37: Sevirino Elliot Dimagiba

319 21 7
                                    

" pain "

" I don't need a lot of things. I can get by with nothing with all the blessings life can bring. I've always needed something, but I've got all I want when it comes to loving you. You're my only reason. You're my only truth. I need you like water, like breath, like rain. I need you like mercy from heaven's gate. There's a freedom in your arms that carries me through. I need you. 🎶"

" Magkapatid talaga sila ni Dakila. Parehong magagaling kumanta." Si Tibs habang humahangang napatingin kay Harriet na kumakanta.

Nasa isang intimate beach wedding kami ngayon. Raket ng barkada. Ang kita rito ay mapupunta sa pagpapagamot sa anak nila Daki at Nika.

Si Harriet yung wedding singer. Ilang beses na'rin to nangyari na siya yung kinuha ni Daki as wedding singer. Minsan kasi si Daki na yung kumakanta. Pero siguro dahil abala si Daki sa pagiging organizer kaya si Harriet muna ang sumalo sa role niya.

" You're the hope that moves me. To courage again, oh yeah. You're the love that rescues me when the cold winds rage. And it's so amazing cause that's just how you are. And I can't turn back now cause you've brought me too far.🎶"

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang damang dama niya yung kanta. Lahat ng guests imbes na sa couple yung atensyon ay nasa kanya na.

She sang the song in a painful way.

Dapat sana hindi ganun ang atake. Dapat puno ng pagmamahal..hindi ng sakit.

Dahil kasal 'to. Hindi lamay.

" I need you like water like breath, like rain. I need you like mercy from heaven's gate. There's a freedom in your arms that carries me through. I need you. Ooh, yes I do, oh.🎶"

Napakurap ako at napalunok.

Napatingin sila Tibs sa'kin. Sinulyapan lang ako saglit ni Bridgette.

" Mukhang mahihirapan ka talagang mapaalis siya sa buhay mo Sevi." Saad ni Tibs.

" Ikaw naman kasi bakla.. nawala ka sa script bigla. 10 million lang yung inoffer ng papa niya. Ginawa mo namang 20 milyon." Si Thirdy habang nagpapacute sa isang guest. Bahagya pa siyang kumikindat na parang nakakain ng tira ng daga.

" Sorry na. Narattle lang ako. Pero no effect din naman. She still stay. Hindi pa'rin siya umalis."

" Hayaan niyo na. Next week mag Boracay tayo. Dun..magpost ka ng mag post Tibs ng mga sweet moments nila ni Bridgette. Tingnan natin kung hindi pa'rin yan umalis pagbalik ni Sevi."

A sudden pain that I don't want to recognize immediately reveal at my heart.

Napayuko ako at hindi gustong tanggapin ang mangyayari sa'ming dalawa.

Nakapagdesisyon ka na Sevi. So why feel this way again, huh?

Naramdaman ko yung kamay ni Bridgette sa'king balikat.

She's giving me a sympathetic kind of look.

Alam niya yung nararamdaman ko ngayon.

Huminga ako ng malalim. Pilit inaaalis ang lahat ng emosyon na gumugulo na naman sa'king puso.

Buo na yung desisyon ko.

Sa lalong madaling panahon..kailangan na niyang lumayo sa'kin.

Kung hindi..baka tuluyan na talagang mahuli ang lahat.

The ceremony went on until when it finished, the reception proceeded. Hindi na si Harriet yung singer.

I was basically looking for her though I never let it notice.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon