30: Sevirino Elliot Dimagiba

266 16 4
                                    

" hindi na tama "

Napaangat ako ng tingin sa dalawang baklang ito. Kanina pa nila ako inaasar sa mga titig.

Napayuko ako at piniga na ang huling damit na binabanlawan.

Hindi ko sila pinapansin habang nagsisimula na akong magsampay ng mga basang damit na nilabhan ko kanina. Konti lang naman 'to. Mga damit lang halos ni Harriet.

Nang matapos ay walang pakialam ko silang nilagpasan at pumasok na ng bahay.

Pumunta agad ako sa ref at kumuha ng maiinom. Habang lumalagok ng malamig na tubig, nakita ko sila Tibs at Thirdy na pumasok na'rin dito sa loob.

" Sevii..." Natawa si Tibs habang prenteng umupo sa furniture na upuan dito sa sala.

" Akalain mo 'yun Thirdy.. may pa galit-galit pang nalalaman. Sa huli, bibigay din pala!" Humagalpak sila ng tawa.

Napakagat ako sa ilalim ng labi habang pilit inignora yung mga pang-aasar nila sa'kin.

Binalik ko na yung pitsel sa loob ng ref saka sinubukang ipagpatuloy yung pag-iimpake ko.

May raket na naman kasi ang team. Malayo kaya aabutin ng ilang raw. Marami ang inimpake ko dahil kasama si Harriet.

Wala siya rito ngayon. Pumunta muna ng gym para mag work out.

Bukas pa naman yung alis namin pero hindi ko maintindihan kung bakit andito ngayon ang dalawang asungot na 'to sa bahay.

Gusto lang yata nila sirain yung buong araw ko eh.

" Diring diri noon..pero tingnan mo naman ngayon. Kinain lahat ng sinabi. Buhay prinsesa na ngayon si Harriet sa piling niya!" Tumawa na naman sila.

Napasimangot na ako pero mas pinili ko pa'ring hindi magsalita. Kapag pinatulan ko sila, mas lalo lang lalala ang mga pang-aasar nila sa'kin.

Well.. apparently. Tama naman sila. Sa huli..kinain ko rin lahat yung mga sinabi ko noon.

" Ang tanong Tibs..may nangyari na ba? Kaya na ba ng lola mo tumira ng ba..." Natawa na naman sila.

Inis ko silang nilingon.

" Iw..yaks..kadiri!!! " Nag-akto pang nasusuka si Tibs.

" Ano na ba nangyayari sa mundo Tibs?! Una si Daki ..ngayon naman si Sevi! Nako..baka yung susunod ikaw na!" Natigil sa pagtawa si Tibs saka buong pandidiring hinampas si Thirdy sa braso.

" Loka ka! Never mangyayari yun nu! Saka.." Napatingin si Tibs sa'kin na animo'y pinipigilan pa ang sarili na matawa na naman.

" Sinasabi ko na nga ba . . kung sino pa yung pinakabakla sa'tin siya pa yung unang mauulol sa pag-ibig. Ayan..sa babae pa talaga. "

" Oo nga. I just can't believe it Sevi. Nung si Daki ang nagkaganyan.. matatanggap ko pa. Hindi naman yun malandi. Pero ikaw.. buong kaluluwa mo yata sinisigaw ang kalandian! Tapos ngayon..heto. Nagbago nalang bigla."

Napuno na ako saka tumayo. Pinameywangan ko silang hinarap. Seryoso ko silang tiningnan.

Natigilan naman silang dalawa.

" So? Ano ngayon? Bawal? Nasa batas na hindi pwedeng magbago ang bakla? Ha? Saka.. anong nakakatawa rito? Di ba kayo naman ang may kasalanan nito? Kayo yung nagtulak sa'kin para mapunta sa sitwasyong ito." But I'm not regretting any of those things they did.

Wala akong pinagsisihan sa nangyari.

Inis akong bumalik muli sa pag-iimpake.

Natahimik na silang dalawa.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon