33: Harriet Denise Santibañez

348 17 4
                                    

" home "

Nasa ospital ako ngayon. Binabantayan si Nika.

Dahil CS siya kaya kailangan niya talaga ng alalay mula sa pagkilos.

These past days sobrang bigat na pala ng mga nangyayari sa kanila ni kuya Daki.

Their child has a tumor in the liver. Lately nalaman sa biopsy na cancerous yung tumor.

Sobrang naaawa ako ng lubusan hindi lang sa mag-asawa kundi pati na'rin sa bata.

Ang unfair talaga ng buhay. Walang pinipiling saktan. Pati bata nagkaganyan.

Bakit yung inosenteng bata pa? Madami naman diyang masasamang tao. Bakit hindi nalang sila?

Ilang araw na kami rito sa ospital at hanggang ngayon hindi pa pwedeng lumabas yung mag-ina. Nahihirapan kaming lahat ngayon kung papano sasabihin kay Nika ang totoo.

Natatakot si kuya Daki na kapag nalaman niya ay mabinat siya ng di oras. Her operation is still fresh and need to take good attention.

" Harriet..ano raw sabi ng doctor? Bakit medyo malaki yung tiyan ng anak ko saka bakit hanggang ngayon..malala pa'rin yung jaundice niya? "

Napatikhim ako.

Kita ko talaga yung matinding pag-aalala ni Nika para sa kanyang anak. Pero hangga't hindi pa sinasabi ni kuya Daki sa kanya ang lahat, hindi muna ako magsasalita.

I just said to her that the child will be okay. Na normal lang sa mga new born ang jaundice.

Kinagabihan.. dumating si Aling Maria. Hindi ko makontak si kuya Daki. Hindi ko alam kung na'san siya pero sigurado naman akong babalik siya para sa kanyang mag-ina.

Nagpaalam muna ako kay Aling Maria dahil ilang gabi na akong walang matinong tulog.

Kahit papano nadistract ako sa pagbabantay kay Nika. Hindi ko masyadong naisip yung sitwasyon namin ni Sevi ngayon.

Alam ko naman na nabigla lang siya sa nangyari. Hindi niya gustong madamay ako.

Kaya hindi ko sinunod yung sinabi niya. Hindi ako umuwi sa papa.

Mabuti at naiintindihan naman ni kuya Daki yung sitwasyon ko.

Ilang beses kong tinitingnan ang cellphone ko. Umaasang may tawag o text akong matanggap sa kanya.

Pero hanggang ngayon..kahit ilang araw na ang nakalipas ay wala pa'rin akong natanggap.

Gusto ko isipin na seryoso talaga siya sa gustong mangyari sa'min sa panahong ito. Pero sa tuwing naiisip ko yung mga napagdaanan na namin parang hindi yata tamang sumuko nalang kami ng ganun kadali.

Lalo na ako. Ngayon pa ba ako susuko na ilang taon ko ngang tiniis yung paghabol-habol ko sa kanya. 

Kaya naman imbes na magmukmok sa bahay nila kuya Daki, hindi ko natiis na itext si kuya Pabby.

I asked him about Sevi. Kung magkasama ba sila ngayon.

Hindi naman ako nabigo nang malaman na magkasama nga sila. Nasa bar sila ngayon.

Kahit may part sa'kin na ipagpabukas na lamang yung pagpunta ko sa kanya pero sobrang namimiss ko na talaga siya.

I need to see him or else..mababaliw yata ako.

I told the taxi driver to go to the Santorini Bar. Malapit lang din sa bar na pinagtatrabahuan ko.

Nakaleave ako ngayon kasi masyadong maraming nangyari nitong nakaraan. I need a break.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon