29: Harriet Denise Santibañez

309 17 6
                                    

" long night "

It's okay. You can always try next time.

Natigilan ako sa pag-iyak nang mabasa ang mga nakasulat sa dedication ng cake.

Medyo malaki kasi yung chocolate cake na hawak niya kaya nabasa ko talaga ang mga nakasulat dito.

Napalunok ako at naiiyak pa'ring napatingin sa kanya.

Nakangiti siya pero ang mga mata halatang nakikisimpatya.

Umupo siya sa tabi ko.

Nilagay niya ang cake at bulaklak sa tapat na mesa.

Niyakap niya ako mula sa balikat at nilagay ang ulo ko sa kanyang dibdib.

" Okay lang yan baby.. may next time pa naman." Kahit napaka-common ng mga sinabi nya. Sobrang cliché man 'nun pakinggan pero iba pa'rin epekto nito sa'kin.

I feel his lips on my head. Giving me soft kisses.

Napapikit ako lalo dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam nung ginawa niya.

Ang kanina na bigat dito sa'king dibdib ay gumaan nalang bigla.

Umuulan pa'rin ng malakas kaya napagdesisyunan  namin ni Sevi na maghapunan ng maaga.

Nagdala siya ng chicken wings. Masarap naman yung dala niyang ulam pero hindi ko pa'rin talaga makalimutan yung ulam namin kanina ni Nika.

I told him about that food and he promise to bring me next time.

Dahil sa maaga nga kaming naghapunan kaya alas otso pa ng gabi, ginutom ulit kami.

Nagmomovie marathon kaming dalawa. Nakatatlong movie na siguro kami nang kumalam ang aming mga sikmura.

Since umuulan pa'rin kaya hindi kami makalabas upang bumili ng makakain sa convenience store.

" Kumakain ka ba ng pancit canton? " He asked maybe bothered that I will not eat such food.

Nang tumango ako sa kanya ay mabilis siyang lumabas muna ng bahay para bumili sa katabing tindahan.

Hindi ako mahilig sa mga junkfood na pagkain. I practice a healthy diet. Low carbs lang with calorie deficit yung diet ko. Hanggang ngayon I still manage to go to the gym.

Pero dahil umuulan ng malakas, brown out at kasama ko si Sevi. Masarap kumain ng mga ganitong pagkain.

We are watching 'World War Z'. Sevi's favorite zombie movie.

Sevi is a sucker of films. Kahit anong genre pinapanood niya. Siguro dahil ito sa kanyang natapos na kurso. He studied about film and directing.

" Sunod-sunod ba yung pasok ng mga kliyente niyo sa events?" Out of the blue kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa'kin. I am lying on his chest while hugging him. Nasa hita niya naman yung laptop kung saan kami nanonood ng movie.

" Why do you asked? Gusto mo na ulit bang sumama sa'min? "

Yumakap ako ulit sa kanya at napahiga na naman sa kanyang dibdib.

" Oo sana..kung papayag ka."

Sana pumayag siya. Gusto ko ma distract dahil sa pagka-fail sa exam.

" Hindi ka ulit magpafile ng application for the next exam?"

Actually, hindi ko alam kung may gana pa ba akong magtake ng board sa susunod. Binuhos ko na kasi lahat last board tapos mabibigo lang pala ako sa huli.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon