ako. Tigilan mo na yang pinaggagawa mo. Look at our situation now. Hindi mo ba nakikita, ito na yung buhay natin ngayon. Hindi na mayaman."

Nahihiya akong napayuko at hindi makatingin sa kanya.

Now I know what is the problem.

Ako pala 'yung problema.

" I hate how right was your father about this relationship. Tama siya. Wala kang future sa'kin. I'm a loser Harriet. Hindi ka nababagay sa isang tulad ko" Masakit akong napatingin sa kanya.

He's in much pain admitting that to me.

" Sevi .. wag mong sabihin yan. Hindi totoong loser ka. In fact..I'm so sorry for not seeing it at first. Masyado akong nagpakampante sa buhay na mayroon tayo to the point hindi ko nakita na nahihirapan ka na pala."

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon