10: Sevirino Elliot Dimagiba

410 20 8
                                    

" inarte " 


Ano 'yung sinabi niya?

Tama ba ako sa narinig?

Natahimik ako at pinag-aralan maigi ang emosyon niya.

Nagbibiro ba siya? 

O nalipasan lang ng gutom.

Sinalat ko ang noo niya. Baka kasi nilalagnat lang ang gaga kaya kung anu-ano ang pinagsasabi.

Pero hindi naman siya mainit.

Sa gulat ko ay malakas niyang tinabig ang kamay kong nasa noo niya.

Huh? Wow ha. 

Nagtaka na talaga ako.

May nakain ba itong masama?

Pinaningkitan ko siya sa mata at napaisip.

" Hoy .. anong trip yan? Wag mo sabihin natauhan ka na rin sa wakas?" Hindi ko maitago ang saya nang marealize na baka nga natablan na 'to sa lahat ng pagtataboy ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

Napasimangot naman ako. Baka eni-echeng lang ako ng babaeng 'to! Pero deep inside may pinaplano na palang masama sa'kin.

" Wala ka ng kailangan?" Walang gana niyang tanong.

Napatda ako.

Tinuro niya ang pinto senyales na pinapaalis na niya ako.

Nakita ko siyang walang pakialam na  bumalik muli sa paghiga at pinikit ang mga mata.

Loading naman akong napatingin sa kanya.

Weird. She's acting weird this time.

Is she serious with this?

" Please close and lock the door when you leave." She said that while her eyes are still close.

Tumikhim ako at matagal na napatitig sa kanya.

She's really pale. I want to ask her if she'd eaten already, but I hold myself. I don't want to give her a wrong impression that I'm showing some concern on her.

Tsk. Never.

But. . I'm really tempted to ask her. Kasi feeling ko nitong nakaraan, mukhang hindi siya kumakain sa tamang oras.

Ilang sandali pa ay napatingin ako sa buong kwarto.

May nakita akong ilang sketchpads na nagkalat sa paligid. I open the one on her bedside table.

Mukhang personalized ang sketchpad na 'to kumpara sa ibang nakakalat sa kwarto. 

Its color is black and has a small golden initial on the lower right side. 'HDS'. Baka Harriet Denise Santibañez meaning nito.

On my curiosity, I didn't hesitate to open it.

Ilang sketches ng interior designs ng bahay ang bumungad kaagad sa'kin. Very detailed ang pagkaguhit niya sa iba't ibang design. Meron sa kwarto, sala, kusina at veranda. 

Oo nga pala, Architect pala course nito. 

Feeling ko nung college pa niya sinimulan magdrawing dito. May mga date kasi sa baba tapos initial niya sa ibabaw ng petsa.

Napaka-random lang nung laman ng sketchpad niya. Sa last drawing, agad kong nakilala 'yung paborito kong spot sa resort na 'to. 

Pati 'yun na execute niya ng maayos sa pagguhit.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon