2: Harriet Denise Santibañez

394 22 1
                                    

" Mali "

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako ganun ka over confident tulad ng inaakala ng lahat sa'kin.

May ugali nga akong kung ano ang gusto dapat makuha pero hindi naman ako ganun ka spoiled tulad ng inaakala ng lahat.

Kung titingnan sa realidad, malayo talaga sa pagiging perpekto ang buhay ko.

Nabiyayaan man ng isang mayamang pamilya pero lahat 'yun may kaakibat na kapalit.

My mother and father are not your ideal couple as everyone believe they are.

Palagi silang nag-aaway. Minsan gusto ko na nga isipin na baka one day tuluyan silang maghiwalay. Kung hindi dahil sa karera sa politika ng papa, siguro matagal ng nabuwag ang pamilyang ito.

Hindi lingid sa'ming kaalamang magkakapatid na may ibang pamilya ang papa sa ibang babae.

In all those years, my mom tried so hard to save this family.

Sabi nga niya, bahala na kung magmukha siyang kontrabida sa mata ng iba basta ipaglalaban niya ang kanyang pamilya.

Hindi niya hahayaang masira ng kung sino mang kabit diyan ng papa ang pamilya namin.

And maybe that is the only quality I admire for my mother.

Her courage to still stand up for what she thinks is right especially for us her children.

Ano nalang kaya ang naging kinahinatnan ng pamilya namin kung una siyang sumuko? Baka 'yung mother ni kuya Daki pa ang ipalit ng papa sa kanya.

Like I can't imagine having a different mother other than her.

I'm maybe a daddy's girl, but I look and act like my mother especially in love.

It may look like a desperate move, but I have no regrets.

As long as I did fight for the one I love, I know this will be worth it in the end.

" Bakit mo ako iniwan kanina sa reception?"

Sobrang pagod ko talaga nang makaakyat na sa kwarto niya. Ang bigat kasi ng suot kong wedding gown.

Hindi man kasing laki 'yung bahay nila Sevi kumpara sa'min pero sobrang haba naman ng kanilang hagdanan. Marami 'ring kwarto kaya medyo naligaw pa ako kung saan papasok.

Mabuti sinabi 'nung kapatid niyang babae na nasa dulong bahagi 'yung kwarto niya.

Pagkapasok ay hindi ko inaasahang maaabutan siyang prenteng nakahiga lamang sa kanyang kama.

Nakabihis na'rin siya saka puno ng skincare ang mukha. Nababalutan kasi 'to ng white cream habang natatakpan ang mga mata ng hiniwang pipino.

" Ano ngayon? Ano ka bata? Hindi marunong umuwi? Saka.. bakit ka andito?" Tinanggal niya ang mga nakatakip na pipino sa mata.

Hindi ako sanay makita siyang naka-nighties na pantulog. Ni ako nga walang ganyang ka seksing pantulog.

" What? Ano..pati kwarto ko aangkinin mo 'rin? Grabe ka na talaga! Ang daming bakanteng kwarto diyan sa labas! Wag ka dito!"

Naiinis siyang tumingin sa'kin.

Inaasahan ko na talagang magiging ganito kahirap ang lahat ng mararanasan ko sa kanya lalo na sa kanyang pakikitungo sa'kin.

Sa nagawa ko ba naman, siguradong hindi magiging ganun kadali ang lahat sa kanya.

" Mag-asawa na tayo ngayon. Sa ayaw at sa gusto mo, dito ako matutulog sa tabi mo."

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon