28: Harriet Denise Santibañez

388 19 12
                                    

" guilty "


" What's that? "

Loading akong napatingin sa isdang ulam sa mesa.

Hindi ako sigurado kung anong uri ng tuyo ito. 

But I know it's really tuyo. As in dried fish. I just don't know what kind it is. Maliliit kasi saka ang alat ng amoy.

Malamang Harriet..binuro yan sa asin kaya maalat talaga.

Tipid lang na ngumiti si Nika sa'kin saka hinukaran ako ng kanin sa isang plato.

Andito kasi ako sa kanila. Nakisuyo si kuya na samahan ko raw muna yung asawa niya. May raket sila ni Sevi kasama yung barkada nila. Wedding gig. Malayo at aabutin ng ilang araw.

Since may sakit si Aling Maria yung palaging kasama ni Nika sa tuwing may trabaho si kuya Daki sa malayo, kaya ako muna ang kasama nito ngayon. Hindi pa naman niya kabuwanan pero dahil maselan yung pagbubuntis niya so dapat samahan talaga.

Minsan sumasama naman ako sa mga raket nila kuya pero lately dahil sa sobrang busy sa pagrereview para sa board eh hindi na muna ako pinasama ni Sevi.

He said that I need to focus on my review.

Katatapos lang ng exam namin last Friday and Sunday. Merkules ngayon kaya ano mang oras lalabas na ang result.

Actually kinakabahan talaga ako. Kahit fresh  graduate ay na qualified ako mag take ng board since two years akong may experience sa isang construction firm na kakilala ni papa ang may-ari. Third year palang ay nagpapartime na ako run. Kaya naman kahit kinakabahan pero panatag pa'rin ang loob kong makakapasa ng board. 

Hindi ako graduate with a Latin honor pero mataas naman grades ko. Marami rin ako natutunan sa part time job ko noon kaya naman medyo confident akong makakapasa. Pero ewan ba..kinakabahan pa'rin ako. Kahit na sinabi ni Sevi na okay lang if ma-fail ako, may next exam pa naman this January pero gusto ko talagang makapasa.

Atat na akong makapagtrabaho. I wanna help Sevi. Lately, siya nalang kasi yung kumakayod para sa'min. Tapos sinusuportahan pa niya ang tuition ni Rina saka yung nanay niya.

Gusto kong makatulong nang sa ganun hindi na siya mahirapan para sa'min.

" Hindi ka pa nakatikim nito? " Ang tinutukoy niya ay yung tuyo naming ulam.

Napakurap ako.

Since lumipat kami ni Sevi rito sa squatter area ng brgy. Initlugan pero ni minsan never pa kaming nakapag-ulam ng tuyo. I mean.. palagi kasing masasarap na ulam yung binibili ni Sevi para sa'min.

" Hindi pa. Di ba..pangmahirap lang 'to na ulam? " Hindi ako matapobre ha, medyo maarte lang.

Sorry na.

Natawa siya ng bahagya at medyo nasamid pa sa iniinom na tubig.

Gosh..mariing sinabi sa'kin ni kuya na huwag siyang paiinumin ng malalamig na tubig o anumang inumin pero sa natatandaan ko, mukhang naka-isang pitchel na 'to ng inom. Kanina pa siya inom ng inom niyan.

Nahihiya naman akong sitahin siya. Baka magalit sa'kin. Sensitive pa naman mga buntis.

" Hindi to pangmahirap na ulam. Ang mahal kaya ng kilo ng Danggit! Mas mahal pa sa kilo ng baboy."

Danggit? Is that how it called? Danggit dried fish?

" Ah.. ganun ba. So pangmayaman pala yan na ulam."

Natawa siya. Parang aliw na aliw sa'kin.

Nagtaka naman ako. May mali ba sa nasabi ko?

" Hindi naman sa presyo yan. Walang pangmahirap o pangmayaman na pagkain Harriet. Kapag gusto ng tao ke mayaman siya o mahirap. . kakainin pa'rin nila yan basta masarap at pasok sa kanilang panlasa. "

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon