12: Harriet Denise Santibañez

370 22 5
                                    

"favorite spot"

" Miss.. ang ganda niyo po." Nahihiya akong napangiti sa mga batang dumaan dito sa favorite spot ko.

Kung si Sevi merong favorite spot sa lugar na 'to, ako 'rin meron. Dito katabi sa malaking puno ng mangga.

Kasalukuyan akong nagdudrawing kasama si kuya Pabby. We're having a picnic here.

Kaya siguro nasabi 'yun ng mga bata dahil sa make up na nasa mukha ko. Kuya Pabby is experimenting a different color combination sa kanyang mga bagong bili na make-up pallete. Kaya ako 'yung naging muse niya.

Kumaway sila sa'kin at gumanti naman kami ng kaway sa kanila.

The sun is up. Weekend kaya maraming guests sa resort. Ilan lang ang mga batang 'yun sa kasamang nag-check in ng mga magulang nila rito.

Balita may activity daw, part ng promotion ng resort.

Sabi nga sa'kin ni kuya Pabby na sumali 'raw kami since free ang registration at malaki ang premyo per game. Pero mas gusto ko sanang huwag na kasi lately, hindi pa ako ready mag-interact sa mga tao.

Lowbat pa 'yung social battery ko.

Pero mapilit talaga si kuya Pabby kaya no choice ako kundi ang mag-sign up. This night daw yung opening.

Napahiga ako at pinikit ang mga mata. I feel the fresh air in my nostrils. I exhale as I release all the tension inside me.

Kahit tirik ang araw pero ang lamig naman ng simoy ng hangin. Hindi naman kami naiinitan dahil sa shade na naibibigay ng puno ng mangga.

" If Nika is here, she will take photos of you in that angle."

Napadilat ako at tumingin sa kanya.

He look a bit lost as he's mixing some foundation on his hand.

Napakunot ang noo ko.

" Nagraraket pa'rin ba kayo nila kuya Daki?"

Umiling siya at nagkibit balikat.

" Lately hindi na dahil focus muna si Daki sa pamilya niya. Masilan kasi ngayon 'yung pagbubuntis ni Nika."

Napatango ako kahit nagtataka kung bakit biglang tumamlay ang energy niya.

" Hoy Pablito! Andito ka lang pala! "

Nagulat kami pareho nang biglang sumulpot si Sevi.

He's still here? Akala ko ba umalis na 'to? Bakit pakalat-kalat na naman 'to rito?

" Oh Sevi, bakit andito ka pa? Akala ko nakaalis ka na." Tumayo si kuya Pabby para harapin ng maayos si Sevi.

" Ah. .ha? Ah.. next week nalang siguro. Bigla kasing dumating sila Thirdy at Tibs." Napadilat kami ni kuya Pabby.

Eh ano ngayon kung andito yung ibang kaibigan niya? Akala ko ba galit siya sa mga 'to? 

" Ha? Bakit sila andito? "

" Hindi ko alam. Siguro para bwesitin ako? " Humagalpak ng tawa si kuya Pabby.

Hinila niya ng konti ang kulot na buhok ni Sevi.

" Ikaw talaga, feeling bida. Hindi naman palaging nakasentro sa'yo yung mga pang-aasar namin."

Sumimangot si Sevi at inignora si kuya Pabby. 

Napatingin siya sa'kin. 

Hindi ko alam kung bakit parang nahigit niya ang hininga nang mapako ang tingin sa'kin.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon