" tulong "
" Sevi!!!!!! Gurllll!!! "
Natigil ako sa pagpupunas ng tuwalya sa basang buhok. Naka-itim na shorts lang ako ngayon. Hindi pa nakasuot ng t-shirt.
Pagod kong inikot ang mga mata at walang gana silang hinarap.
Andito na naman ang mga 'to para bwesitin ako.
Pinasadahan nila ng tingin ang katawan ko at hindi maikakaila ang kanilang paghanga 'rito.
" Grabe Sevi.. sa'ting lima ikaw talaga 'yung may pinakayummy na katawan." Nang-aasar na wika ni Thirdy.
" KAYA LANG SIYA RIN YUNG PINAKA-BAKLA SA LAHAT!!!" Natatawang bulalas ni Tibs.
Hayp' talaga ang mga baklang 'to.
" Teka, nagpipills ka pa'rin ba hanggang ngayon? Mukhang mas lumaki lang 'yang braso mo ah! " Aysshh. Sarap talaga tsinelasin ng bibig nitong baklang mataba na 'to. Hayp' ka talaga Tibs!
" Hayaan mo na, batak na naman siguro sa trabaho ang katawan niya 'rito. Knowing Sevi..sumisipag lalo kapag may mga hot boylet na kasamahan! Pakilala mo kami mamaya gurl ha, dun sa assistant manager niyo. Bet ko siya. Kaya pala panay ang balik ni Pabby dito. Nako..yun pala rason! Teka nasaan na nga 'yun?! Oh no! Baka nauna na 'yun sa'tin Tibs! Sevi . .pakilala mo na kami..sege na. Ang gwapo talaga niya!!!" Kinikilig na wika ni Thirdy. Tsk. Isa pa to! Mukhang uunahan pa ako kay Laurio!
Ilang sandali ay napabunghalit na silang dalawa ng tawa. Nag-apir pa ang mga 'to habang iniinis ako sa mga tingin.
Napatitig ako ng masama kay Tibs. Simula nung kasal ko ay ngayon lang ulit kami nagkita tatlo.
Akala ko mapapalampas ko na 'yung ginawa nila. Pero as I check my heart. Galit na galit pa'rin talaga ako sa kanila lalo na sa Tiburcio na 'to!
He's the one who tricked me to go to that hotel!
Sa galit ay hindi ko na napigilan ang sarili na ibato sa kanila ang hawak na tuwalya.
Natamaan nito sa mukha si Tibs.
" Ay Thirdy!!! Nang-iinis ang lola mo oh!!" Ibabato sana 'to ulit sa'kin ni Tibs pero mabilis ko 'yung naharang.
" Eh bakit hindi?!! Alam mo, ang laki talaga ng kasalanan mo sa'kin bakla ka!!"
Hindi ko na napigilan ang sarili na dumugin siya. Nanggagalaiti talaga ako ngayon!
" Aba .aba..lalaban pa ang baklang 'to!!" Binatukan ako ni Tibs.
Natigilan kami tatlo at hindi ko na natiis. Napasigaw ako sa galit!!!
" Hayup ka!!! Hayp kayu!!" NAGWAWALA NA TALAGA AKO!
" Tama na mga bakla!!" Sinubukan kaming awatin ni Thirdy pero isa pa 'to! Sa inis, hinila ko 'rin ang buhok niya.
" Sinadya mo 'yun nu! Di porket nagkakamabutihan na kami ni Almario! " Ang tinutukoy ko ay 'yung hot campus hearthrob ng architecture department sa University. Pareho kasi namin 'yun pinag-aagawang tatlo.
" Feeling ka! Hindi naman ikaw ang nililigawan nun kundi si Harriet!" Natigilan ako sa sinabi niya.
" Ginayuma mo siguro 'yun nu? Kaya lang si Harriet ang natablan! Wahahaha! Nakarma ang lola niyo.. buti nga sa'yo! Feeling. Ikaw lang 'tong malandi na palaging lumalapit sa kanya. Pero hindi naman ikaw ang bet 'nun kundi ang ASAWA mo!!" Napahagalpak sila ng tawa.
Napasimangot na talaga ako.
Naalala ko 'nun sa tuwing nagpapapansin kami kay Almario, andun naman ang Harriet na 'yun para kunin palagi ang atensyon nito.
BINABASA MO ANG
BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)
Roman d'amourHarriet Denise Santibañez is very inlove with his half brother's friend, Sevirino Elliot Dimagiba. Knowing she is the daughter of the richest man in their town, so she used her dad's power and influence just to get the man she wanted in this life. P...