" seryoso talaga siya"
Good thing, chances of spending more time with him in that ruin barn house was cancelled because rescuers finally came.
I can't believe he's saying impossible words again.
Baka nagkashort-term amnesia ito dahil sa pagkakabagok ng ulo.
Nakalimutan nito sandali kung ano talaga ang totoong nararamdaman sa'kin.
Pero nang sumunod na araw, hindi ko akalain na seryoso talaga siya sa sinabi.
Umuulan pa'rin ng malakas. May bagyo daw kaya pansamantalang tinigil muna ang mga games.
Hindi ako sigurado kung kailan yun mareresume pero plano ko pagtigil ng ulan ay bababa na ako ng bayan at tuluyan ng umalis sa resort na 'to.
I am so busy packing my things when I heard someone knock on the door.
Nagtaka ako kasi masyadong malakas ang ulan. Lahat ng guests advice na magstay muna sa kanilang cabin. Yung ibang campers na tent lang ang dala ay pansamantala munang inaccomodate sa malaking villa ng auntie ni Sevi.
Kaya naman wala akong ibang maisip na pwedeng pumunta rito sa cabin ko sa ganitong kalagayan ng panahon.
Pagkabukas ng pinto, hindi ko inasahan na makikita siya.
Napatda ako nang marealize yung lahat ng sinabi niya sa'kin nung nasa barn house pa kami.
Ngayon lang ulit kami nagkita. May malaking band-aid siya sa gilid ng noo.
I never bother to check on him these days. Total na rescue na'rin naman kami at andiyan yung Bridgette niya kaya ano pang rason para alamin ko 'yung kalagayan niya? Di ba?
" What do you want? "
Basang-basa siya kahit sa payong na dala. Malakas din kasi ang hangin kaya siguro hindi naging sapat yung payong para hindi siya mabasa ng ulan.
Nakikita ko mula sa kalayuan ang malakas na pagragasa ng agos ng tubig sa batis. Kulay tsokolate na ito dahil sa lupang nasasama mula sa bundok.
Naalala ko na naman nung time na naanod siya.
That was really close to death.
" Pwedeng pumasok? " Sabay hilamos niya sa mukha.
Napaatras naman ako at hindi nag-isip. Too late for me to realize that I should have never let him in.
Nang nasa loob ko na siya ng kwarto, wala akong choice kundi ang isara agad ang pinto. Nakakapasok kasi ang ulan sa kwarto kapag hindi ko 'yun ginawa.
" Ano kailangan mo Sevi?" Napahalukipkip ako sabay seryoso siyang tiningnan.
Napatingin siya sa mga gamit ko sa kama maging sa malaki kong maleta.
" Aalis ka talaga? "
Anong tanong 'yan? Of course..matagal ko ng sinabi sa kanya na aalis na talaga ako rito.
Kung hindi dahil sa bagyong ito, baka matagal na akong nakaalis.
Umirap ako saka lumapit sa kama. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kanina.
" Tulungan na kita. .since tapos na'rin ako sa pag-iimpake."
Nagitla ako at napatitig sa kanya.
" What? "
Ngumiti siya saka umupo sa kama ko.
" Di ba? Sabay tayong uuwi..sa bahay?"
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
Roman d'amourHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...