14: Sevirino Elliot Dimagiba

355 20 10
                                    

" song "

Bago pa ako makatakbo palayo sa kanya pero huli na ang lahat nang marealize kong nasa harap ko na pala siya.

Ewan..parang may sariling isip ang mga paa ko. Parang may kung anong magneto ang biglang humila sa'kin papunta sa kanya.

Hindi ko alam kung ano 'yun pero huli na talaga para elihis ko ang direksyon. 

Sana may take two para maiwasan ko ang pangyayaring ito.

Napasulyap ako sa tatlong kaibigan at of course nang-aasar talaga ang mga tingin nila sa'kin.

Hayst. Ba't kailangan pa nilang makita 'to?

Napatingin ako sa kanya na nagtaka kung bakit ako lumapit sa kanya.

I just stare at her..losing my voice.

What the hell Sevi? You're losing your voice at this moment?

Hindi ko alam kung bakit mas na zoom 'yung mukha niya sa mga mata ko. Wala akong ibang nakikita ngayon kundi siya lang.

Hindi ko alam kung bakit gumaganda na siya ngayon sa paningin ko habang yung mga bubbles na binoblow ng mga bata ay nasa paligid niya.

I slightly open my mouth, in awe for this moment.

But in one snap..I lost it.

" Bakit? Ano kailangan mo? " May bahid na inis 'yung pagtatanong niya sa'kin.

Syempre para di halatang natigilan ako sa ganda niya kaya ginatungan ko 'rin ang inis niyang tanong.

" Bakit? Bawal dumaan dito? Dumaan lang ako. Tabi nga.. nakaharang ka sa dinaraanan ko."

But surprisingly she didn't do what I said.

Napahalukipkip siya at nagtataka akong tiningnan.

Napalunok naman ako sa ginawang pagsuri niya sa'kin.

Pero ilang sandali pa ay disinteresado siyang napairap saka tumabi.

Akala ko mananatili siya sa pwesto ngunit umalis lang siya. 

Nakita kong binalik niya ang dalang pinggan na may cupcake dun sa tabi.

Napakunot ang noo ko.

Teka, 'san siya pupunta?

I try to look for her in the midst of the crowd. But all I see are see of people coming over here. Dumarami na kasi ang mga tao rito sa ground. Mukhang magsisimula na ang program. 

Nagpanting ang tenga ko sa ingay ng vibration ng mic.

Napatingin ako sa ginawang maliit na stage dito sa camp ground. Nakita ko 'run si auntie na masayang tinitest ang mic. Nasa tabi niya si Bridgette.

" What a lovely evening everyone...kumusta kayo? Salamat naman at nakarating kayo sa ating anniversary as part of this resort promotion.."

Nakita ko ang lahat na nagsettle na sa kani-kanilang pwesto. Naupo sila sa ground.

I should now look for my friends dahil sa kanila ako tatabi.

Pero si Harriet 'yung hinahanap ng mga mata ko.

Baliw na ako. Anong nangyayari sa'kin? Bakit ba puro si Harriet nalang 'yung nasa isip ko ngayong araw?

Naipilig ko ang ulo saka hinanap na ang mga kaibigan.

Nakita ko sila sa tabi medyo malapit sa stage.

Pero napaawang ang bibig ko nang makita siya na katabi ni Pabby.

BROKEN VOW TRILOGY: 2 (Never Broke Me Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon