" Apologize "
Kanina pa ako pabaling baling dito sa loob ng tent.
Obviously, hindi ako makatulog.
I know Harriet is not joking with what she said this afternoon.
Ayssh.. gago ka rin kasi Sevi. Alam mo na ngang hindi ganun yung atake kapag nagpapaamo ng babae, tapos ano? Umiral na naman yang kabaklaan mo.
Ginatungan mo pa. Ayan tuloy.
Balik ulit sa simula.
Ano na ngayon ang gagawin mo?
Akala mo mareresolba mo 'to ngayon? Eh hindi nga tumabi sa'yo.
Napahilamos ako sa mukha at napabangon.
Siguradong aalis na siya bukas.
Mauuwi lang sa wala yung pag-amin ko.
Kasalanan ko 'to.
Masyado akong naging kampanti na hindi na niya gagawin yun. Pero nagpadala ako sa inis kanina. Pinatulan ko pa yung galit niya.
Haynako. Mga babae talaga. Hirap espilingin.
Ganito ba talaga magmahal ng babae?
Nakakapraning?
Sa huli wala akong choice kundi ang lumabas ng tent.
Alam kong tulog na ang lahat.
Pero tila torture sa'kin ang mga nangyayari.
Aside sa hindi ako makatulog. Hindi ko yata kakayanin ang mangyayari kinabukasan.
Kaya naman hindi pwedeng umabot pa 'to ng bukas.
I need to talk to her.
Kanina kasi hindi ako makatyempo. Ayoko namang guluhin yung celebration ni Bridgette.
So I waited for us all to settled on each tent. Pero sa pag-aakalang tatabi siya sa'kin. Hindi nangyari.
Sa ginawa niya, lalo lang napatunayan na ayaw na talaga niya. Desidido na talaga siyang iwan ako.
And shit.. ayokong mangyari yun.
Naloko na. Umiibig na talaga ako sa babaeng yun.
Heto ako ngayon..hindi matahimik.
Sa paglabas ko ng tent, hindi ko inasahan na bigla pang masisira 'to.
Sumabit kasi to sa katawan ko. Hindi ko naman akalain na ang weak lang pala ng mga post nito at sa huli para itong lobong pumutok.
Napaawang sa gulat ang labi ko.
Shit. Dumagdag pa 'to sa problema.
Inis akong napaupo nalang at tahimik na pinagmasdan yung tent ni Bridgette kung saan nasa loob din si Harriet.
Kung may signal lang sana. E di natext ko na si Bridgette na lumabas muna riyan.
Pero wala. Kaya heto..nganga.
Kahit inip na inip na ako sa paghihintay na may mangyayaring himala, wala naman akong choice.
Hindi rin naman ako makatulog. Saka hindi ko rin alam anong gagawin papano sila gigisingin na hindi nakakahiya at nakakadistorbo sa iba.
Kaya naman kahit nilalamok na sa paghihintay, umaasa pa'rin akong lalabas diyan si Bridgette.
For sure..maiihi ang babaeng yan.
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
RomanceHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...