23: Harriet Denise Santibañez

342 21 11
                                    

" sorry "

I can't believe I really heard those words from Bridgette.

I regretted going towards them. Narinig ko pa tuloy yung pinag-uusapan nila!

I don't understand why my feet has its own mind. Bigla nalang kasi akong nagpaalam kay kuya Pabby at nilapatan silang dalawa.

Mukha kasing nagkakasiyahan sila sa pangingisda. Masyadong masakit sa mata.

Hindi ko natiis na wag silang lapitan.

Pero namula ako ng di oras sa mga narinig. Hindi ko alam kung sinadya ba yung sabihin ni Bridgette dahil feeling ko alam niyang andito ako sa tabi nila.

Mas lalo lang yata akong nairita nang sobrang sweet nilang nagharutan bigla nang makahuli ng isda si Sevi.

Napaawang ang labi ko at sobrang nafrustrate na naman sa nangyayari.

Akala ko ba ako 'yung mahal niya? Ba't parang wala lang siyang ginagawa para magstay ako? Ba't panay pa'rin yung pakikipaglandian niya kay Bridgette?

Inis akong tumalikod sa kanila at tumakbo papuntang tent.

Hindi ko akalain na susundan niya ako rito.

" Harriet.."

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya habang napahalukipkip pa'rin.

" Narinig mo ba 'yung sinabi ni Bridgette kanina?"

Suplada akong napalunok at medyo namula nang ungkatin na naman niya yung sinabi ni Bridgette.

Mas lalo lang yata akong nairita kasi naman sa lahat ng pwede niyang sabihin, yun pa talaga ang sinabi niya!

" Harriet.." Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko.

Nagulat ako 'run at sobrang bilis na umatras. Tinabig ko ang mga kamay niya.

" Would you please leave me alone! "

Nagulat siya sa pagsigaw ko.

Medyo nakaramdam naman ako ng hiya dahil oo nga pala. Baka may makarinig nung pagsigaw ko. Akalaing ano pa ang ginagawa namin dito.

Kaya naman mabilis akong lumabas ng tent. Not minding him being pushed on the side.

" Harriet..san ka na naman pupunta?" Bakit ba,pakialam niya! Saka..ba't sumusunod nalang siya palagi sa'kin? Ha?

Medyo mabato sa part na 'to dahil malapit sa ilog.

Kahit medyo natatakot akong umakyat dun sa part na matarik pero dahil hindi na ako nag-isip kaya walang ano-ano ko pa'ring inakyat yun.

Parang gusto ko magsisi sa desisyon dahil sobrang nahihirapan talaga ako sa ginawa.

" Harriet. .bumaba ka nga riyan! Baka mahulog ka--

Shit!!

Natapilok ako.

Muntik na akong mahulog sa ilog. Mabuti nakakapit agad ako sa bato. Medyo malalim pa naman sa bahaging ito.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon