32: Sevirino Elliot Dimagiba

295 17 1
                                    

" solution "

Wala akong kasalanan. Nadamay lang talaga ako.

Nanghiram lang ako ng pera dun sa kasamahan ko sa trabaho tapos hindi ko naman akalain na yung malaking halaga na pinahiram niya sa'kin ay galing pala sa mga naloko niya sa networking.

Ako yung penagbentangan dahil nakatakas na yung tunay na may kasalanan.

I was not thinking. Ngayon nakikita ko na yung naging epekto ng lahat ng pagkakamali ko. Bigla akong nagising sa katotohanan.

Sobrang mali na gumawa ako ng mga maling bagay para lang papaniwalain ang sarili na kaya kong ibigay kay Harriet ang lahat. Na hindi tama si Don Lucio sa lahat ng pangmamaliit niya sa kakayahan ko.

" Namiss ko 'to!!! Wooh! Grabe Sevirino! Now I know mali palang pinakasal ka namin! Ayan tuloy..maaga kang namulat sa realidad ng buhay when in fact we should be enjoying first this life!!! Ang bata pa natin para masira ang buhay dahil sa pag-ibig!"

" Oo nga!!! Kaya cheers to freedom!!!"

I never said anything with what Tibs and Thirdy blurted out.

Hanggang ngayon andito pa'rin yung hiya ko sa kanilang dalawa dahil sa pagrecommenda ko ng mga numero nila run sa mga loan app na inutangan ko.

They never mentioned anything about it. Hindi ko alam kung binayaran na ba nila yun kasi sa nakikita ko mukhang binayaran na nila.

Sobrang laki na ng utang ko sa kanila. But they're still here with me. Sumasabay pa'rin sila sa'kin.

Nag beep yung cellphone ko. Nagtext si Dakila.

Hiningi ko kanina kay Pabby yung number niya. I want to ask him if Harriet is there in his house.

Nang magreply siya sa'kin na andun nga, saka lang ako napanatag.

Akala ko talaga bumalik na siya ng tuluyan sa kanyang papa.

Kahit yun ang gusto kong gawin niya pero may part sa'kin na umaasang hindi pa siya bumabalik dun.

Sobrang gulo pa talaga ng isip ko ngayon. With a pending case that's haunting me, I can't promise her that things will never be difficult for the both us in the next days.

Kaya naman.. para maliwanagan kami pareho. Kailangan naming mag-isip muna. Pareho kaming may kasalanan.

Kung sinabi ko lang sana sa kanya nung una na hindi ko talaga kayang tustusan yung buhay na nakasanayan niya, baka hindi sa'kin to nangyari ngayon.

Baka hanggang ngayon..we are still together.

" Bridgette naman!!! Pa-iskorin mo naman kami! Wag ka na kayang sumali rito! Magconcentrate ka nalang diyan sa thesis mo!"

Napalingon ako kay Bridgette na printe lang na nakangiti habang tumira ng bola. Naglalaro kasi sila ng billard ng barkada.

Pagkatapos ma shoot yung bola ay mabilis siyang bumalik sa inuupuan kanina na nasa tabi ko. Nagtype siya agad sa kanyang laptop saka uminom ng alak mula sa plastic cups.

She's here in the town for a thesis that need to be submitted. She's currently taking her master's in Hotel and Management. Dapat nga nagcoconcentrate siya sa paggawa niyan.

Pero heto nakukuha pang makipag-inuman sa barkada.

Matagal ng nasa bayan si Bridgette. Kaya nung nahuli ako, siya agad ang una kong tinawagan. Bridgette know everything that I did for Harriet.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon